Bitcoin ETFs (exchange-traded funds) nag-record ng pinaka-malaking single-day inflow nila sa loob ng tatlong buwan noong January 5, kung saan umabot sa halos $695 million ang pumasok na pera. Malakas ang papasok na funds dahil biglang bumalik ang institutional demand simula ng 2026.
Nanguna sa pagpasok ng malaking capital ang iShares Bitcoin Trust (IBIT) ng BlackRock na may $371.9 million na inflow, tapos sinundan ito ng FBTC ng Fidelity na may $191.2 million, base sa data mula sa SoSoValue.
Record High ang Fund Inflow ng Mga Malalaking Player sa Bitcoin ETFs
Talagang lumakas ang institutional demand simula ng 2026, lalo na noong Friday na umabot sa $671 million ang inflows.
Ang matinding inflows na ito, hindi lang pang-isang ETF kundi halos lahat ng ETF na kasama. Nagdagdag ang BITB ng Bitwise ng $38.5 million, pumasok din ang $36 million sa ARKB ng Ark, at positive ang net flows ng Invesco, Franklin Templeton, Valkyrie, at VanEck.
Kahanga-hanga, walang lumabas na pera sa Grayscale’s legacy GBTC noong araw na yun. Malaking pagbabago ito dahil lampas $25 billion na ang na-withdraw mula nung i-convert nila sa trust structure.
Kasabay ng pagtaas ng inflows, bumalik din ang trading activity kaya mas ramdam uli ang institutional engagement matapos medyo tumahimik noong December.
Ang sabay-sabay na pagbili na ito, mukhang bahagi ng portfolio rebalancing at hindi hype-driven o biglaang pagsabay sa momentum, lalo na at nanatiling nasa ibabaw ng $90,000 level ang Bitcoin buong session.
Hindi na lang Bitcoin ang binibili ngayon ng mga institutional. Ayon sa Whale Insider, bumili ang mga client ng BlackRock ng 31,737 ETH na ang halaga ay nasa $100.2 million.
Ipinapakita nito na tuloy-tuloy pa rin ang pag-accumulate ng Ethereum kasabay ng spot Bitcoin exposure, at umabot pa sa $168.13 million ang inflows sa spot ETH ETF noong Friday.
Ibig sabihin nito, ang mga malalaking naglalagay ng pera ay nagpa-position na sa iba’t ibang digital assets, dahil mas lumalalim na ang crypto integration sa long-term investment strategies ngayon.
Crypto, Tinuring Nang Financial Infrastructure ni BlackRock—Hindi Lang Pang-Trade
Saktong kasabay ng malalaking inflows sa ETF ang pag-release ng panibagong investment outlook ng BlackRock. Sinasabi nila na ang crypto, hindi na lang basta eksperimento kundi isang core na parte na ng global financial system ngayon.
Sa report, nilinaw ng BlackRock na iba na ang role ng crypto ngayon—hindi na lang pang-speculative trading kundi nagiging infrastructure na, katulad ng:
- Pambayad ng settlements
- Liquidity rails, at
- Tokenization.
Malaki ang role ng stablecoins dito. Tinawag ng BlackRock ang stablecoins na bridge sa pagitan ng tradisyunal na finance at digital liquidity. Sa ilang bansa, nabanggit nilang may chance palitan ng dollar-backed stablecoins ang local currency.
Ayon sa kanilang analysis, napepressure na ang mga bangko dahil lumilipat na ang mga deposit at yield papuntang mga crypto-native products.
Yung mismong approvals ng ETF, tinuturing na ngayong validation mula sa mga institutional at hindi lang basta regulatory testing. Sabi ng BlackRock, ang existence at bilis ng paglaki ng crypto ETFs ay nagsisilbing totoong pagtanggap ng mga global capital allocators sa digital assets, at isinasama na nila ito automatic sa mga portfolio.
Naka-spotlight din sa report ang artificial intelligence. Yung pagbabago sa energy demand dahil sa AI, productivity, at capital allocation, nagpapabilis ng matinding pagbabago sa markets ngayon.
Sabi ng BlackRock na nababago na ang usual market cycles ngayon. Imbes na paulit-ulit lang ang galaw ng merkado, napupunta na raw sa iilang malalaking player ang capital, at tumatagal ang mga trend na umiikot sa isang malaking tema.
Sabi rin ng BlackRock na kailangan mag-ingat sa tinatawag nilang “illusion of diversification.” Ibig sabihin, paniniwala ng iba na diversified o kalat-kalat ang investments nila. Pero sa totoong buhay, iisa lang pala ang galaw ng market dahil iisang macro factors ang nagkokontrol sa karamihan ng traditional assets.
Pinapansin ng BlackRock na unti-unting nagiging main alternative exposure ang digital assets gaya ng crypto kasi iba yung takbo nila at hindi sila laging sumusunod sa galaw ng traditional markets.
Yung mga inflow sa ETF noong January 5 ay mukhang nagpapakita nito — halos lahat ng big issuers ay sumali, tapos wala nang matinding outflow mula sa GBTC. Mukhang nagmamature na ang ETF market sa ngayon, at tinatarget na talaga ng institutions yung placement nila at hindi basta-basta sumasabay lang sa hype.