Noong 2025, tumaas ng 6% ang mga job posting sa ecosystem ng Bitcoin (BTC), at karamihan sa mga bagong trabaho ay hindi para sa developer, base sa bagong report.
Lumabas sa data na nagma-mature na ang Bitcoin job market kasi mas pinapahalagahan na ngayon ang cultural fit, involvement sa community, at mga aktwal na contribution kumpara sa mga traditional na credential kapag naghahanap ng bagong empleyado.
Bitvocation Report: Paano Nagbabago ang Bitcoin Job Market sa 2025
Binigyang-diin ng Bitvocation 2025 Bitcoin Jobs Data report ang hiring trends sa mga kumpanyang Bitcoin-only at mga Bitcoin-adjacent. Ayon sa report, classified na Bitcoin-only company ang isang business kung natutupad nito ang tatlong condition na ito:
- Ang mga produkto nila ay eksklusibong para sa Bitcoin lang at walang sabit na ibang crypto.
- Malinaw nilang sinasabi na Bitcoin-only o Bitcoin-first sila, either sa mission statement o sa public na communication nila.
- Aktibo silang nagco-contribute sa Bitcoin ecosystem — tulad ng open-source development o pakikilahok sa community.
Ayon sa findings, ngayong 2025, nasa 1,801 unique na Bitcoin-related job listing ang natrack. Tumaas ito ng 6% galing sa 1,707 noong 2024.
Accounted ng mga Bitcoin-only company ang 47% ng lahat ng listings, gumanda pa kumpara sa 42% noong nakaraang taon. Sa kabilang banda, 53% ng mga posting eh galing sa Bitcoin-adjacent companies. Ibig sabihin, lumiit pa lalo ang gap ng market para sa mga sobrang Bitcoin-focused at sa mga Bitcoin-adjacent ngayong 2025.
Mas pantay-pantay ang pagtaas ng hiring sa mga Bitcoin-only na employer. Nabilang ng report ang 154 na Bitcoin-only na business na average ay anim ang bagong hire bawat isa.
Pinangunahan ng Riot Platforms ang mga kumpanyang ito pero hindi rin ganoon kalaki ang share nila. Kung pagsasamahin, umabot ng 122% ang year-over-year growth ng top 10 Bitcoin-only employers.
“Distributed ang ecosystem na ‘to. Hindi lang namumuno ang iilang malalaking kumpanya — kumakalat ang growth sa mining, lightning network, financial services, at mga self-custody company na nagbu-build ng sustainable na scale,” ayon sa report.
Kabaliktaran naman, sa Bitcoin-adjacent companies, concentrated ang hiring. Bitdeer halos isang-katlo ng lahat ng adjacent roles ang na-occupy nila, na may 307 na job posting. Yung top 10 adjacent firms naman, 85% ng lahat ng posisyon sa segment na to ang nakopo nila.
Sa kabilang banda, umabot sa 74% ng kabuuang job opening ngayong 2025 ang mga hindi developer role, tumaas ito mula sa 69% noong 2024. Pinakamataas ang rank ng Product Manager sa mga non-technical positions.
Napansin din ng Bitvocation na biglaang dumami ang hiring para sa director-level na posisyon, na nagsa-suggest na nag-e-expand ang operations ng mga kumpanya. Sa technical side, pinakamalakas pa rin ang demand para sa mga software engineer, lalo na yung senior level.
“Mas focus ang Bitcoin-only companies sa mining, media, at design, at madalas maghire para sa entry level at leadership positions. Sa Bitcoin-adjacent companies naman, mas mataas ang demand sa finance, HR, at engineering, kadalasan ay hinahanap nila yung may senior at mid-level experience,” sabi ng report.
US Pa Rin Ang Nangunguna sa Bitcoin Jobs, Pero Lumalawak Na Sa Asia
Pagdating sa region, malaki pa rin ang lamang ng US sa Bitcoin job market, halos mas marami silang Bitcoin jobs kesa sa pinagsama-samang ibang bansa. Malakas din ang growth sa Asia.
Namumukod-tangi ang Singapore na may 158% na pagtaas ng Bitcoin-related job postings, at mostly dahil ito sa isang malaking employer na nag-expand. May mga mas maliliit na hiring cluster din, pero kapansin-pansin na, sa mga bansa tulad ng El Salvador, Bhutan, at Brazil — na nagpapakita kung paano nagta-translate sa local job creation ang Bitcoin-friendly policies.
“Territoryo talaga ng Bitcoin-only ang Americas. Yung North America leading with 309 Bitcoin-only jobs. Sa Europe at Asia, mas Bitcoin-adjacent, pero may ilang exemption,” sambit ng Bitvocation.
Nananatiling core feature ang remote work sa Bitcoin job market ngayong 2025, kahit bahagyang nabawasan ito taon-taon. Sa lahat ng job listing, may 809 na role o 45% na remote, medyo bumaba mula sa 53% noong 2024.
Kitang-kita na mas gusto pa rin ng Bitcoin-only companies ang distributed teams dahil 56% ng mga role nila, remote option pa rin.
Ano ang Pinaka-Hinahanap ng mga Employer sa Bitcoin Space
Base sa mga Bitcoin employers ngayong 2025, hindi na raw main concern ang dami ng nag-a-apply, kundi yung hirap makahanap ng kandidato na swak ang skills, attitude, at tunay ang kaalaman sa ecosystem.
Imbes na umasa lang sa mga diploma o impressive na resume, mas hinahanap na ng employers ang proof of work, tulad ng mga open-source contribution, community involvement, public writing, o aktwal na hands-on na experience sa mismong ecosystem ng Bitcoin.
“Pinakamahirap hanapan ng tao ay may dalawang extreme: super technical na expert (Bitcoin Core, Lightning, security), at yung mga nontechnical pero kinakailangan i-translate ang values ng Bitcoin sa product, growth, operations, o communication,” dagdag pa ng report.
Versatility o multi-role skills din ang isa sa main trend. Maraming Bitcoin company, lalo na yung mga bago lang, mas gusto nila yung kayang mag-adjust sa iba’t ibang function at sabay-sabay ang responsibility.
Malaking plus din ang malakas na communication skill at kakayahang i-explain sa action o produkto ang mga Bitcoin principle, lalo sa non-technical roles.