Inilunsad ng Ethereum Foundation ang Mekong testnet para ipreview ang mga features ng paparating na Pectra fork sa 2025.
Ang bagong testnet ay magbibigay ng controlled environment para masinsinang masubukan ang mga bagong update sa protocol ng Ethereum, kasama na ang inaabangang Pectra upgrade, bago ito tuluyang isama sa mainnet.
Inilunsad ng Ethereum ang Short-Term na Mekong Testnet para sa mga EIP ng Pectra
Inanunsyo noong November 7, ang Mekong ay naglalayong ihanda ang mga users para sa mga pangunahing pagbabago sa UX at staking system ng Ethereum bilang paghahanda para sa hard fork sa early 2025. Ang pagbubunyag ng Mekong ay parte ng mas malawak na estratehiya ng Ethereum para manatiling matatag sa blockchain, lalo na habang ang mga kakumpitensya, tulad ng Solana, ay nagpapatuloy din sa kanilang mga upgrade.
Lalo itong mahalaga pagdating sa bilis ng pagproseso ng mga transaksyon at mga fees, dahil sa mainnet, problema ito para sa mga mahilig sa meme coin. Simpleng sabi, mas mataas talaga ang gas fees kumpara sa ino-offer ng Solana o ng mga Ethereum layer-2 options.
Read more: Ano ang Rinkeby Faucet at Testnet?
Ang Mekong ay nagbibigay ng testing environment para sa mga developers na mag-explore ng mga UX upgrades bago ito ilunsad sa mainnet. Pwede ring mag-experiment ang mga stakers sa updated na staking workflows na ilalabas sa Pectra. Kasama sa testnet na ito ang lahat ng Ethereum Improvement Proposals (EIPs) na planado para sa Pectra upgrade.
Pwedeng magkaroon ng ilang minor adjustments bago ilipat ang mga features na ito sa ibang public testnets. Pero, ang structured testing approach ng Ethereum ay naglalayong pabilisin ang upgrade cycle at bawasan ang abala para sa mga end users at applications sa network.
Si Tim Beiko, lead ng protocol support ng Ethereum Foundation, inilarawan ang Mekong bilang isang “pre-Devcon treat.” Ang pangalan na “Mekong” ay pagpupugay sa ilog na dumadaloy sa Southeast Asia, na nag-uugnay sa development ng Ethereum sa mga landmark ng rehiyon.
Hinihikayat ng Ethereum Foundation ang aktibong testing at feedback mula sa mga developers at stakers sa platform. Para sa mga stakers, nag-aalok ang Mekong ng first look sa mga bagong deposit at exit mechanisms, na nagpapakita ng mga pagbabago sa Pectra bago ang kanilang pag-release sa mainnet.
Read more: Ipinaliwanag ang Ethereum ETF: Ano Ito at Paano Ito Gumagana
Hiwalay ang testnet na ito sa mainnet ng Ethereum at sa mga existing testnets tulad ng Holesky at Sepolia. Hindi tulad ng mga naunang testnets, ilulunsad ang bagong testnet ng maikling panahon at pagkatapos ay ititigil. Ang mga insights mula sa testing ay makakatulong sa pag-guide ng final na rollout ng Pectra upgrade sa mas malawak na network ng Ethereum sa susunod na taon.
Disclaimer
Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.