Matindi agad ang simula ng 2026 para sa Bittensor dahil biglang umangat ang presyo ng TAO sa unang linggo ng trading. Nag-umpisa ang rally matapos mag-file ang Grayscale para mag-launch ng kauna-unahang Bittensor-focused ETF sa US.
Dahil sa dami ng usap-usapan tungkol sa mga altcoin ETF lately, naging matinding trigger itong development na ‘to. Kaya muling napunta ang atensyon sa mga decentralized AI assets.
Ipinapakita ng pagtaas ng presyo ng TAO na gumaganda ang sentiment sa market, at historically, malaki talaga ang tulong ng institutional exposure galing sa regulated na products para mas lumaki ang liquidity at credibility ng token.
Umakyat ang Kita ng mga May Hawak ng Bittensor
Supportado pa rin ng mga holder ang galaw ng TAO kahit nagkaroon na ng 27% na pagtaas ngayong linggo. Base sa data ng HODL Caves, malabong magmadali agad magbenta ang mga investors kahit tumaas na ang presyo. Most wallets na bumili ng TAO sa loob ng nakaraang pitong buwan ay hindi pa rin kumikita o kaunti pa lang ang gain nila sa presyong ‘to.
Gusto mo ba ng mas marami pang token insights na gaya nito? Puwede kang mag-sign up sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.
Nababawasan ang incentive ngayon na magbenta agad dahil sa cost basis structure na ‘to. Kadalasan, naghihintay ang mga investor hangga’t ‘di pa ganoon kalaki ang kita bago sila magbenta. Kaya hindi pa malakas ang supply pressure at may chance pa makabawi ang TAO nang ‘di kinakailangang mag-adjust dahil sa mga profit-taker sa umpisa ng rally.
TAO Mukhang May Papasok na Buying Pressure
Ayon sa momentum indicators, gumaganda pa nga ang kondisyon pero ‘di pa totally confirmed. Malapit nang maabot ng Money Flow Index (MFI), na sumusukat sa buying at selling pressure gamit ang price at volume, ang neutral na level. Kapag tuloy-tuloy nang umangat ito, ibig sabihin, tumataas na talaga ang demand.
Pag na-break ng MFI ang neutral line, malinaw na balik na sa buyers ang control matapos ang consolidation. Para sa TAO, critical ang galaw na ‘to. Mas maraming pumapasok na pera, mas matibay ang liquidity at mas may chance umangat pa lalo ang presyo ngayong cycle.
Madalas na nauuna talaga ang macro momentum bago mangyari ang matinding galaw. Kapag naging solidly positive ang MFI, swak ito sa behavior ng mga holder at optimism dahil sa ETF. Dahil dito, may chance tumagal pa ‘yung rally at mabreak ang short-term resistance levels.
Ano ang Kapansin-pansin sa Nakaraan ng TAO?
Working in favor sa bulls ang historical price action ng TAO. Paulit-ulit nang nag-recover ang token tuwing na-te-test ang $217 support zone. Sa mga nakaraang cycle, laging umangat ang presyo mula rito — minsan umaabot pa ng lagpas $500.
Ipinapakita ng pauli-ulit na pattern na ganito ang malakas na tiwala ng mga holder sa long-term direction ng TAO. Kapag patuloy na umaangat ang TAO suportado ng mga nagtutuloy-tuloy na acccumulation, susunod na rin ang matataas na target. Yung sitwasyon ngayon, parang kapareho ng mga nakaraang phase — pero siyempre, iba na rin ang macro environment ngayon.
Kung magpapatuloy pa ang mga investors na mag-hold imbes na magbenta, malaki ang chance na ulitin ulit ng TAO ‘yung dati niyang performance. Mas malakas lalo ang potential nitong umangat pa dahil may institutional interest at mababa pa rin ang nagbebenta ngayon.
TAO Price, Malayo Pa Bago Makaabot sa Target
Ngayon, malapit sa $278 ang trade ng TAO matapos mag-pullback ng 5% nitong past 24 hours. Sa kabuuan, 27% pa rin ang itinaas ng token ngayong linggo. May immediate resistance sa $312 — dito naipit ang huling pag-akyat at ‘yan ang unang kalaban bago muling umangat pa ang momentum.
Kahit bullish overall at may potential umabot ng $500, kailangan pa rin ng short-term confirmation. Kailangang mabawi ng TAO ang $312 at gawing support ito. Pag naging support na rin ang $335 o $412, ‘yun ang sign na tuloy-tuloy ang trend. Importante ito para sa paglaban ng TAO papuntang $500 — na 79.4% pa ang layo mula sa kasalukuyang presyo.
Pero ingat pa rin, kasi may downside risk lalo na kung magbago ang sentiment. Kapag lumakas ang selling pressure, puwedeng bumagsak ang TAO below $263. Kung tuluyan pang bumaba sa $217, mabubura lang ang mga recent na gain at babalik sa umpisa ang recovery attempt.