Pumasok ang Bitcoin price sa 2026 na parang naiipit pa rin sa tunggalian ng mga buyers at sellers — tulad ng nangyari noong huling bahagi ng 2025. Halos walang galaw ang presyo nitong nakaraang 30 araw, bumaba lang ng mga 0.6%, na nagpapakita na walang nakaka-takeover na side.
Kung ikukumpara sa nakaraang taon, nasa 7% pa rin ang kabuuang pagbaba nito. Dahil balanse ang pressure, parang nagstalemate na ang market. Pero kahit maliit na galaw na 1% hanggang 3.5%, puwedeng magbago ang direksyon basta may tamang trigger o dahilan.
Nagbabanggaan ang Buyer at Seller Pressure sa Symmetrical Triangle
Nagte-trade ang Bitcoin sa loob ng symmetrical triangle pattern sa daily chart. Ibig sabihin, naiipit ang market sa pagitan ng lower highs at higher lows, na nagpapakita ng tagisan ng buyers at sellers. ‘Di rin natutulungan ng capital flows na umakyat ang presyo.
Pababa ang trend ng Chaikin Money Flow (CMF) mula Disyembre 10. Para sa mga ‘di pa kabisado, ang CMF ay nagme-measure kung gaano karaming pera ang pumapasok o lumalabas sa isang asset. Ngayon, bearish divergence ang pinapakita nito — tumaas nang kaunti ang Bitcoin price mula Disyembre 18 hanggang Disyembre 31, pero tuloy-tuloy namang bumaba ang CMF. Ibig sabihin, tuloy ang fund outflows at selling pressure.
Gusto mo pa ng iba pang token insights tulad nito? Mag-subscribe sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.
Nababawasan na nga ang capital coming in, pero nakakabawi kahit paano dahil sa exchange outflows.
Ipinapakita ng exchange net position change na mas dumadami ang coins na nilalabas mula sa exchanges. Kadalsan, sign ito na may nag-aaccumulate. Noong December 19, nasa 16,563 BTC ang exchange outflows. Pagsapit ng January 1, tumaas na ito sa 38,508 BTC.
Ibig sabihin, tumaas ito ng mga 132%. Ang dami ng coins na nilalabas sa exchanges tumutulong para maging steady ang price at protektahan ang lower trendline ng triangle.
Smart Money Nagpapakita ng Pag-aalinlangan
Ipinapakita rin ng Smart Money Index na walang malinaw na direksyon. Ang Smart Money Index ay ginagamit para makita kung paano mag-position ang mga malalaking traders kumpara sa mas malawak na market. Laging malapit ang value sa signal line nito — ibig sabihin, nag-aantay pa sila ng breakout at hindi pa nag-a-all in sa isang direksyon.
Hangga’t ‘di nababasag ang triangle, neutral pa rin ang market.
Akma rin ito sa pinapakita ng CMF at ng mga exchange flow na data. Kapag may outflows, sign ng pressure. Kapag exchange withdrawals, sign ng support. Kaya nagkakanselahan sila at napipigil ang galaw ng BTC price. Kahit ang mga pinakaalam sa market, parang hindi rin sigurado kung sino ang mananalo.
Heat Map at Mga Presyo ng Bitcoin, Nagpapakita ng Posibleng Trigger Window
Ipinapakita ng cost basis heat map ang mga area kung saan maraming bumiling buyers dati. Kadalsan, nagiging support o resistance ang mga ganitong cluster. Ang pinakamalapit na resistance zone ay nasa $88,082 hanggang $88,459 kung saan mga 200,035 BTC ang nandoon.
Nagte-trade ang Bitcoin malapit sa $87,480. Pag nagtapos ang araw na lampas 1% ang itinaas, lalampas na agad ito sa resistance zone. Puwede itong maging unang bullish signal at baka ito ang mag-break sa triangle pataas. Sa chart, ang level na bumabagay dito ay $88,300 — kailangan munang basagin ito.
Sa kabilang banda, mas malakas (mahihirapan basagin) ang mga downside levels sa short term. Ang nearest na high cost basis support ay nasa $84,449 hanggang $84,845 — mga 396,645 BTC ang nandoon.
Sa price chart, ang pinakamalapit na support level ayon sa cost basis ay nasa $84,430. Kailangan bumaba ng Bitcoin price ng mga 3.5% para matest ang area na ‘yan. Kaya makikita na mas mababa pa ang bearish validation dito at kailangan pa ng mas malakas na galaw para makumpirma.
Magkasunod ang chart at heat map dito. Kapag nabasag ang $88,300, yun agad ang unang bullish signal. Kapag nag-close above dito sa daily candle, papalo na ang atensyon sa $89,500 tapos $90,690 naman. Pero kapag nabitawan ang $84,430, baliktad na ang setup at parang pinatunayan ng mga sellers na sila ang panalo sa laban.