Back

Sinimulan ng BitMine I-stake ang $12B na Ethereum Holdings Nila

27 Disyembre 2025 16:30 UTC
Trusted
  • Sinimulan na ng BitMine mag-stake ng parte ng $12B Ethereum nila—mukhang lilipat na sila mula sa pagtengga ng assets papunta sa hanap-yield na galaw.
  • Nagdadala ng bagong risk ang galaw na ‘to: ‘di basta-basta maili-liquidate ang staked Ether pag may market stress dahil sa delay ng protocol withdrawals.
  • Pangmatagalan, plano ng BitMine na i-scale ang staking pwedeng magbago ng valuation nila—pero may kaba sa liquidity, centralization, at regulatory risks.

Sinimulan na ng BitMine, ang pinakamalaking corporate na may-hawak ng Ethereum, ang pag-stake ng bahagi ng $12 billion ETH treasury nila.

Ngayong December 27, nag-report si on-chain analyst Ember CN na nag-deposit ang kompanya ng nasa 74,880 ETH na may halagang mga $219 million papunta sa Ethereum staking contracts.

Bakit Nga Ba Nagsi-stake ng Holdings ang BitMine?

Maliit lang ang move na ito kung ikukumpara sa kabuuang hawak ng BitMine na umaabot sa 4.07 million ETH at ngayon ay nasa $12 billion ang value.

Pero, nagpapakita ito ng malaking pagbabago kung paano nila gustong i-manage ang kanilang balance sheet.

BitMine's Ethereum Staking
BitMine Ethereum Staking. Source: Ember CN

Kung sakaling i-stake ng kompanya ang buong treasury nila at mapanatili ang current estimated annual percentage yield (APY) na 3.12%, pwede silang maka-generate ng mga 126,800 ETH kada taon. Sa presyo ngayon, nasa $371 million ito na possible revenue kada taon.

Kapag ganito na ang setup, parang magiging yield-generating vehicle na ang BitMine na nakatali sa consensus layer ng Ethereum. Ibig sabihin, hindi na lang basta price moves ang basehan ng value ng BitMine.

Mga Target at Delikadong Risk sa ETH Staking

Pero, may mga bagong risk na pumapasok sa financial at operational side ng strategy na ito.

Hindi tulad ng Bitcoin na nasa cold storage na madali lang ibenta kung magka-problema sa market, ang staked na Ether ay may mga protocol-level na requirements bago mo ito ma-withdraw.

Yung mga validator na aalis sa network kailangan pang dumaan sa exit queue, kaya pwedeng ma-delay ang pagkuha ng kapital lalo na kung sobrang volatile ng market.

Sakaling magka-liquidity crunch, pwede talagang maipit ang BitMine at mas malantad sa mga biglaang price swings — na usually ay naiiwasan ng mga treasury na hindi naka-stake.

Pinapakita ng tradeoff na ito na magkaiba talaga ang passive holding ng Ethereum kumpara kung gagamitin mo ito bilang productive capital sa network.

Pero may long-term goal pa rin ang BitMine na makakuha at mag-stake ng 5% ng total supply ng Ethereum.

Para masuportahan ang plano na ‘yan, gumagawa sila ng sariling staking platform na tinawag nilang Made in America Validator Network (MAVAN) at naka-schedule mag-launch ng early 2026.

“Tuloy-tuloy ang progress namin sa staking solution na The Made in America Validator Network (MAVAN). Ito ang magiging ‘best-in-class’ na solution na mag-aalok ng secure na staking infrastructure at ide-deploy sa early 2026,” ayon kay BitMine chair Thomas Lee sa kanyang statement.

Sa kabilang banda, pinupuna ng mga kritiko na kapag masyadong malaki ang ETH holdings na nasa iisang validator network na base sa US, nagkakaroon ng centralization risk. Pwede raw nitong maapektuhan ang network na dapat sana’y neutral at distributed sa buong mundo.

Dahil hawak ngayon ng BitMine ang nasa 3.36% ng total ETH supply, possible na mapilitan ang MAVAN na sumunod sa mga sanction ng US Office of Foreign Assets Control (OFAC).

Dahil dito, may pagkakataon na tanggihan ng kompanya na i-validate ang mga blocks na may transactions na konektado sa mga address na may sanction.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.