Back

3 Altcoin na Dapat Bantayan ngayong Weekend | January 3–4

02 Enero 2026 16:00 UTC
  • PEPE Lumipad ng 28% Dahil Sa Social Hype, Target ang $0.00000544 Breakout ngayong Weekend
  • Canton Nag-record ng All-Time High, Malakas pa rin ang Inflows Tuloy ang Rally
  • Chiliz Nag-Rally ng 29% This Week, Super Bowl Hype Pwede Pang Magpa-Lipad

Ngayong unang weekend ng 2026, malaki ang chance na magtuloy-tuloy yung pag-angat ng mga tokens na naging maganda ang performance buong linggo. Yung mga altcoin na malakas ang hatak ng market factors, mukhang may potential pa ring kumita, basta’t tuloy-tuloy ang suporta ng mga investor sa kanila.

Napansin ng BeInCrypto ang tatlong altcoin na mukhang may tsansang mag-sustain ng gains nila ngayong weekend.

Pepe (PEPE)

Naging best-performing na meme coin ngayong linggo ang PEPE, matapos magkaroon ng instant social momentum. Nagsalpak ng bagong New Year frog meme ang crypto exchange OKX na madalas i-link sa PEPE, at dahil dito, biglang nabuhay ang hype at nag-push pataas ng presyo. Kitang-kita dito kung gaano kadaling gumalaw ang PEPE kapag may cultural at social signals na lumalabas.

Tumalon ng 28% ang presyo ng PEPE sa nakaraang 24 na oras, kaya lalong lumalakas ang uptrend niya. Base sa Parabolic SAR, malakas pa yung bullish momentum. Ngayon nasa $0.00000517 yung presyo at kung tuloy-tuloy ang buhos ng buyers, puwedeng mabasag ang $0.00000544, at baka pati $0.00000583 maabot pa.

Gusto mo pa ng ganitong crypto insights?Mag-subscribe na sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.

PEPE Price Analysis.
PEPE Price Analysis. Source: TradingView

May short term risk pa rin na mag-labasan ang mga nag-ti-take profit, lalo na’t tumama na sa six-week high ang PEPE. Kung biglang mawalan ng buyers at dumami ang nagbebenta, possible bumalik sa $0.00000491 yung price. Kapag bumagsak pa sa level na yan, baka tuloy-tuloy pang sumadsad papuntang $0.00000460, na magka-cancel sa inaasahang bullish setup.

Canton (CC)

Dire-diretso pa rin ang rally ng Canton na nagsimula pa kalagitnaan ng December. Umabot pa nga sa bagong all-time high sa loob ng 24 na oras, naabot yung price na $0.177. Dahil stable ang demand at momentum, may nagdadala pa rin pataas ng presyo nito.

Base sa Chaikin Money Flow, deretso pa rin ang pagpasok ng pera mula sa mga investors papunta sa Canton. Solid din ang support mula sa mga CC holders kaya solid pa rin ang bullish setup. Kung magpatuloy pa ang accumulation, puwedeng mabreak yung $0.164, mag-retest sa bagong all-time high, at baka makapagtakda pa ng fresh na presyo sa market.

CC Price Analysis.
CC Price Analysis. Source: TradingView

Pero may risk pa rin na bumaliktad ang trend lalo na kung biglang dumami ang profit takers o bumagsak ang market sentiment. Kapag sumadsad sa ilalim ng $0.150, ibig sabihin numinipis na ang momentum. Pwede pang bumaba pa lalo papuntang $0.133 kapag nagkaganun, kaya hindi na valid ang bullish thesis dito.

Chilliz (CHZ)

Isa pa sa altcoins na dapat tutukan ngayong weekend ay ang CHZ, na lumipad ng 29% nitong nagdaang linggo at ngayon pumapalo sa $0.043. Naiipit pa rin ito sa ilalim ng $0.044 resistance level. Direktang konektado ang rally na ito sa pinaka-core use case ng Chiliz, kasi patuloy na lumalakas ang demand sa blockchain-based na fan engagement.

Baka mas bumilis pa ang galaw ng CHZ habang papalapit ang Super Bowl ngayong early February, kung saan inaasahan ni Socios ang mas mataas na activity. Normal na nagkakaroon ng CHZ demand pag dumadami yung gumamit ng platform. Kapag nabasag ang $0.044 resistance, puwedeng magtuloy-tuloy pataas sa $0.047, tapos $0.050 naman ang susunod na harang.

CHZ Price Analysis.
CHZ Price Analysis. Source: TradingView

Pero lagi pa rin peligro ang selling pressure. Kapag nag-decide ang investors na mag-take profit, puwedeng bumagsak ang CHZ price papuntang $0.039 support. Kapag nabasag pa ‘yan pababa, hihina lalo ang momentum at hindi na matutuloy ang bullish outlook ngayon.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.