Back

Bitcoin Nabawi Agad Ang Bagsak, May 12% Breakout Potential—Eto ang 2 Rason Bakit

author avatar

Written by
Ananda Banerjee

09 Enero 2026 08:13 UTC
  • Bitcoin Hawak pa rin ang Cup-and-Handle Pattern, Posibleng Mag-Breakout ng 12% Papunta $104K–$107.25K
  • Hodler Net Position Tumaas ng 24%, Halos 2,400 BTC Dinagdag Habang Nasa Dip Papuntang $89,190
  • Mas lamang ng halos 70% ang short leverage kaysa long, at nasa $2.6B ang nakaabang malapit sa $94,820.

Biglang bumagsak ang Bitcoin papuntang $89,190 bago ito bumawi at nakuha uli ang $90,800 level. Kahit na sobrang volatile, maganda pa rin ang overall galaw ng presyo. Flat lang halos ang trading ng Bitcoin ngayon, pero may 7-day gain pa rin ito na nasa 2.7%.

Ang mas mahalaga ‘di lang yung pagbaba, kundi kung ano ang nabuo habang nasa ilalim ito. Nakatutok pa rin ang momentum, dumagdag pa ang mga spot buyers nung kahinaan sa presyo, at tahimik na kumukuha ng posisyon sa derivatives malapit sa importanteng levels.

Nag-confirm ang RSI ng Momentum, Buhay Pa ang Cup-and-Handle Pattern

Patuloy umiikot ang Bitcoin sa cup-and-handle pattern base sa daily chart. ‘Tong pattern na ‘to, usually nangyayari pag nag-round out muna ang presyo, nagpapahinga sandali (gawa ng “handle”), tapos sinusubukan mag-breakout pataas sa resistance.

‘Yung recent na dip papuntang $89,190, mas pinalalim lang nito yung “handle” imbes na sirain yung pattern. Suportado pa rin ang momentum. Ang Relative Strength Index o RSI ay sumusukat ng lakas ng galaw ng presyo. Kapag gumalaw yung RSI kasabay ng price, confirmation ito na solid ang trend.

Bitcoin Pattern
Bitcoin Pattern: TradingView

Gusto mo pa ng mga hassle-free token insights? Pwede ka mag-subscribe sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.

Mula December 9 hanggang January 5, gumawa ng mas mataas na high ang Bitcoin at gumaya rin yung RSI – ibig sabihin, kasabay gumalaw ang momentum at price. Wala pa tayong nakikitang bearish divergence kaya mababa ang risk ng biglang pagbagsak ngayon.

Dalawang pagsubok pa ang kailangan lampasan. Kailangan munang ma-breakout ng Bitcoin ang upper boundary ng handle, tapos malagpasan pa ang neckline. Hangga’t ‘di pa napapanalo yang levels na ‘yan, setup pa lang ang breakout pero wala pang kumpirmasyon.

Dumadami ang Spot Accumulation Habang Lumalaki ang Pressure sa Derivatives

Kung titignan sa on-chain data, ‘di nagbenta ang mga matagal nang may hawak ng Bitcoin nung bumaba ang presyo. Dinagdagan pa nila holdings nila.

Ang Hodler Net Position Change ay nagsusukat kung nag-iipon o nagdi-distribute ng Bitcoin ang mga long-term holders. Noong January 6, nung nasa $93,700 ang Bitcoin, nasa 9,933 BTC ang metric na ‘to. Pero nung bumaba presyo kahapon, tumaas pa ‘to ng about 12,322 BTC.

Ibig sabihin, nadagdag pa ng halos 2,400 BTC sa loob ng dalawang araw – halos 24% na increase sa pag-accumulate kahit bagsak ang price. Malaki ang impact nito dahil noong December, may mga nagbebenta pa rin kahit minsan tumataas ang presyo. Pero ngayon, nagbago na ugali ng mga holders.

Hodlers Keep Adding
Hodlers Keep Adding: Glassnode

Habang nangyayari ‘to, sa derivatives naman, halos isang side lang ang nangunguna. Base sa liquidation data ng perpetual futures, umabot ng nasa $3.9 billion ang short liquidation exposure, samantalang nasa $2.3 billion lang ang nasa long side. ‘Yan ibig sabihin, mas madami ng halos 70% ang shorts kumpara sa longs.

Liquidation Map
Liquidation Map: Coinglass

Naglalagay ‘to ng pressure sa market. Kapag biglang tumaas ang price, mapipilitang magli-liquidate ang mga nakashort kaya dadami din ang mga buy order sa market. Madalas, mas bumibilis ang breakouts kapag bumigay ang resistance sa ganitong setup.

Ang pinakamalaking short liquidation cluster ay nasa banda $94,820, kung saan halos $2.6 billion ang total na short exposure. Itong level na ‘to, halos kasabay din ng neckline ng cup-and-handle structure na pag-uusapan pa natin mamaya.

Key Liquidation Cluster
Key Liquidation Cluster: Coinglass

Pinapasimple na lang: Ang spot accumulation ay parang binubuo ang pundasyon, habang ang leverage positions naman, parang parang gasolina para sa potential na breakout. Ito ang dalawa sa pinakaimportanteng triggers para umangat ang presyo.

Mga Mahalagang Bitcoin Price Level Magdi-decide Kung Tutuloy ang 12% Breakout

Malinaw na sa BTC kung anong mga price levels ang pinakamahalaga. Ang unang hurdle nasa $92,390. Kapag nagtuloy-tuloy pataas, pwedeng makalabas na ang Bitcoin sa handle ng pattern.

Ang susunod at mas crucial na level, mga bandang $94,900. Kapag nag-close ang daily candle sa ibabaw nitong zone, malalagpasan na rin ang neckline at possibly lumagpas pa sa biggest short liquidation cluster na naka-highlight kanina. Pwedeng magtuloy-tuloy na maipit ang mga shorts dito.

Kung mangyayari ‘yan, base sa cup-and-handle structure, puwedeng tumaas pa ng mga 12% papuntang $104,000 hanggang $107,250. Pero bago ‘yan, posible muna mag-resist pansamantala sa $96,700 area.

Bitcoin Price Analysis
Bitcoin Price Analysis: TradingView

May limit pa rin ang downside risk. Basta manatili sa ibabaw ng $88,340, hindi pa nababali ang price structure ng Bitcoin. Pero kapag bumaba ito sa $86,560, mas hihina ang setup. Tapos, kung tuloy-tuloy na bumagsak sa ilalim ng $84,310, totally bali na yung pattern.

Sa ngayon, hindi pa bumibigay ang Bitcoin. Naka-align pa rin ang momentum, tumatangkilik pa rin ang mga long-term holders tuwing mahina ang presyo, at naka-setup ang leverage para palakasin lalo ang galaw pataas. Kapag na-reclaim ng presyo yung handle at neckline, ready na agad pumotok ang breakout.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.