FTX, sinasabing nagsampa ng kaso laban sa Binance at sa dating CEO nito na si Changpeng Zhao (CZ), para mabawi ang $1.8 billion. Ganun din, ang Alameda Research, trading affiliate ng FTX, nag-file din ng kaso laban kay Aleksandr Ivanov, founder ng blockchain platform na Waves.
Ang mga pangyayaring ito ay bagong legal moves para mabawi ang mga assets na konektado sa ngayon ay bankaroteng crypto exchange.
Ang Misyon ng FTX at Alameda Research na Mabawi ang mga Assets
Ayon sa Bloomberg, nag-file ang FTX ng kaso laban sa Binance Holdings Ltd. at CZ noong Linggo. Gusto nilang mabawi ang humigit-kumulang $1.8 billion na assets sa exchange na ngayon ay sarado na. Ayon sa exchange, Ang mga funds na ito ay di-umano’y iligal na nailipat ni Sam Bankman-Fried (SBF).
Nakatanggap daw ng funds ang Binance, CZ, at iba pang executives bilang parte ng deal sa pagbili ng shares noong July 2021 kasama si SBF. Ayon sa Bloomberg, sa transaksyong iyon, nagbenta sila ng halos 20% na stake sa international unit ng FTX at 18.4% sa US-based entity nito.
Bumaba ang Binance Coin (BNB) ng halos 2% dahil sa balitang ito. Kasalukuyang nagte-trade ito sa $619.60.
Nag-file din ng kaso ang Alameda noong Linggo. Gusto nilang mabawi ang humigit-kumulang $90 million na di-umano’y ginamit sa maling paraan ni Ivanov at ng mga entities na konektado sa Waves sa pamamagitan ng Vires Finance platform.
Ayon sa filing ng Alameda, hinihingi ng kaso na ibalik ang assets na nagkakahalaga ng $90 million na orihinal na dineposito sa Vires, isang DeFi platform sa Waves. Ang mga funds na ito ay unang ipinadala sa Vires noong March 2022 nung nag-deposit ang Alameda ng humigit-kumulang $80 million sa stablecoins na USDT at USDC. Ayon sa report, na-convert raw ito sa USDN, isang Waves-native stablecoin, na nagpalobo sa total value sa humigit-kumulang $90 million.
Hinihikayat ng Vires ang mga users na mag-deposit ng assets sa pamamagitan ng Waves blockchain para kumita ng rewards. Ang mga assets ay nagbibigay din ng karapatan upang lumahok sa decentralized autonomous organization (DAO) governance nito. Pero ayon sa claim ng Alameda, Modus daw ni Ivanov ang mga lihim na transaksyon upang pataasin nang artipisyal ang halaga ng WAVES tokens at mag-siphon ng pondo.
“Habang pino-promote ni Ivanov ang Waves at Vires bilang oportunidad para sa mga lenders at ibang users na kumita nang malaki, lihim naman niyang inorchestrate ang isang serye ng transaksyon para artipisyal na pataasin ang value ng WAVES, kasabay ng pagsiphon ng pondo mula sa Vires,” ayon sa isinampang kaso.
Sa kabila ng maraming attempts ng FTX estate na mabawi ang mga na-freeze na assets, sinabi ng Alameda na sobrang minimal ang naging communication ni Ivanov sa mga debtors. Naiulat na nakilahok lang siya sa isang tawag noong January 2023 at mula noon ay hindi na nag-reply sa iba pang pagtatangka na makipag-ugnayan.
Kasunod ng lawsuit ng Alameda, tumaas ng bahagya ang presyo ng Waves (WAVES) ng 2.29%. Gayunpaman, limitado ang naging participation nito sa mas malawak na surge ng market. Sa ngayon, ang WAVES ay nagte-trade sa halagang $1.14.
Bukod sa kasong ito, kabilang sa mga hamon na hinaharap ng WAVES ang pagtanggal ng Binance Exchange sa token noong June. Nagdulot ito ng dagdag na pressure sa liquidity at market presence ng token.
Ang Mas Malawak na Kampanya sa Pag-recover ng FTX Estate
Ang kaso na ito ay parte ng mas malaking effort ng FTX estate na mabawi ang bilyon-bilyong dolyar na assets na utang sa mga creditors. Nitong nakaraang linggo lang, nag-file ang estate ng mahigit 20 na kaso laban sa iba’t ibang indibidwal at organisasyon upang mabawi ang mga pondo. Ang mga hakbang na ito ay naglalayong mabigyan ng reimbursement ang mga stakeholders na naapektuhan ng pagbagsak ng FTX.
Samantala, ang mga aksyon ng FTX estate ay may malawak na saklaw na nagdamay sa mga high-profile names at entities. Tinarget ng mga kaso ang mga individual tulad ni Anthony Scaramucci, CEO ng SkyBridge Capital. Kasama rin sa kaso ang mga company tulad ng gaming studio sa likod ng Storybook Brawl at ang chairman ng Deltec Bank na si Jean Chalopin.
Kabilang din sa mga kamakailang kaso ang demanda ng Alameda laban sa KuCoin at sa mga dating executives ng FTX, kabilang ang dating CEO na si Sam Bankman-Fried. Ang mga kasong ito ay nagpapakita ng agresibong layunin ng estate na habulin ang mga assets na sinasabing ilegal na nailipat.
Pinagsama-sama, ang kampanya ng FTX estate ay isa sa pinakamalawak na clawback attempts sa kasaysayan ng crypto. Ibinubunyag nito ang masalimuot na web ng mga transaksyon na naganap sa mabilis na pag-angat at pagbagsak ng exchange.
Bawat lawsuit na isinampa ay nagpapakita ng pagtutok ng estate na mabawi ang mga assets para sa mga creditors ng FTX, na karamihan ay mga institutional investors at individual account holders na nalugi nang malaki dahil sa pagbagsak ng exchange.
Lalong uminit ang atensyon sa FTX at sa mga kaugnay nitong entities matapos ang mga recent na developments sa sentensiya ng ilang executive. Si Caroline Ellison, dating executive ng Alameda at close associate ni FTX founder Sam Bankman-Fried, ay kamakailan lang nahatulan dahil sa mismanagement ng assets ng FTX.
Ang development na ito ay nagdala ng bagong focus sa mga executive at management practice ng exchange. Samantala, ang CTO ng exchange ay nakikipagtulungan sa US government para gumawa ng tool para sa detection ng fraud.
Para sa mga creditors ng FTX, ang agresibong legal na hakbang na ito ay nagbibigay ng pag-asa para sa accountability at posibleng pagbawi ng mga nawalang pondo.
Disclaimer
Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.