Back

Alien Totoo Ba? Dating Bank of England Insider Kinonek Ang Bitcoin sa Cosmic Theory

sameAuthor avatar

Written & Edited by
Lockridge Okoth

19 Enero 2026 09:25 UTC
  • Dating Analyst ng Bank of England Nagbabala: Pwedeng Magka-Market Chaos at Guluhin ang mga Institusyon Kapag Totoo nga ang Alien
  • Pwede Maging Dahilan ng Ontological Shock sa Disclosure ang Pagka-bank Run, Palpak na Payments, at Bagsak na Tiwala
  • Pwede Gawing Decentralized na Hedge ang Bitcoin Kung Bumagsak ang Kumpiyansa sa Fiat at Gold

Kung dati ang usapan ay tungkol pa sa quantum computing sa market, tapos sinundan pa ng isang top strategist sa Wall Street na ‘di na nagtitiwala sa Bitcoin, ngayon naman may bagong teorya—posibleng pati mga alien eh pwedeng magdulot ng kaguluhan sa financial markets, at posibleng mahila pati ang Bitcoin dito.

Si Helen McCaw, dating senior analyst sa Bank of England (BoE), nagbabala na kapag may opisyal na kumpirmasyon tungkol sa buhay mula sa ibang planeta, pwedeng magdulot ito ng matinding gulo sa mga financial market na ‘di pa nararanasan sa modernong panahon.

Dating Analyst ng Bank of England Nagbabala: Magkakagulo sa Finance Pag Nakumpirma ang Alien

Sa pananaw niya, posible na maging last-resort na taguan ang Bitcoin (BTC) habang bumabagsak ang mga tradisyonal na institusyon. Dati siyang naka-focus sa stability ng finance at risk sa BoE hanggang 2012, at sumulat siya mismo kay Governor Andrew Bailey. Hinikayat niya ang central bank na i-stress test ang “unthinkable”—yung tipong may kumpirmadong kaalaman tungkol sa Unidentified Anomalous Phenomena (UAPs) o ‘yung mga parang UFO.

Sinasabi niyang pwedeng mangyari ang tinatawag na “ontological shock,” o ‘yung klase ng psychological na gulantang na pwedeng magpabagsak ng tiwala nating lahat sa realidad mismo.

Ayon sa The Times, kapag nangyari ito, pwedeng magdulot ng matinding volatility sa market, magka-bank run, pumalya ang payment systems, at kahit kaguluhan sa mga tao — posibleng mangyari lahat ‘yan sa loob lang ng ilang oras.

Nakabase rin ang mga concerns niya sa mga patuloy na paglalantad sa US, tulad ng Pentagon briefings at UAP Transparency Act.

Kapansin-pansin, ilang senior na opisyal sa Amerika gaya ng Secretary of State, si Marco Rubio, si New York Senator Kirsten Gillibrand, at si James Clapper na dating director ng national intelligence, nagpahiwatig na posible talaga na merong intelligent non-human life.

Bitcoin Ginagawang Pampanlaban Tuwing Sobrang Uncertain ang Mundo

Inaasahan ni McCaw na dadagsa ang mga tao sa mga tingin nilang “safe haven”. Pwedeng matalo pa ang traditional gold kung maglabas ang mga alien ng tech na kayang magmina ng madaming precious metals sa space.

Ang Bitcoin naman, dahil decentralized at walang hawak ang gobyerno, posibleng mas maging attractive sa mga investors na duda na sa value ng fiat currencies.

Hindi na rin nagpapahuli ang mga prediction market, tulad ng Polymarket na nagbigay ng nasa 14% chance na magkakaroon ng official disclosure bago mag-2027.

Kahit mababa pa lang, nasa 14%, ang tsansa, naniniwala si McCaw na hindi handa ang market sa domino effect ng isang matinding “once-in-a-lifetime” na pangyayari tulad nito.

Will the United States confirm the existence of extraterrestrials before 2027
Malalaman ba ng United States kung totoo nga bang may mga extraterrestrial bago mag-2027? Source: Polymarket

Usap-usapan ngayon sa crypto community, daming users sa X na nagshi-share ng warning ni McCaw bilang ibang klaseng bullish case para sa BTC.

Paano Kung Mangyari ang ‘Di Inaasahan? Anong Papel ng Bitcoin Dito?

Di naman officially galing sa Bank of England ang warning tungkol sa aliens — personal opinion lang ni McCaw. Pinagpiyestahan lang ng media at pinalabas na parang “Bank of England Prepares for Alien Apocalypse.”

Pero hindi rin maikakaila na tumatama ang logic nito. Madaling mabasag ang tiwala sa financial systems at dahil decentralized ang Bitcoin, pwedeng dito lumakas ang value nito kapag nawala na ang kumpiyansa ng tao sa assets na kontrolado ng gobyerno.

Sa white paper niya para sa Sol Foundation nitong 2024, sinabi niyang dapat daw matutunan ng mga gobyerno na harapin ang “cognitive dissonance” tungkol sa UAPs at magkaisa sa pag-handle kasama ang mga allies tulad ng US at Japan.

Sa madaling salita, hindi raw tungkol sa pagpatunay kung totoo nga ba ang aliens—mas mahalagang paghandaan anong pwedeng mangyari kapag naging undeniable na ito.

Hindi sinasabi ni McCaw na bukas na agad magla-landing ang mga alien. Nanghihikayat lang siya na magplano ang mga tao sa finance industry para sa mga bagay na ‘di pa natin kayang isipin. Sa panahon na pati realidad natin, pwedeng kuwestyunin, posibleng dito pa mas mag-shine ang Bitcoin—lalo na kapag parang lahat ng iba… alien na talaga ang dating.

May thoughts ka ba tungkol sa kung “paano maaapektuhan ng aliens ang Bitcoin” o may ibang crypto chismis na gusto mong i-share? Pwede kang sumali sa discussion sa BeInCrypto Telegram channel, o mag-subscribe sa YouTube. Makikita mo rin kami sa LinkedIn at (X)Twitter.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.