Balik
Oihyun Kim

Oihyun Kim

Si Oihyun Kim ang Editor-in-Chief & Senior Correspondent para sa East Asia sa BeInCrypto, at siya ang namumuno sa pagbuo ng content strategy at overall operations para sa English at iba’t ibang regional platforms ng site.Sa loob ng 18 taon niyang karera sa journalism, na-interview na ni Oihyun ang mga bigatin sa politika ng Korea, kabilang na ang mga kasalukuyan at dating presidente. Pagdating naman sa crypto, nakausap na rin niya ang mga executives ng malalaking kumpanya tulad ng Binance, Coinbase, at Upbit, pati na rin mga heads ng projects gaya ng Ethereum, Solana, at AAVE, at marami pang iba.Isa siyang batikang crypto journalist na kinikilala sa field. Nakasulat na siya ng pitong libro, kabilang na ang “A History of Terra Project” at “A Guide to Korean Won Stablecoins”. Malawak din ang expertise niya — sakop pati leadership at crisis management, at gumawa pa siya ng profiles tungkol sa mga international figure katulad ng baseball star na si Shohei Ohtani, NVIDIA CEO Jensen Huang, at iba pang political leaders.Bago siya napunta sa BeInCrypto, naging political correspondent muna siya sa Hankyoreh at naging Assistant Secretary for Political Affairs sa Blue House, na Presidential Office ng Korea. Madalas din siyang maimbitahan bilang guest analyst sa mga major TV networks tulad ng KBS sa Korea, CCTV sa China, at Phoenix TV sa Hong Kong. Bukod pa rito, regular din siyang nagsusulat ng Web3 columns para sa mga kilalang publikasyon.Kilala si Oihyun bilang speaker at madalas siyang maimbitahan bilang panelist at moderator sa mga malalaking crypto at blockchain events tulad ng Token2049, Consensus, Korea Blockchain Week, Web3 Festival Hong Kong, at marami pa.Nagtapos siya ng kolehiyo sa Yonsei University at may Master’s degree mula sa University of North Korean Studies. Sa ngayon, nagtuturo din siya bilang Adjunct Professor sa Woosuk University.Dahil sa leadership niya, na-establish ng BeInCrypto ang Korean at Japanese sites at napalawak pa lalo ang coverage ng Asia-Pacific.

Mga pinakabagong article ni Oihyun Kim

1 2 3 ... 85