Back

Naglabas ng 2026 XRP Price Prediction ang 21Shares

28 Enero 2026 20:40 UTC
  • 21Shares Predict 30% Chance na Umabot ng $2.69 ang XRP sa 2026 Dahil sa SEC Clarity at ETF Inflows
  • Bullish na XRP? Kailangan ng tuloy-tuloy na demand para sa ETF, pag-adopt ng RLUSD, at paglago ng tokenized assets sa XRPL
  • Mga bear risk: Baka bumaba ang ETF demand, mahina pa rin ang RWA adoption, at dumadami na ang kalaban mula sa mga network gaya ng Canton.

Pagsimula ng 2026, mukhang malaki ang potential ng XRP na tumaas ang presyo. Suportado ito ng pag-launch ng spot exchange-traded funds (ETF), paglabas ng bagong stablecoin, at mas pinalawak pa na kakayahan sa tokenization sa mismong XRP Ledger.

Pero, hindi guarantee ang potential na pagtaas na ‘to. Depende pa rin ang galaw ng XRP kung tuloy-tuloy ang regulatory clarity sa US at kung malakas pa rin ang demand ng mga investors para sa XRP-related products lalo na’t lumalakas na ang competition.

Paano Binago ng XRP ETF ang Demand sa Market

Sa report na ginawa ng asset manager na 21Shares, sinabi nilang nasa 30% ang chance ng XRP na umabot ng $2.69 pagdating ng 2026. Tinawag nila itong bull case scenario.

Nakabase ang prediction na ito sa mga milestones na naka-achieve ng XRP at ng Ripple sa taong 2025.

Pagkatapos ng multi-year na laban sa Securities and Exchange Commission (SEC) na natapos buwan ng August 2025, nawala na ang legal na sagabal ng asset. Bumukas muli ang XRP sa publiko kaya puwede na muling makapasok dito ang mga US-based na institutions, mga bangko, at mga payment company.

Matapos lang maging malinaw ang legal status ng XRP, doon pa lang nabigyan ng SEC approval ang US XRP spot ETFs.

Umabot sa $1.3 billion ang XRP pagkatapos ilaunch ang spot ETF nito. Source: 21Shares.

Ayon kay Matt Mena, isang crypto researcher sa 21Shares, nung inilunsad ang XRP spot ETF, nagbago talaga ang demand profile ng asset na ‘to. Sa loob lang ng isang buwan mula nung nag-launch, nakalikom na agad ang mga ETF na ito ng mahigit $1.3 billion sa assets under management.

“Maraming hindi nakakaalam na world-record holder pala ang XRP ETF. Hawak nila ang record ng pinakamahabang tuloy-tuloy na net inflows, kahit anong asset class—lumampas pa sa stocks, commodities, bonds, at pati Bitcoin—dahil lampas 50-days na ‘di natatapos ang net inflows nila,” kwento ni Mena sa BeInCrypto. “Sobrang solid nitong fact na ‘to at pinapakita kung gaano katibay ang inflows ng XRP ETF post-launch.”

Bukod sa ETF, sunod-sunod pa ang paglabas ng mga produkto ng XRP na naging dahilan din ng paglaki ng community at adoption nito.

XRPL Nagpo-Position Para sa Tokenized Finance

By 2030, estimate ng 21Shares na ang global finance ecosystem gagana sa hybrid rails—halong tokenized bank deposits, regulated fiat-backed stablecoins, at mga interoperable settlement layer na puwedeng mag-connect sa iba’t ibang network.

Sa gitna ng tokenization ng global financial system, tinuturing ni Mena na ang XRP Ledger (XRPL) ang neutral settlement layer na pwedeng pagtagpuin ang liquidity, bilis, at compliance.

Lately, mas dumami ang activity sa network at mas tutok na sa programmable infrastructure nito. Dahil dito, puwede nang mag-issue at mag-manage ng mas komplikadong real-world assets (RWAs) tulad ng bonds at equities ang iba’t ibang institutions gamit ang XRPL.

Samantala, lumakas pa lalo ang pananaw ng 21Shares na may upward potential pa ang XRP dahil panalo ang performance ng stablecoin nito na RLUSD bilang liquidity vehicle, basta tuloy-tuloy ang adoption nito.

Exponential ang paglaki ng RLUSD stablecoin simula nang mag-launch ito nitong December 2024. Source: 21Shares.

Highlight ng report ang sobrang bilis ng paglaki ng RLUSD kaya’t nag-spike ang market cap nito ng nasa 1,800% mula $72 milyon hanggang $1.38 bilyon sa wala pang isang taon. Dahil dito, puwede na itong gawing collateral ng mga malalaking institution at gamitin sa mas advanced na finance applications.

Kahit na maraming gains, patuloy na malakas ang kalaban ng XRP mula sa ibang established networks. Ang pagpapatuloy ng bullish scenario, depende pa rin sa lakas ng demand ng investors lalo na sa harap ng lumalakas na competition.

Mga Posibleng Luging Sitwasyon at Matinding Kompetisyon

Kapag bumagsak ang demand sa XRP ETFs, hindi tumaas ang RWA volume sa XRPL, at mapurnada ang RLUSD adoption, puwede itong magdala ng ibang price scenarios sa asset.

Sinabi rin ng 21Shares na may mga alternate scenarios depende sa market at sa success ng adoption. Binibigyan nila ng 50% chance yung base case na kung saan mananatiling stable ang regulation at tuloy-tuloy lang ang ETF inflows at unti-unting tumataas ang gamit ng XRP, kaya posibleng umikot presyo nito sa $2.45.

Sa kabilang banda, tinatantsa ng report na may -16% probability rin ang bearish scenario, na posibleng bumagsak ang XRP papuntang $1.60. Nangyayari ito kung walang adoption at lumipat ang kapital sa ibang kalabang assets.

Hindi lang kawalan ng demand ang dapat bantayan ng XRP, kailangan din niyang sumabay sa matinding competition. Sobrang bilis ng growth ng networks tulad ng Canton at Solana ngayong taon.

Ang Canton, kahit wala pang dalawang taon na nailunsad, nakaprocess na ng trillions of dollars sa mga tokenized assets.

Pero parang hindi gaanong nababahala si Mena sa pressure mula sa mga kakompetensya. Aminado siya na malaki at mabilis ang mga ibang networks, pero sinabi niyang iba talaga ang impact ng community ng XRP.

“Isa ang XRP Army sa pinakamalaki at pinakamalakas magsalita na community sa crypto. Sa totoo lang, bukod sa Bitcoin at Dogecoin, XRP yung token na pati mga hindi naman into crypto eh madalas naririnig at natatandaan nila,” sabi niya.

Para sa XRP, malalaman sa 2026 kung mapapakita ng community at momentum nito na kaya talagang gawing matibay na value ang hype nila.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.