Trusted

Inaasahan ang Altcoin Season Pagdating ng Katapusan ng Nobyembre: Sabi ng Analyst, ‘Buy and Hold’

2 mins
In-update ni Aaryamann Shrivastava

Sa Madaling Salita

  • Altcoins, Tumataas Habang Papalapit ang Bitcoin sa Record Highs Pero Bumababa ang Dominance sa Market, Nagpapahiwatig ng Posibleng Altcoin Season.
  • Mga analyst binibigyang-diin ang paparating na bearish MACD crossover ng Bitcoin bilang historical na senyales ng mas magandang performance ng altcoins.
  • Altcoin Season, kailangan ng 33 top altcoins na mag-surpass sa growth ng Bitcoin; sa ngayon, 19 na ang nakakaabot, senyales ito ng maagang pero hindi pa kumpletong momentum.

Kasabay ng pagtaas ng Bitcoin, na umabot sa bagong all-time high ngayong linggo, sumikat din ang mga Altcoins. Kahit record-breaking ang presyo ng Bitcoin, nagsisimula na itong mawalan ng dominance sa market.

Dahil dito, dumarami ang interesado sa paparating na Altcoin Season, o AltSeason, habang unti-unting nakikilala ang mga altcoins ng mga investors.

Malapit Na Ang AltSeason

Sabi ni MikyBull Crypto, isang crypto analyst, malapit na sa bearish MACD crossover ang dominance ng Bitcoin. Historically, ito’y madalas na indicator ng malapit na Altcoin Season.

Ayon sa analyst, ang post-election atmosphere ang nagtutulak ng shift na ito, na historically, nagiging catalyst para sa mga altcoin rallies. Pwedeng magresulta ito sa isang phase kung saan mas maganda ang performance ng mga altcoins kumpara sa Bitcoin in terms of growth.

Bitcoin Dominance Set to Decline.
Bababa ang Dominance ng Bitcoin. Source: Milkybull Crypto

Parang ganun din, analyst na si IncomeSharks ang nagsuggest na ang dominance ng Bitcoin ay nagpapahiwatig ng paglipat ng momentum sa mga altcoins. Pinapayo ni IncomeSharks na “buy and hold” ang mga altcoins ngayong November, inaasahan ang patuloy na pagtaas habang tumatagal ang buwan.

Ang analysis na ito ay consistent sa view na baka magsimula ang Altcoin Season by end of the month habang nagdi-diversify ang mga investors palayo sa Bitcoin. So, para sa mga investors na gusto mag-maximize sa mga altcoins, kailangan muna nilang maghintay ng confirmation.

Pagdating ng Altcoin Season

Ang Altcoin Season Index ngayon ay nagpapakita na kahit bumababa ang dominance ng Bitcoin, hindi pa ito tuluyang nawawala. Para opisyal na magsimula ang AltSeason, kailangan ng 75% ng top 50 altcoins na mas magperform kaysa sa Bitcoin. Ibig sabihin, 33 sa mga altcoins na ito ang dapat magpakita ng mas malakas na growth kumpara sa BTC para ma-confirm ang season na ito.

Sa ngayon, 19 lang na altcoins ang lumalampas sa gains ng Bitcoin, na nagpapakita na hindi pa talaga fully nagsisimula ang AltSeason. Kung tataas pa ang bilang na ito, magiging senyales ito ng malinaw na shift. Pero sa ngayon, malakas pa rin ang impluwensya ng Bitcoin, na nagpapaliban sa simula ng malakas na altcoin rally.

Altcoin Season Index.
Altcoin Season Index. Source: Blockchain Center

Kung tataas ang interest ng mga institusyon sa Bitcoin, pwedeng lumakas pa ang dominance ng BTC, na posibleng mag-postpone sa Altcoin Season hanggang 2025. Ang pagtaas ng investments na focused sa BTC ay pwedeng pahabain ang lead ng Bitcoin, na pinipigilan ang growth ng mga altcoins hanggang sa maging favorable ang broader conditions para sa alternative assets.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.

frame-2t314.png
Aaryamann Shrivastava
Si Aaryamann Shrivastava ay isang teknikal at on-chain analyst sa BeInCrypto, kung saan siya ay dalubhasa sa mga ulat sa merkado ng mga cryptocurrency mula sa iba't ibang sektor, kabilang ang Telegram Apps, liquid staking, Layer 1s, meme coins, artificial intelligence (AI), metaverse, internet of things (IoT), ekosistema ng Ethereum, at Bitcoin. Dati, siya ay nagsagawa ng pagsusuri sa merkado at teknikal na pagsusuri ng iba't ibang altcoins sa FXStreet at AMBCrypto, na sumasaklaw sa lahat ng...
BASAHIN ANG BUONG BIO