Noong mga huling araw ng Oktubre 2025, kinumpirma ng Bware Labs ang kinatatakutan ng maraming developer: ang pagsasara ng Blast API, isa sa pinakaginagamit na RPC providers sa Web3.
Nagdulot ito ng pagkabigla sa developer community dahil naganap ang balita bago pa ang nakatakdang pag-acquire nito ng Alchemy. Parang simpleng business move ito pero nagpakita ng kahinaan pati na rin kahalagahan ng Web3 infrastructure.
Centralization dahil Kailangan, Hindi Planado
Yung RPC (Remote Procedure Call) layer ang nagko-connect sa decentralized apps para makipag-usap sa blockchains. Parang tagapamagitan ‘to na humahawak ng bilyun-bilyong request araw-araw, mula wallet balances hanggang token transfers at smart contract interactions.
Kahit na ang crypto ay tungkol sa decentralization, iilan lang ang talagang kumokontrol sa layer na ‘to tulad ng Alchemy, Infura, at dating Blast. Ginawa nga nitong mas madali ang blockchain development, pero nagdulot din ito ng dependency.
Para sa maraming developer, ang pag-acquire ng Alchemy sa Blast ay senyales ng market consolidation. Pinapadali nito ang access para sa mga enterprise client pero nababawasan ang diversity sa infrastructure, isang bagay na matagal nang inaalarma ng mga supporter ng decentralization.
Developers Hindi Patitinag: Hanap Para sa Resilience
Dahil sa pag-shutdown ng Blast API, kailangan muling pag-isipan ng mga developer ang kanilang infrastructure choices. Marami ang lumilipat diretso sa Alchemy, gaya ng suhestyon ng Bware Labs, habang ang iba naman ay nagsusumikap mag-diversify sa kanilang setup, nagpapalit-palit sa multiple RPC providers o nag-eexplore ng multi-chain na options.
Ang mga platform tulad ng NOWNodes ay nakakaranas ng pagdami ng interes nitong mga linggo. Tinuturing itong multi-chain workhorse dahil sa support nito para sa mahigit 115 blockchains. May stable pricing ito at walang request limits, mainam para sa mga proyektong kailangan ng scale nang walang kasamang unpredictability. Para sa mga developer na gumagalaw sa iba’t ibang ecosystem, mula Ethereum at Solana hanggang Monero at eCash, importante itong flexibility.
Ang pagbabago na ito ay nagpapakita na ang mga developer ngayon ay mas gusto nang magtayo ng infrastructure na kaya mag-survive sa mga di-inaasahang pangyayari kaysa habulin ang pinakabagong API.
Developers Alanganin: Mas Prioritize Stability kaysa Bilis
Bagamat may migration path na inalok ang Alchemy para sa mga dating Blast API user, pinapayuhan ang mga developer na huwag magmadali sa proseso. Lahat ng project ay may kanya-kanyang architecture, scaling needs, at finances. Ang bagay sa isang team ay baka maging bottleneck o dagdag gastos sa iba. Mas makatwirang transition ang nagbibigay ng stability at flexibility kaysa mabilisan at panandaliang solusyon.
Para sa mga multi-chain builders, una nilang tinitingnan ang saklaw. Mainam sa mga proyektong nag-ooperate lang sa Ethereum ang integration ng Alchemy, pero para sa nagbubuo sa networks tulad ng Solana, Avalanche, o Monero, mas malawak na coverage ang kailangan. Importante rin ang scalability: kung tumaas ang request volumes sa peak usage, ang rate limits o pricing tiers ay posibleng maging hadlang o magdulot ng paglobo ng gastos.
Mahalaga ring isaalang-alang ang budget at support. Kailangang pag-desisyunan ng mga team kung ang predictable, flat-rate pricing models ang angkop sa kanilang pangangailangan kaysa sa usage-based options na tumataas kasabay ng traffic. Kasing-halaga ang kalidad at bilis ng customer support sa pagresolba ng technical issue. Madalas itong hindi napapansin pero posibleng makasira ng uptime sa panahon ng product launches o token events.
Paano Nag-aadjust ang Developers: Hanap ng Tamang Diskarte
Ang infrastructure layer ng Web3 ay dumaraan sa parehong pag-evolve na dinanas ng cloud computing isang dekada ang nakaraan, mula sa pagiging madali patungo sa pagiging maaasahan. Ang pagkasara ng Blast API ay nagpapaalala na ang reliability ng decentralized systems ay hindi nakasalalay sa isang malakas na provider kundi sa diversified architecture.
Habang nagiging mas specialized ang RPC services, ang Alchemy ay nananatiling nakatutok lalo na sa Ethereum ecosystem, bukod pa sa suporta nito para sa iba pang major blockchains. Samantala, ang NOWNodes ay pinalalawak ang reach nito sa iba’t ibang chains at natututo ang mga developer na mag-mix and match ng kanilang stack na dati-rati ay ginagawa lang ng mga tradisyonal na IT teams.
NOWNodes ay nagbibigay ng multi-chain RPC access na may 99.95% uptime, supported ng failover systems at global redundancy para mapanatiling stable ang performance. Nag-aalok ito ng libreng entry plan, flexible pricing options, at mabilis na WebSocket connections para sa real-time blockchain data. Ang model nito ay patok sa developers na naghahanap ng predictable, cross-chain infrastructure na walang rate limitations.
Nananatiling isa sa pinakaginagamit na infrastructure provider sa Ethereum ecosystem ang Alchemy, na pinaumpisahan nina Nikil Viswanathan at Joe Lau. Dinisenyo ang Supernode architecture at analytics tools nito para sa bilis, scalability, at data accuracy across Ethereum at Layer 2 networks at iba pang supportadong blockchains tulad ng Polygon at Arbitrum.
| Kategorya | NOWNodes | Alchemy |
| Network Coverage | 115+ blockchains, kasama ang Ethereum, Bitcoin, Solana, Monero, at eCash. | Pangunahing Ethereum at Layer 2s, pero sumusuporta din sa ilang major blockchains tulad ng Polygon, Arbitrum, at Optimism. |
| Uri ng Node | Shared, Dedicated, at Archive (setup in 1–2 days). | Shared at Enterprise-only Dedicated. |
| Maaasahan | ~99.95% uptime na may auto-failover at 100% blockchain uptime. | ~99.9% uptime. |
| Support | 24/7 direct access via chat, Slack, o Telegram (avg. 3-min response). | Ticket-based. |
| RPS Limits | Walang limits sa paid plans; ~15 RPS sa free tier. | Tier-based limits. |
| Presyo (Okt 2025) | Mula €20/buwan (1M requests) hanggang €400 (unlimited). | Mula $49/buwan. |
| Pinakamainam Para | Multi-chain scalability at predictable costs. | Ethereum-focused teams. |
Huling Hatol
Hindi lang simpleng insidente ang pag-shutdown ng Blast API — ito ay snapshot ng industry na patuloy na natututo mula sa sariling dependencies nito. Sa patuloy na pagsisikap na ma-decentralize ang lahat, natutunan ng Web3 na ang tunay na resilience ay hindi mula sa anumang isang provider kundi sa diversity, redundancy, at balance.
Habang nag-eeksperimento ang mga developers sa mga bagong modelo — mula sa ecosystem-focused depth ng Alchemy hanggang sa multi-chain reach ng NOWNodes — nagiging malinaw ang larawan ng susunod na yugto ng Web3 infrastructure: isa kung saan ang flexibility at interoperability ay kasinghalaga ng performance.