Trusted

Inilunsad ng Bitget Wallet ang PayFi para sa Onchain at Real-World Payments

2 mins
In-update ni Сedrick Сabaluna

Sa Madaling Salita

  • Pinag-uugnay ng PayFi ang crypto at tradisyonal na finance, para makapag-store at transfer ng digital assets ang users para sa real-world na paggamit.
  • Pangunahing features: stablecoin staking, low-fee international transfers, at Bitget Wallet card na may multi-currency support.
  • Mga Plano sa Hinaharap: Global Expansion, Advanced DeFi Integration, at Mas Malawak na Access sa Crypto Banking Services.

Inilunsad ng Bitget Wallet ang PayFi, isang bagong initiative para i-connect ang traditional financial system at blockchain technology. 

Layunin ng platform na gawing mas madali ang pag-store, paggastos, at pag-transfer ng digital assets. Ang PayFi ay nag-aalok ng praktikal na solusyon para sa mga nag-e-explore ng Web3.

Ano ang PayFi at Paano Ito Gumagana

Ang PayFi ay isang multifunctional platform na dinisenyo para mag-store o mag-trade ng cryptocurrency at magamit sa real-world applications. Pwede itong gamitin mula sa pagbili ng goods at services hanggang sa pagpapadala ng digital gifts o paggawa ng international transfers. Layunin ng platform na gawing mas accessible at praktikal ang cryptocurrency para sa araw-araw na gamit.

Mga pangunahing aspeto ng PayFi:

  • Stablecoin Deposits: Pwedeng mag-deposit ang users ng stablecoins tulad ng USDT at USDC sa pamamagitan ng yield-generating DeFi protocols. Pwede nila itong i-stake para kumita ng rewards at gamitin sa pang-araw-araw na gastusin.
  • Simplified International Transfers: Nagbibigay-daan ang platform sa seamless international transfers at digital gift transfers na may minimal na fees.
  • Bitget Wallet Financial Card Integration: Sinusuportahan ng PayFi ang global payments gamit ang Bitget Wallet financial card na may multi-currency accounts at Swiss IBAN.

Para palakasin ang PayFi ecosystem, nakipag-partner ang Bitget Wallet sa mga crypto payment specialists tulad ng Triple-A, Coinpal, Bitrefill, IvendPay, at PundiX.

Sa 2025, plano ng Bitget Wallet na palawakin ang PayFi sa pamamagitan ng pag-introduce ng bagong features at paglawak ng global reach nito. Narito ang mga key milestones:

  • Global Merchant Network Expansion: Pagbibigay-daan sa users na magbayad gamit ang cryptocurrency para sa goods at services kahit saan sa mundo.
  • Deeper DeFi Integration: Pag-aalok ng mas maraming oportunidad para kumita mula sa stable assets gamit ang advanced DeFi solutions.
  • Scaling the Wallet Card and Banking Services: Pagpapalawak ng coverage sa mas maraming rehiyon, para maging accessible ang crypto-friendly financial services sa mas malawak na audience.

Sa pamamagitan ng mga effort na ito, layunin ng Bitget Wallet na lumikha ng seamless ecosystem kung saan ang cryptocurrency ay may central role sa financial activities ng users. Ang focus ay nananatili sa practicality at accessibility, para maging natural na bahagi ng araw-araw na buhay ang digital assets.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.

sofya_odintsova.png
Sofya Odintsova
Siya ay isang crypto content creator na may tatlong taon nang experience sa Web3. Ang hilig niya sa sci-fi books at movies ang nagpasimula ng kanyang interes sa bagong technology, kaya't natural lang na napunta siya sa pag-explore ng blockchain at cryptocurrencies. Nagsimula siya bilang freelance translator ng mga financial article, at pinalawak ni Sofya ang kanyang expertise sa pamamagitan ng pagsusulat ng insightful na articles para sa mga crypto startup project. Pinagsasama niya ang...
BASAHIN ANG BUONG BIO