Nagsimula ang 2026 na naiipit si Bitcoin sa bandang $88,000, tuloy-tuloy lang ang sideways na galaw nitong mga nakaraang linggo. Mukhang walang nangyayari sa presyo, pero base sa mga on-chain data, may mga pagbabago palang nangyayari sa likod ng eksena ng market.
May tatlong indicator mula sa CryptoQuant na nagpapakita na nababawasan ang pressure na magbenta, kahit na may uncertainty pa rin sa macro na sitwasyon na naglilimita sa galaw pataas ng market.
Mga Long-Term Holder Nag-ipon Na Ulit
Nahihirapan pa rin makabalik si Bitcoin sa mahahalagang resistance mula noong malakas na pagbagsak noong ending ng 2025. Dahil mahina ang follow-through buying, nananatiling marupok ang market sentiment at naghihintay ang mga trader ng confirmation na tapos na ang pagbagsak.
Ang unang senyales ay galing sa long-term holder (LTH) supply data. Pagkatapos ng ilang buwan na negative, naging positive na uli ang 30-day net change sa LTH supply, nasa 10,700 BTC ang nadagdag.
Ibig sabihin nito, hindi na nagdi-distribute ng malakihan ang mga long-term investor ng kanilang Bitcoin.
Imbes, bumabalik na ulit ang supply sa mga solidong HODLers — kalimitan mong makikita ‘to kapag panahon ng consolidation, hindi kapag nasa market top.
LTH SOPR Nagpapakita ng Balance, Hindi Pa Nagka-Capitulate ang mga Holder
Yung pangalawang chart ay tungkol sa long-term holder spent output profit ratio (SOPR). Dito malalaman kung nagbebenta ba ang mga long-term holder na may kita sila o lugi.
Sa ngayon, umiikot lang sa neutral na 1.0 level ang LTH SOPR. Sa madaling salita, hindi sumuko ang mga long-term holder o nagmamadaling magbenta kahit lugi sila.
Base sa nakaraan, karaniwan mong makikitang ganyan ang galaw ng market na naghahanap ng balance matapos ang pag-correct, kaysa mas malalim pa na bagsak.
Nababawasan ang Sell Pressure Dahil Lumalabas ang Crypto sa Exchange
Yung pangatlong indicator ay tumutok naman sa Bitcoin exchange netflows. Lumalabas sa recent na data na tuluy-tuloy ang net outflows: mas maraming BTC ang nilalabas mula exchanges kaysa nilalagay.
Dahil dito, nababawasan agad ang BTC sa spot markets na pwedeng ibenta agad.
Pero kahit ganyan, hindi pa rin tumatalon ang presyo, kaya mukhang nag-iingat pa rin ang demand. Malamang, nagiging mahigpit pa rin ang liquidity at apektado pa rin ng na-delay na pag-asa sa US rate cuts.
Makakabawi Na Kaya ang Presyo ng Bitcoin Ngayong January?
Pinagsama-sama, mukhang nag-i-improve na kahit papaano ang market. Nabawasan na ang sell pressure at kampante pa rin ang mga long-term holder.
Kaso, umiikot pa rin ang presyo at hindi sya makalagpas dahil kulang pa rin sa demand at matindi pa rin ang macro problems. Para biglang makarating sa $100,000 ngayong January, kailangan pa ng panibagong malakas na dahilan.
Kung walang ganung catalyst, malamang magpatuloy lang ang consolidation ni Bitcoin. Pwedeng bumuo muna ng matibay na base bago lumipad ang recovery, baka mas possible pa na mas malakas sya bandang dulo ng 2026 imbes na biglaang akyat agad.