Trusted

Solana, Tumalon ng 30% ang Rally, SOL Umabot sa 3-Year High, Market Cap Lumampas sa $100 Billion

2 mins

In Brief

  • Solana, tinalo ang $201 resistance, umabot sa $100 billion market cap pero may sell signal dahil sa bumababang bilang ng active addresses.
  • Overbought na RSI, nagbabadya ng posibleng pagbaliktad; dapat bantayan ng mga traders ang mga senyales ng profit-taking na maaaring makaapekto sa stability ng SOL.
  • Kailangan ng SOL na i-hold ang $201 support para iwasan ang pagbaba sa $186, habang ang pag-rebound ay puwedeng magdala sa pag-test ng $221 resistance, at mag-sustain ng bullish momentum.

Kamakailan lang, nagkaroon ng malaking price breakout ang Solana (SOL), nalampasan ang eight-month-old resistance level na $201. Kilala bilang “Ethereum killer” dahil sa scalable blockchain technology nito, Solana na ngayon ang pang-apat na cryptocurrency na umabot sa market cap na $100 billion.

Nakakamangha ang achievement na ‘to pero may malakas na sell signal na baka maging hadlang sa pag-sustain ng mga gains sa mga susunod na araw.

Nagpu-pull back na ang mga Investors ng Solana

Kahit pa tumataas ang presyo ng Solana, bumababa naman ang active addresses sa network. Ang pagbaba na ‘to ay nagresulta sa Price DAA (Daily Active Addresses) Divergence, na nagsi-signal ng potential selling pressure. Kapag tumataas ang presyo habang bumababa ang active addresses, madalas ito ay nagpapahiwatig na mas kaunti ang investors na nage-engage sa asset, na pwedeng magdulot ng pagbaba ng momentum.

Ang divergence sa pagitan ng presyo ng Solana at active addresses ay pwede maging sensyales na mag-ingat. Ang sell signal na nabuo ng indicator na ‘to ay nagre-reflect ng uncertainty sa mga market participant, na posibleng pigilan ang further gains. Kung magtuloy-tuloy ang trend na ‘to, baka mag-trigger ng wave ng profit-taking habang sine-secure ng mga investor ang recent gains nila, na makakaapekto sa price stability ng SOL.

Solana Active Addresses.
Solana Active Addresses. Source: Glassnode

Ang macro momentum ng Solana ay nagpapakita ng senyales ng overextension. Ang Relative Strength Index (RSI), isang key technical indicator, ay pinapakita na nasa overbought zone ang Solana.

Historically, madalas ito ay nagli-lead sa short-term corrections dahil nagiging overvalued ang prices. Kung mananatiling mataas ang RSI, baka mag-signal ito ng potential reversal, na magdudulot ng temporary price drop.

Ang overbought status sa RSI ay nagsa-suggest na baka maging mahirap ang upward momentum ng Solana kung lumamig ang enthusiasm ng investors. Mataas ang risk ng reversal, dahil madalas na sinusundan ng profit-taking ang previous instances ng high RSI readings. Pinapayuhan ang mga traders na bantayan ng mabuti ang RSI, dahil ang further gains ay depende kung lalabas ito sa overbought territory.

Solana RSI
Solana RSI. Source: TradingView

Prediksyon sa Presyo ng SOL: Paano Maiiwasan ang Pagbaliktad

Tumulak ang rally ng presyo ng Solana sa three-year high nito na $215, at kasalukuyang nagte-trade ang SOL ngayon sa $205 range. Pero dahil sa pag-decline ng address activity at dahil sa overbought RSI, posibleng lumapit ang presyo ng Solana sa support level na $201. Kung hindi ito ma-hold, baka magkaroon ng patuloy na pagbaba.

Kung magsimula na ang mga investors na kumuha ng profits, baka bumagsak ang Solana sa $186, isang critical support floor para sa altcoin. Mahalaga na mag-hold above $186 para ma-maintain ang recent uptrend, dahil kung mabasag ito, baka maging signal ito ng malalim na corrections.

Solana Price Analysis.
Solana Price Analysis. Source: TradingView

Sa kabilang banda, kung mag-rebound ang Solana mula sa $201 support level, baka subukan nitong lampasan ang next key resistance na $221. Kung malampasan ito, malamang na itulak nito pabalik ang market cap ng Solana above $100 billion, na magre-reinstate ng bullish momentum at magka-counter sa kasalukuyang bearish na outlook.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.

frame-2t314.png
Aaryamann Shrivastava
Si Aaryamann Shrivastava ay isang teknikal at on-chain analyst sa BeInCrypto, kung saan siya ay dalubhasa sa mga ulat sa merkado ng mga cryptocurrency mula sa iba't ibang sektor, kabilang ang Telegram Apps, liquid staking, Layer 1s, meme coins, artificial intelligence (AI), metaverse, internet of things (IoT), ekosistema ng Ethereum, at Bitcoin. Dati, siya ay nagsagawa ng pagsusuri sa merkado at teknikal na pagsusuri ng iba't ibang altcoins sa FXStreet at AMBCrypto, na sumasaklaw sa lahat ng...
READ FULL BIO