Back

Mukhang Mababasag ang Bullish Setup ng Canton—Mahinang Volume Nanganganib Tapyasin ang 172% Breakout

author avatar

Written by
Ananda Banerjee

08 Enero 2026 11:22 UTC
  • Bagsak ng 16% ang presyo ng Canton ngayong linggo, 22% na ang binaba mula all-time high.
  • Mukhang humihina ang 172% breakout setup habang nananatiling negative ang volume at capital flow.
  • Tumaas nang 10x ang social dominance, pero hindi pa humahabol ang buying power.

Nalalagay sa alanganin ang Canton Coin sa isang critical na panahon. Matapos nitong makaakyat sandali pabalik sa consolidation zone ng bullish pattern, bumaba ang token ng halos 16% nitong nakaraang 7 araw at ngayon, nasa 22% sa ilalim ng all-time high na naabot lang isang linggo ang nakalipas. Dahil dito, nagiging delikado na yung widely watched bullish structure.

Kung titingnan mo ang mas malawak na setup, meron pa rin itong potential na tumaas nang malaki kung gaganda ulit ang market conditions. Pero dahil humihina na ang trading volume at capital flow, mukhang mabilis nagsasara ang chance para makalabas siya sa consolidation.

Cup-and-Handle Breakout Naiipit Malapit sa Matinding Support

Sa 12-hour chart, nagpo-form ang Canton ng cup-and-handle pattern, na kadalasan eh nagpapakita ng matinding continuation moves. Yung “handle” part, parang phase na nagpapahinga muna yung price pagkatapos ng rally, tapos magcoconso bago susubukang mag-breakout.

Sa side ng Canton, aggressive pa rin yung target ng breakout nito. Kapag nabawi ng price ang momentum at nalamangan yung resistance neckline, base sa pattern, pwede pa rin itong umakyat ng hanggang 172%. Pero ang problema — nasaang current price siya ngayon.

Bullish Pattern
Bullish Pattern: TradingView

Gusto mo pa ng ganitong token insights? Mag-sign up sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.

Tumatambay lang ang Canton sa ibabaw ng handle support zone ngayon, kaya nungin biglang maging mas mataas ang downside risk kesa sa upside reward. Pag nag-close ang price sa ilalim ng $0.13 nang tuloy-tuloy for 12 hours, lalong hihina yung formation ng pattern.

Malaki ang epekto ng imbalance na ‘to. Ang resistance neckline ay malayo pa sa current price, habang sobrang lapit ng invalidation. Dahil dito, fragile yung pattern lalo na sa short term.

Tumataas ang Hype sa Social Media, Mukhang Walang Breakdown—Sa Ngayon

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi pa bagsak ng todo ang price ay dahil dumadami ang nakatutok dito. Ang social dominance — na sumusukat kung gaano karami ang usapan tungkol sa token kumpara sa buong crypto market — grabe ang itinaas nitong mga nakaraang araw.

Simula January 3, umakyat mula nasa 0.05% papuntang mga 0.56% ang social dominance ng Canton, so more than x10 increase yun in less than a week — kahit bumagsak ang price. Kapansin-pansin talaga itong pag-akyat, lalot mahina ang performance for the week.

Yung connection na ito, dati nang naging importante. Noong kalagitnaan ng December, nung umabot ng local peak yung social dominance, lumipad ang price ng Canton ng 57% sa loob lang ng ilang araw. May pangalawang local high din noong December 28, kung saan umabot sa 0.74% yung social metric at nag-trade sa mga $0.12 yung price. Pagkatapos noon — dahil sa hype — nagtuloy-tuloy saka umakyat pa ng $0.17 at naabot ang all-time high ng Canton.

Rising Social Chatter
Rising Social Chatter: Santiment

Sa maikling trading history ng Canton, halos palaging kasabay ng pagtaas ng social dominance yung rally ng price. Kaya nga pansinin yung current na hype — baka yun ang dahilan kung bakit hindi pa totally sumusuko ang presyo ng CC kahit mahina ang broader market.

Pero, hindi sapat ang attention para mag-sustain ng breakout.

Mahina ang Volume at Capital Flow, Nagpapa-doubt sa Bullish na Canton Price

Kahit mataas na ang social interest, hindi naman sumasabay ang participation. Yung On-Balance Volume (OBV) — na nagtra-track kung sinusuportahan ng volume ang direction ng price — pababa pa rin sa 12-hour chart. Simula pa nung kalagitnaan ng November, tuloy ang pag-akyat ng price ng Canton pero kabaliktaran ang galaw ng OBV. At hangang ngayon, lalong humihina yung volume metric.

Volume Weakens Throughout: TradingView

Ibig sabihin nito, payat ang volume tuwing may rally — hindi napalalakas ng demand. Kaya ngayon, hirap makasunod pataas ang presyo at napapahaba pa lalo ang consolidation period.

Lalo kang nangangamba kapag tiningnan mo ang capital flow data. Yung Chaikin Money Flow (CMF), na sumusukat kung may malalaking kapital na pumapasok o lumalabas, bumagsak na sa zero line noong January 5. Nagpapahiwatig yun ng net outflows. Kahit nag-bounce saglit ang CMF noong January 7 at naiwasan ang immediate breakdown, mahina pa rin at parang anytime pwede ulit bumaba.

Big Money Avoids Canton Coin
Big Money Avoids Canton Coin: TradingView

Kapag parehong bumababa ang OBV at CMF, ibig sabihin yung mga malalaking player, hindi sila nagdadagdag ng fresh capital. Walang suporta, kadalasan, hindi talaga nagwo-work ang bullish pattern at hindi nakakarating sa breakout zone.

Kung price ang pag-uusapan, malinaw ang mga level na dapat bantayan. Kailangan manatiling nasa ibabaw ng $0.13 ang Canton price para hindi mawala ang bullish sentiment nito. Kapag bumalik at tumagos na pataas ng $0.15, signal na ito na baka bumalik ang lakas ng token. Kailangan naman tuloy-tuloy na mabreak ang $0.19, para mangyari ang 172% breakout na target ng marami.

Canton Price Analysis
Canton Price Analysis: TradingView

Sa kabilang banda, kapag bumagsak ang presyo sa ilalim ng $0.13 tapos sumunod pa sa $0.11 (malapit sa handle support), magcoconfirm ito na medyo nanghihina na ang bullish structure ng Canton.

Sa ngayon, nabubuhay pa ang Canton sa hype at attention, hindi sa volume o actual na capital. Kaya damang-dama ang tension sa price movement nito. Hangga’t ‘di gumaganda ang buying participation at dumadami ang pumapasok na pera, delikado ang bullish setup dahil pwede itong maudlot bago pa man magsimula ang totoong rally.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.