Back

3 Altcoin na Pwedeng Bantayan sa Ikatlong Linggo ng January 2026

19 Enero 2026 12:00 UTC
  • CAKE Umuugoy Dahil sa Supply Cut Proposal, Pinipiga ang Sentiment ng Mga Investor
  • Baka Bumagsak Pa ang XLM, Pero Protocol X-Ray Upgrade Pwede Makatulong
  • XTZ naiipit sa bentahan bago mag-Tallinn network upgrade

Matindi ang galaw ng presyo nitong unang kalahati ng buwan at mukhang ganito rin ang takbo ng market hanggang sa huling bahagi ng January. Sa gitna ng sagupaan ng presyo, umaasa ang ilang altcoins na mag-rally base sa mga external developments para tumaas.

Pinag-aralan ng BeInCrypto ang tatlong altcoin na may malalaking aabangan na developments sa ikatlong linggo ng January.

PancakeSwap (CAKE)

Kasalukuyang nasa $2.01 ang price ng CAKE habang sinusubukan niyang manatili above sa $1.99 support level. Kitang-kita ang taas ng volatility nitong mga nagdaang araw na nagbigay ng negative na technical signal. Patuloy na naka-apekto ang market uncertainty at pabago-bagong volume kaya maraming traders ang nag-iingat sa galaw ng PancakeSwap sa short term.

Pinapalakas ng technical indicators ang posibilidad na bumaba pa ang CAKE. Bumaba na sa neutral 50.0 level ang Money Flow Index, senyales na lumalakas ang pressure ng bentahan galing sa mga investors. Ibig sabihin nito, kung magtutuloy-tuloy ang bearish market, pwedeng subukan uli ng CAKE bumisita sa $1.94 support lalo na kung maapektuhan pa ng buong altcoin market.

CAKE Price Analysis.
CAKE Price Analysis. Source: TradingView

Pwede ring makabawi ang CAKE kung magiging matindi ang epekto ng fundamentals. Nagpropose ang PancakeSwap na bawasan ang max supply ng CAKE tokens mula 450 million papuntang 400 million. Malaki ang suporta ng community dito at posibleng tumaas ang scarcity. Kapag naging positibo ang sentiment tungkol sa proposal, pwedeng makabawi ang CAKE papunta ng $2.05 at baka magtuluy-tuloy pa ang rally hanggang $2.13.

Stellar (XLM)

Nag-tetrade ang XLM malapit sa $0.215 matapos sumadsad ng saglit sa intraday low na $0.202. Bumagsak ng 12% ang altcoin sa nakaraang 24 oras kasabay ng panghihinang muli ng market. Lumalabas sa mga technical indicator na dadaan sa correction phase si Stellar at tumataas ang chance na bumaba pa ang presyo.

Nagsimula ang correction matapos mabreakdown ng price ang mababang bahagi ng triangle pattern sa chart. Ipinapakita ng setup na posibleng bumagsak pa ng 14% mula sa breakdown zone. Kapag nagpatuloy pa ang bentahan at nawala yung $0.210 na support, puwedeng mag-dive ang presyo ng XLM papuntang $0.201 o kaya ay maabot pa ang mas mababang target sa $0.188.

XLM Price Analysis.
XLM Price Analysis. Source: TradingView

Pwedeng mabuhayan muli ang Stellar dahil sa mga parating na update sa network. Malapit nang i-launch sa mainnet ang Protocol X-Ray upgrade ngayong linggo. Layunin nito na mag-introduce ng compliance-focused privacy gamit ang zero-knowledge cryptography. Kung magiging positibo ang mga developer sa upgrade na ito, posibleng malabanan ng bulls ang downtrend at maitulak ang XLM pabalik sa $0.230.

Tezos (XTZ)

Bumaba ang presyo ng XTZ ng 9.7% sa loob ng nakaraang 48 oras at kasalukuyang nasa $0.559. Nananatili pa rin sa taas ng $0.555 support level ang altcoin na halos dalawang linggo nang pinanghahawakan. Patuloy ang malupit na volatility na nagpapakitang vulnerable pa rin si Tezos sa short-term correction.

Tumataas ang risk na bumaba pa ang presyo dahil pinapakita ng Chaikin Money Flow na dominated ng capital outflows ang XTZ. Kadalasan, ang tuloy-tuloy na outflows ay hudyat ng mas matinding drop sa price. Kapag hindi kinaya ng $0.555 support ang pressure ng sellers, pwedeng bumagsak ang Tezos hanggang $0.517 — mas malalim na retracement sa kasalukuyang galaw ng market.

XTZ Price Analysis.
XTZ Price Analysis. Source: TradingView

Pwedeng makatulong sa XTZ ang parating na Tezos Tallinn upgrade na target itaas ang speed, efficiency, at security ng network ngayong linggo. Madalas na malaki ang epekto ng network upgrades sa sentiment ng investors at on-chain activity. Kapag nagkaroon ng bagong bullish interest, pwede pang defendahan ng XTZ ang $0.555, mag-recover paakyat ng $0.626, at magpatuloy sa consolidation sa loob ng bago niyang trading range.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.