Ngayong araw, isang piling grupo ng altcoins ang biglang nag-trending sa crypto market. Bukod sa tumataas na trading volumes, dumami rin ang mga social media mentions ng mga ito. Ang mga token na ito ay kabilang sa mga pinaka-searched na cryptos ngayon dahil sa kanilang price surges at investor hype.
Ayon sa datos mula sa CoinGecko, ang mga top-trending altcoins ngayong Nobyembre 11 ay Peanut the Squirrel (PNUT), Act I: The AI Prophecy (ACT), at Sui (SUI).
Peanut the Squirrel (PNUT)
Ang Peanut the Squirrel ay isang quirky meme coin na unang sumikat dahil sa post ni Elon Musk tungkol sa isang squirrel na namatay na. Muling napunta ito sa spotlight ngayong araw nang ianunsyo ng Binance ang opisyal na listing nito sa spot market.
Dahil sa announcement, pumalo ang presyo ng PNUT nang 300%, na ngayo’y nasa $0.42. Bukod dito, ang trading volume nito ay tumaas nang 950%, na nasa $446.43 million sa kasalukuyan.
Ayon sa 4-hour chart, tumaas ang Chaikin Money Flow (CMF), na ginagamit upang masukat ang buying at selling pressure base sa presyo at volume, na kung saan positive values ay nagpapakita ng mas maraming buying pressure.
Ang negative values sa kabilang banda ay nagpapahiwatig ng mas mataas na selling pressure. Kaya kung patuloy na tataas ang reading ng indicator, baka umabot pa ang presyo ng PNUT sa $0.45. Pero kung maging overbought ang altcoin at tumaas ang profit-taking, baka bumaba ang presyo nito. Kung mangyari ‘yon, pwedeng bumagsak ang PNUT sa $0.30.
Act I: The AI Prophecy (ACT)
Katulad ng PNUT, ang Act I: The AI Prophecy (ACT) ay isa rin sa mga trending altcoins ngayon dahil nilista rin ito ng Binance. Ang ACT, isang AI-based meme coin, ay sumikat noong malakas na paglago ng Goatseus Maximum (GOAT).
Simula nung humupa ang hype sa meme coin na ‘to, bumaba rin ang adoption ng ACT. Pero dahil sa recent na pag-lista ng Binance, tumalon ang presyo ng ACT ng mahigit 1600% sa nakalipas na 24 oras. Ayon sa data mula sa Lookonchain, ang pagdami ng accumulation mula sa crypto whales ay nag-ambag sa malaking pagtaas.
Sa ngayon, ang presyo ng ACT ay $0.40 habang ang trading volume nito ay tumaas ng 7000%. Kung patuloy na tataas ang volume at presyo, baka lalo pang tumaas ang value ng altcoin na ‘to.
Sa 4-hour chart, ang Moving Average Convergence Divergence (MACD) ay lumipat na sa positive territory, na nagpapahiwatig ng pagbabago ng momentum patungo sa bullish side. Dahil dito, baka patuloy na tumaas ang presyo ng ACT at posibleng umabot pa ito ng higit sa $0.50 sa maikling panahon.
Pero, kung mag-book ng profits ang mga holders ng meme coin sa malaking volume, pwedeng bumaba ang ACT hanggang sa $0.20.
Sui (SUI)
Huli sa listahan ng mga altcoins na trending ngayon ay ang SUI. Ang Sui (SUI), isang layer-1 blockchain token, ay trending din ngayon, pero hindi dahil sa Binance listing. Ang native token nito ay umangat nang mabilis, na nagdulot ng malaking hype.
Sa kasalukuyan, ang presyo ng SUI ay nasa $3.21, na tumalon nang 70% sa loob ng isang linggo. Sa daily chart, patuloy na tumataas ang SUI na walang resistance na nakikita. Dahil dito, malaki ang tsansa na pwedeng tumaas pa ang presyo ng SUI hanggang sa $4.
Ngunit kailangang mag-ingat ang mga traders. Kung maging overbought ang SUI, maaaring magbenta ang ibang holders para kumita. Sa ganitong sitwasyon, posibleng bumaba ang presyo nito sa $2.63.
Disclaimer
Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.