Mukhang limitado ang galaw ng Bitcoin nitong mga huling araw, kaya medyo tahimik ang pagtatapos ng 2025. Sa sobrang dikit ng price movement, parang malabo na biglang magkaroon ng matinding volatility ngayong patapos na ang taon.
Kahit nakakatulong ang stability para mas predictable yung market, may mga investor na naiinip na talaga dahil wala pa ring sumisipa na momentum kahit ilang buwan nang pabagu-bago ang performance nito.
Naglilipana ang Mga Bitcoin Holder na Nagbebenta ng Palugi
Halata ang paghina ng trading activity papatapos ang 2025. Dahil tuloy-tuloy lang ang price at kasabay pa ng holidays, marami sa mga trader ang nagpapahinga muna at hindi masyadong active sa market. Bumaba rin ang volume sa mga major na exchange, senyales na nababawasan ang mga nag-e-speculate at mas nag-iingat ang mga trader ngayon.
Kung walang biglaang rason para gumalaw ang presyo, parehong tahimik ang Bitcoin at altcoin markets — ito na ang pinakatahimik na two-week stretch mula noong ganitong panahon last year. Ibig sabihin, marami sa mga investor ang masayang maghintay at mas conservative muna kung mag-decide, lalo na dahil uncertain pa ang short term signals ngayon.
Gusto mo pa ng mas marami pang token insights? Mag-subscribe na sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.
Sa mga blockchain data, kita na tuloy-tuloy pa rin ang pressure sa pagbebenta kahit steady yung presyo. Yung realized loss volume (binawasan na yung internal transfers at gamit ang 90-day moving average) ay nasa $300 milyon kada araw ngayon. Pinapakita nito na may mga nagka-capitulate pa ring trader o holder — meaning, may mga ayaw na sa bagsak na market at nag-be-benta kahit lugi.
Nananatili pa rin sa ibabaw ng True Market Mean na $81,000 ang Bitcoin, pero kahit ganun, hindi pa rin nababawasan ang mga nag-be-benta ng palugi. Yung mga bumili sa mataas na price dati, parang nababawasan na ang pasensya, kaya tuloy-tuloy pa rin ang distribution nila na humihila ng market papunta sa mild bearish, at nililimitahan ang chance na maka-recover agad sa short term.
BTC Price Pwede Maging Magulo Dahil sa Volatility
Kasulukuyan nagte-trade ang Bitcoin sa $88,410 at nananatili sa ibabaw ng importanteng $88,210 support level. Kahit steady, bagsak pa rin ng mga 5.5% year-to-date ang BTC, kaya negative pa rin ang ending ng 2025. Habang papasok ang 2026, maraming trader ang nag-aabang na baka bumalik ulit ang volatility matapos ang mahabang consolidation.
Pinapatibay ito ng technical indicators. Nakikita mo na sobrang sumisikip ang Bollinger Bands ng Bitcoin, senyales na suppressed talaga ang volatility. Kung titignan ang history, kadalasan pag sobrang sumikip na ang bands, nag-uumpisa na ring gumalaw nang malakas yung presyo. Kaya kung humupa ang selling pressure tas naging okay ang macro environment para sa risk assets, pwede talagang magkaroon ng breakout.
Kapag hindi sumipa ang volatility, baka manatili lang ang galaw ng BTC sa current range. Sa ganitong sitwasyon, pwedeng magpatuloy ang consolidation ng Bitcoin malapit sa $88,210 pagpasok ng 2026. Pero kung dumami pa ang nagbebenta, posible ring bumigay ang presyo papunta sa $86,247 o mas mababa pa, na magpapabagsak sa anumang bullish outlook at magpapatagal pa sa uncertainty sa market.