Patuloy na volatile ang galaw ng presyo ng Bitcoin nitong mga nakaraang araw, at parang hirap pa rin makahabol ang recovery nito. Sinusubukan ni BTC na bumalik sa dating level matapos ang recent na pagbagsak, pero hindi pantay-pantay ang demand mula sa mga exchange-traded fund (ETF) investor.
Kahit na may pagdadalawang-isip ngayon ang ilan, tuloy-tuloy pa rin na tinatarget ng BlackRock na gawing core long-term investment si Bitcoin. Ibig sabihin, may kumpiyansa sila sa Bitcoin kahit anong mangyari sa galaw ng presyo niya sa short term.
Mukhang Bida ang Bitcoin Kay BlackRock
Isinama ng BlackRock ang spot Bitcoin ETF nila sa top 3 primary investment themes para sa 2025. Makikita dito na long-term talaga ang pananaw nila—hindi pang short-term trading lang ang approach. Kahit matinding gumalaw ang presyo ng Bitcoin ngayong taon, tuloy pa rin ang malaking kapital na pumapasok sa ETF nila.
Gusto mo pa ng crypto updates na tulad nito? Mag-sign up na sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.
Nasa $29.6 billion na ang net inflow sa Bitcoin ETF ng BlackRock ngayong taon. Umabot na sa $62.5 billion ang kabuuang net inflows mula noong nag-launch ito. Malaki ang ibig sabihin ng stats na ‘to—tuloy-tuloy pa rin ang malakas na institutional interest sa Bitcoin. Kaya dito mo rin makikita kung bakit nananatiling confident ang BlackRock sa Bitcoin kahit volatile pa rin ang market.
Malakas Si Bitcoin Sa Futures Market Ngayon
Pero iba ang nangyayari sa short-term ETF trends. Napansin na halos kalahati ng trading days sa nakaraang buwan ay may outflows ang Bitcoin ETFs. Ibig sabihin, may mga investor na nag-aalangan lalo na yung mga short-term ang tingin.
Noong Lunes, lumabas na may $142 million na net outflows mula sa lahat ng Bitcoin ETFs. Pinapakita nito na marami pa ring naka-hold dahil uncertain ang price action. Kahit mukhang strong pa rin ang long-term na kapital, yung short-term flows nagpapakita ng pagka-praning—maraming investor ang naghihintay ng mas malinaw na signal bago magdagdag ng exposure.
May dagdag na insight din galing sa derivatives market. Kahit pabago-bago ang spot demand, lumalaki naman ang trading sa perpetual futures. Habang umakyat ulit sa ibabaw ng $90,000 si Bitcoin, lumago ang perpetual open interest mula 304,000 BTC hanggang 310,000 BTC—around 2% increase to.
Pati funding rates tumaas din, mula 0.04% naging 0.09%. Pinapakita nito na dumadami ang mga trader na nagtataas ng leverage para mag-long. Maraming trader ngayon nagpapakatapang, nagbabakasakaling may galaw pa si Bitcoin bago matapos ang taon, kahit mixed pa rin ang demand sa spot.
Kapag umaakyat ang open interest at funding rate, normal na sumasabay ang optimism sa market. Pero sabay din lumalaki ang risk—kung mahina ang momentum ng presyo, pwedeng mag-unwind o magliquidate agad ang mga naka-leverage position, kaya sobrang bilis din ng swings sa short term.
BTC Price, Pwede Pang Tumaas sa Short Term
Kasulukuyan nasa bandang $87,400 si Bitcoin—medyo mababa lang sa resistance na $88,210. Sa chart, may chance pa siya umakyat lalo na kung maipagtatanggol ng mga buyer ang presyong ito at mag-improve ang overall market sentiment.
Puwede ring maapektuhan ang galaw ng presyo dahil sa seasonal factors. Kapag Pasko, kadalasan dumadami ang inflows at nababawasan ang liquidity. Kung umarangkada ang demand, pwede pang makalapit si Bitcoin sa $90,308 — lalo na kung supported pa ng leveraged positions at bagong interes ng mga investor.
Nandiyan pa rin ang risk sa pag-bagsak ng presyo kung hindi sumabay ang optimism. Kapag bumagsak ang presyo sa ilalim ng $86,247, mababasag ang recovery ng chart. Pwedeng bumagsak si Bitcoin hanggang $84,698. Kapag nangyari ito, mababasag ang bullish scenario at mas titindi ang pagkaingat ng mga investor—kahit may support pa rin mula sa mga malaking institution pang long-term.