Ayon sa Crypto Fear & Greed Index, nangingibabaw pa rin ang takot sa crypto market ngayong ikatlong linggo ng December — at nasa matinding fear pa nga ang score. Dahil dito, napapaboran ng short positions ang takbo ng market ngayon.
Pero, may ilang altcoins na may mga sariling triggers na pwedeng mag-cause ng liquidation ng mga short positions na ‘yan. Alin-alin kayang altcoins ‘to, at ano ang mga specific na risk na kakaharapin nila?
1. Solana (SOL)
Kung titignan mo ang 7-day liquidation heatmap ng SOL, mapapansin mo na mas doble ang potential na volume na mapi-liquidate sa mga short positions kaysa sa long positions.
Kung tumaas ang SOL hanggang $147 ngayong linggo, puwedeng malugi ng hanggang $1 billion ang mga traders na naka-short. Pero kapag bumagsak naman ng below $120 ang SOL, nakaamba rin na malugi ng nasa $500 milyon ang long traders dahil sa liquidation.
May ilang dahilan kung bakit dapat mag-ingat ang mga traders na may short positions ngayong linggo.
Unang-una, SOL ETFs ay nagtala ng pitong sunod-sunod na araw ng positive inflows nitong nakaraang linggo. Kapansin-pansin din na Bitwise SOL ETF ay tuloy-tuloy ang positive inflows sa loob ng 33 straight days mula nang nag-launch, at nasa higit $600 milyon na ang hawak nilang SOL. Ibig sabihin, may sustained institutional demand pa rin.
Pangalawa, nabuo na ng SOL ang matibay na support sa $130 level nitong nakaraang apat na linggo. Bukod pa dito, mas gumanda pa ang market sentiment dahil sa balitang palalawakin ng XRP ang DeFi use case nito sa Solana kasama ang Hex Trust.
Kaya may solid na dahilan na mag-recover ang SOL ngayong linggo na puwedeng mag-cause ng liquidation ng mga shorts.
2. Cardano (ADA)
Katulad ng SOL, dahil sa bearish na market sentiment, dumami ang mga short-term ADA derivatives traders na mas ginagastos at nilalagay sa leverage ang short positions nila.
Dahil dito, malaki na rin ang itinaas ng total short liquidation volume. Kung tumaas ang ADA hanggang $0.45 ngayong linggo, aabot hanggang $50 million ang puwedeng malugi sa short positions. Pero kung bumaba naman sa $0.35 ang ADA, ang mga long positions naman ang puwedeng malugi ng halos $19.5 million dahil sa liquidation.
Isa sa mga dapat i-consider ng ADA shorts para mabawasan ang risk nila ay ang magandang sentiment ngayon sa paligid ng Midnight project.
Ang Midnight Network ay bagong blockchain na dinevelop ng Input Output Global (IOG), ang kumpanyang nasa likod ng Cardano, na pinangunahan naman ni Charles Hoskinson.
Fokus ng Midnight Network ang privacy gamit ang zero-knowledge proof tech, partikular ang ZK-SNARKs. Sobrang tumaas ang presyo ng NIGHT token, umabot ng mahigit 150% sa loob lang ng isang linggo. Nanalo pa nga ang project na ‘to ng BeInCrypto “Breakthrough of the Year” award.
Pataas din ang demand para sa NIGHT, kaya pati demand sa ADA ay lumalakas. Ayon sa Taptool trading platform, umabot ng mahigit 85 million ADA ang na-record na DEX trading volume ng NIGHT sa loob ng limang araw. Bukod pa diyan, puwede ring kumita ng NIGHT ang ADA holders kapag mag-stake sila ng ADA nila.
3. PIPPIN
Ang PIPPIN ay isang meme coin na sobrang naging usap-usapan sa pagtatapos ng taon. Tumalon ang market cap nito mula below $60 milyon hanggang over $350 milyon sa loob lang ng tatlong linggo.
Sa liquidation heatmap, makikita na mas mataas pa rin ang cumulative potential long liquidations kaysa sa short liquidations. Ibig sabihin, marami pa ring short-term traders ang umaasa na tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo.
Pero may matinding risk ang expectation na ‘yan. Sa latest na analysis ng on-chain data account na Evening Trader Group, napag-alaman na 93 wallets lang ang hawak ng 73% ng total supply ng PIPPIN.
Hati-hati ang mga wallet na ‘to sa tatlong major na accumulation clusters. Bawat cluster ay may unique na pinagmulan at kakaibang galawan. Ayon sa Evening Trader Group, mukhang itong mga malalaking accumulation ang talagang nagtutulak sa pagtaas ng presyo ngayon. Pero tandaan, pwede ring sumulpot bigla ang selling pressure kahit kailan.
Isa pa, yung project-linked account nila (ThePippinCo) wala nang inilalabas na update simula pa noong June. Dahil dito, nag-aalala na ang mga tao kung seryoso pa ba talaga ang team sa project na ‘to.
Kapag bumagsak ang PIPPIN below $0.30 ngayong linggo, pwedeng mahigit $9 million na long positions ang magli-liquidate. Pwedeng mas malaki pa ang damage nito kung biglang mag-dump ang PIPPIN, kagaya ng nangyari sa ibang meme tokens na minanipula.