Trusted

Abraxas Capital Nag-invest ng $837M sa Ethereum: Anong Epekto Nito sa Altcoin Season?

6 mins
In-update ni Сedrick Сabaluna

Sa Madaling Salita

  • Abraxas Capital Todo-Bili ng Ethereum, $837M na ang Ininvest—Senyal ng Lakas ng Kumpiyansa ng Mga Institusyon?
  • Ethereum Market Nagbago Matapos ang Pectra Upgrade, Nagdulot ng Bagong Interes ng Investors at Matinding Bawas sa Exchange Reserves
  • Analysts Predict: ETH Rally Pwede Mag-trigger ng Altcoin Season, Lalo na't Dumadami ang Capital sa Altcoins at Bumaba ang Bitcoin Dominance

Nag-invest ang Abraxas Capital, isang investment firm na may $3B in assets, ng $837M sa Ethereum. Dahil dito, umakyat sa mahigit $950M ang total crypto portfolio nila. Para sa marami, malinaw itong senyales ng lumalaking kumpiyansa ng mga institusyon sa ETH. Dahil dito, nagsimula na ring mag-spekula ang ilang analyst kung posibleng simula na ito ng panibagong altcoin season.

Kapansin-pansin na dumating ang desisyon ng firm na magdagdag ng ETH holdings habang tumitindi rin ang interes ng market. Maraming trader ang nag-a-accumulate ng ETH, kaya bumaba ang exchange reserves sa pinakamababang level sa loob ng siyam na buwan.

Bakit Bumibili ng Ethereum ang mga Investor?

Bumibili ang mga investor ng Ethereum dahil sa epekto ng Pectra upgrade, na nagbalik ng kumpiyansa sa merkado. Matapos ang mahinang performance at mataas na selling pressure noong unang bahagi ng 2025, tumaas ang presyo ng ETH kasabay ng pag-activate ng upgrade — dahilan para muling tumaas ang interest sa asset.

Ayon sa ulat ng BeInCrypto, mahigit 1 million ETH ang na-withdraw mula sa exchanges nitong nakaraang buwan. Ipinakita rin ng CryptoQuant data na bumagsak ang exchange reserves sa pinakamababang level mula pa noong Agosto 2024. Para sa maraming analyst, bullish signal ito na posibleng simula ng panibagong accumulation phase.

Ethereum Exchange Reserves
Ethereum Exchange Reserves. Source: CryptoQuant

Sa mga bumibili ng Ethereum ngayon, standout ang Abraxas Capital dahil sa agresibo nilang accumulation strategy. Ayon sa Lookonchain, bumili ang firm ng 46,295 ETH ngayong araw na nagkakahalaga ng $115.3 million.

Ginawa nila ito matapos lang ang tatlong araw na pahinga. Simula pa noong May 7, tuloy-tuloy na silang nagdadagdag ng ETH. Umabot na sa 350,703 ETH ang total buys nila — worth $837 million, sa average price na $2,386. Sa ngayon, may unrealized gain na silang nasa $50 million.

Lalo pang lumalalim ang ETH strategy ng Abraxas dahil binawasan na nila ang Bitcoin holdings. Ayon sa BeInCrypto, galing sa BTC ang malaking parte ng kapital na inilipat nila sa Ethereum.

Abraxas Capital Buying Ethereum
Abraxas Capital Buying Ethereum. Source: X/Lookonchain

Nakatuon ang Abraxas Capital sa Ethereum bilang bahagi ng strategy ng Alpha Ethereum Fund, na inilunsad nila noong Hulyo 2023. Gumagamit ang fund ng mga taktika tulad ng options at yield farming para mas higitan ang normal na galaw ng ETH. Noong 2024, tumaas ang value ng fund ng 62.7% — mas mataas kumpara sa 50.9% na pagtaas ng presyo ng Ethereum mismo.

ETH Accumulation, Senyales Ba ng Paparating na Altcoin Season?

Oo, ayon sa ilang analyst, posibleng simula na ito ng altseason. Ang aggressive na ETH accumulation ng Abraxas Capital ay hindi basta-bastang high-risk play — kundi isang institutional move, ayon kay Atlas, isang kilalang analyst sa space.

Hindi rin ito nakalampas sa pansin ng crypto community. Marami ang naniniwala na ang focus ng Abraxas sa Ethereum ay posibleng magbukas ng pinto para sa rotation papuntang altcoins.

Sabi ni Atlas, mukhang sinusundan ng Abraxas ang isang tried-and-tested playbook na ginamit din ng Alameda Research noong 2021: maagang bumili ng ETH, palakasin ang bullish sentiment sa market, at pagkatapos ay i-rotate ang capital papuntang altcoins para pasimulan ang altseason.

Kung tama ang basa nila, mukhang Ethereum ang magiging “institutional darling” ng cycle na ’to — at ang mga alts, ang susunod na makikinabang.

“Yung rotation sa ETH ang nagsisilbing signal, pero ang totoong galaw ay nasa altseason. Parehong strategy ’yan ng cycle noong 2021 — bumalik ngayon ang mga player na ’yon, pero mas malaki na ang kapital,” ayon sa kanya sa isang post.

Marami sa industriya ang naniniwalang papalapit na ang altcoin season. Ayon kay Tracy Jin, COO ng MEXC, lumilitaw na raw ang mga unang senyales: bumababa ang Bitcoin dominance, tumataas ang market cap ng altcoins, humihina ang USDT dominance, at gumaganda ang price structure ng maraming altcoin sa charts.

“Ang galaw ng Ethereum ay isa pang senyales na posibleng nagsisimula na ang altseason. Dati, puro short positions ang marami sa ETH at bearish pa rin ang market sentiment, kaya tuloy-tuloy ang downtrend. Pero ngayon, lumalakas na ulit ang risk appetite, kaya bumabalik ang interest hindi lang sa ETH kundi pati sa mga mas maliliit na altcoin,” ibinahagi ni Jin sa BeInCrypto.

Dagdag pa ni Jin, kahit technically nasa “Bitcoin season” pa rin tayo, unti-unti nang nabubuo ang pundasyon para sa altcoin rotation. Kung magtutuloy-tuloy ang pagpasok ng kapital sa ganitong direksyon, posible raw magsimula ang altcoin season nang mas maaga kaysa sa inaasahan.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.

kamina.bashir.png
Si Kamina ay isang journalist sa BeInCrypto. Pinagsasama niya ang matibay na pundasyon sa journalism at advanced na kaalaman sa finance, matapos makakuha ng gold medal sa MBA International Business. Sa loob ng dalawang taon, nag-navigate si Kamina sa kumplikadong mundo ng cryptocurrency bilang Senior Writer sa AMBCrypto. Dito niya nahasa ang kakayahan niyang gawing simple at engaging ang mga komplikadong konsepto. Nag-contribute din siya sa editorial oversight para masigurong maayos at...
BASAHIN ANG BUONG BIO