Historically, lagi talagang magalaw ang presyo ng crypto tuwing Christmas week, pero hindi ibig sabihin nito na automatic tataas ang value ng mga token. Para mas mapalakas yung possible na pag-angat, kailangan din ng ibang dahilan ang mga token — hindi lang ang volatility na dulot ng holiday.
Pinag-aralan ng BeInCrypto ang tatlong altcoins na mukhang may mga catalyst at puwedeng tumaas ang presyo sa paligid ng Pasko 2025.
Uniswap (UNI)
Mainit ngayon ang Uniswap sa mga investor dahil malapit nang ma-approve ang UNIfication proposal. Ongoing pa ang voting hanggang December 25, pero nasa 97.8% na agad ang sumusuporta. Kitang-kita dito yung malakas na tiwala ng community sa upgrade na ‘to — kaya naglalabas ng matinding interest ang mga nag-speculate at napapa-aktibo ang trading activity ng UNI.
Kabilang sa proposal ang pag-burn ng 100 million UNI tokens, kaya mas kokonti ang supply at mas lalakas ang price action. Dahil dito, umangat agad ng 26.5% ang presyo ng UNI. Sa ngayon, naglalaro ito sa $6.27 at posibleng lampasan ang $6.57. Kung tuloy-tuloy ang momentum, posible umangat pa ang UNI papuntang $7.00 o baka mas mataas pa.
Gusto mo pa ng mga easy-to-digest na token insights? Mag-subscribe na kay Editor Harsh Notariya’s Daily Crypto Newsletter dito.
Puwede pa ring maging risky kung mas marami ang magbenta ng tokens para mag-take profit bago maisagawa ang proposal. Kung mas maaga nagbenta ang traders, baka hindi makapanik ang presyo at maipit lang muna sa taas ng $6.02 support. Kung ganito ang galawan, madi-delay lang ang potential na tuloy-tuloy na pag-angat — pero hindi nito mababali yung long-term bullish na trend.
Midnight (NIGHT)
Lumutang ang NIGHT ngayong linggo — umangat ng 71% at nag-all-time high sa lampas $0.100 nitong huling 24 oras. Grabe ang hype dito dahil nadagdagan ang tiwala ng investors sa project, lalo na’t kisangkot si Charles Hoskinson sa development ng Midnight, kaya mas high-profile na rin ang NIGHT.
Ang partnership na yan ang pinaka-catalyst para umakyat ang presyo. Kung magtuluy-tuloy ang confidence ng mga investors kahit sa holiday season, puwedeng magtuloy-tuloy pa ang pag-angat ng NIGHT at lampasan yung $0.120 all-time high. Kapag malakas pa rin demand o maganda ang market, baka umabot ang presyo sa $0.150 level.
Kahit ganito kataas ang inakyat, mataas pa rin yung risk na bumaba yung presyo dahil maaaring may mga magbenta kaagad para mag-take profit. Kapag bumigat ang selling pressure, pwedeng bumagsak ang NIGHT sa ilalim ng $0.100 support. Pag nabasag yun, malaki ang posibilidad na bumaba pa ito sa $0.075 at mabali ang bullish outlook para dito.
Aave (AAVE)
Ang Aave lang ang major token ngayon na nabawasan — bumaba ng 14.84% at naglalaro malapit sa $160. Kabaligtaran ito ng galaw ng broad market na pataas ang trend. Pero kahit medyo mahina ngayon, puwedeng subukan ng AAVE na bumawi kung magbago ang tingin ng investors sa fundamentals at abangan yung bagong governance updates.
Posibleng maging catalyst ang bagong Phase 1 vote ng Aave para sa AAVE token alignment. Nilalayon ng proposal na ilipat ang management ng brand assets ng Aave sa ilalim ng DAO na may anti-capture protections. Kapag sinuportahan ito ng community, puwedeng tumaas ang tiwala at umakyat ang AAVE sa ibabaw ng $164, at ang $180 naman ang maaaring next strong recovery target.
Mataas pa rin ang risk ng pagbaba lalo na kung hindi ganoon kainit ang suporta ng investors. Kapag nagpatuloy ang alinlangan, puwedeng dumami lalo ang magbenta. Sa ganitong sitwasyon, baka dumulas ang presyo ng AAVE sa ilalim ng $157 support. Pag mas lumalim pa baba hanggang $150, matibay na bearish sentiment ang papalit at mababali ang bullish outlook ng token sa short term.