Umakyat ng halos 2% ang Bitcoin sa nakaraang 24 oras at steady pa rin ito sa taas ng $92,200. Mabagal pa rin ang galaw sa daily chart, pero kung titignan ang 4-hour chart, meron nang lumalabas na early na lakas.
Dahil mas mabilis makakita ng pagbabago ang short-term charts, baka sa mga susunod na session magdesisyon kung matetest na ng Bitcoin ang $95,000 — na sinasabi ng mga experts na sobrang crucial sa pag-akyat ng presyo ng BTC.
Lumalakas sa Short Term, Pero May Kaakibat na Panganib
Malapit nang magform ang bullish EMA crossover ng Bitcoin sa 4-hour chart. Ang EMA ay ibig sabihin exponential moving average — tool na mas binibigyan ng timbang ang recent na presyo para mas mabilis mapansin ng mga trader kung may bagong trend na nabubuo. Bullish crossover ang tawag kapag yung mas mabilis na EMA ay tataas at lalampas sa mas mabagal na EMA, signal na dumarami ang buyers. Sa ngayon, halos magcross na pataas ang 50-EMA at 100-EMA.
Masyado nang lumiit ang gap ng dalawang EMA. Pag natuloy ang crossover, mas madali para sa Bitcoin ang daan papuntang $95,700, na sobrang importanteng resistance level. Pero yung Bull Bear Power indicator — na nagpapakita kung bulls o bears ang nangunguna kada candle — humina. Kapag nabawasan pa uli ito, baka hindi matuloy ang crossover. Ito yung pinakamatinding risk sa short term.
Gusto mo pa ng mga crypto token insights? Mag-sign up ka sa Daily Crypto Newsletter ng Editor na si Harsh Notariya dito.
Dito rin nagtutugma ang mga comments mula sa labas at analysis ng chart. Sinabi ng mga analyst mula sa B2BINPAY na meron din silang napansin na ganito sa exclusive nila para sa BeInCrypto:
“Nagte-trade ang Bitcoin sa $92,000–$93,000 na level, pero yung mga attempt niya na basagin ang $95,000 hindi nagtatagumpay. Kulang pa siya ng matinding drive para magawa iyon.
…Kapag nangyari yun, pwedeng subukan ng Bitcoin ang $96k. Kapag nagkaron ng consolidation sa ibabaw ng area na ito, posibleng ang next target na ay $100k,” dagdag nila.
Pinapatibay nito yung idea na ang totoong harang ay yung $95,000 at kailangan manatiling matatag ang short-term na lakas para may pag-asa ng mas malayong pag-akyat, kahit pahigit $100,000 pa.
Tumataas ang Dormancy—Pwede Itong Maging Trigger
Ang metric na Spent Coins Age Band ay sumusukat kung ilang Bitcoin ang gumagalaw sa ibat ibang klase ng holders. Pag bumaba ang number, ibig sabihin mas maraming old coins ang hindi gumagalaw (mas mataas ang dormancy). Nagdudulot ito ng mas kaunting selling pressure at kadalasan, tumutugma ito sa mga pag-rebound ng presyo.
Bumaba na ang metric na ito mula 24,100 nung December 10 papuntang 12,500 ngayon, halos 50% ang binagsak. Ganitong pagbagsak dati, nag-trigger ng rally sa BTC.
Noong December 2 hanggang December 9, bumaba ang spent coins mula 27,800 papuntang 9,200. Dito, umangat ng mga 5% ang Bitcoin.
Sa pagitan ng November 21 hanggang November 24, bumaba din ang spent coins. Umakyat ang Bitcoin mula $85,500 hanggang $92,300, na mga 8% na galaw sa mga sumunod na araw.
Mas maliit ang current drop, pero pareho pa rin ang pattern. Habang tumataas ang dormancy (bumababa ang spent coins) at sinusubukan nabuo ang crossover, pwede itong maging maganda at matinding kombinasyon sa short-term chart.
Mga Short Term na Price Level ng Bitcoin na Dapat Bantayan ngayong Linggo
Ang unang harang sa short-term Bitcoin price chart ay $93,300. Hindi pa nakakapag-close ng 4-hour candle sa ibabaw ng lebel na to simula December 9. Pag nalampasan ito ng malinis, pwede nang buksan ang daan papuntang $94,300.
Kapag natuloy ang EMA crossover at malakas pa rin ang momentum, abot na ang $95,700. Dito malalaman kung makakasilip na ang Bitcoin sa mga level na binanggit ng analysts.
Support level ng BTC ngayon ay $90,800. Kapag bumaba pa rito, babalik sa scene ang $89,300 at malalate na naman ang move papuntang $95,000.
Ngayon, may tatlong nagtutugmang element si Bitcoin: possible EMA crossover, bumabagsak na spent-coin activity, at push ng presyo palapit sa resistance. Kapag na-defend ng buyers ang support at nagpapatuloy ang mga trend ng metric, baka masilip na ng Bitcoin ang $95,000 (mas eksakto, $95,700).