Kumakapit si Cardano ngayon matapos ang sunod-sunod na pagbagsak. Tumaas ng 1.8% ang ADA sa nakaraang 24 oras, pero kung titignan nang mas malawakan, mahina pa rin ang galaw nito. Bagsak pa rin ng halos 9% ang token sa loob ng isang linggo, at nananatili pa rin sa ilalim ng mga importanteng short-term trend level ang presyo ng Cardano.
Sa unang tingin, parang dire-diretsong bear market lang ito. Pero kung pag-aaralan mo yung participation, galaw ng mga holder, at posisyon ng mga trader sa derivatives, medyo kumplikado pala ang kuwento. Mukhang layered ang dahilan ng sell-off na ‘to.
Nawawala ang Hype sa Cardano, Bagsak ang Spot Interest
Nagsimula ang kahinaan hindi lang sa presyo, kundi sa participation din.
Noong January 6, naitala ng mga analyst ng BeInCrypto na umabot sa halos $1.49 milyon ang spot trading volume ng Cardano sa mga decentralized exchange. Sa araw din na yun naabot ng ADA ang pinakamataas nitong presyo para sa 2026. Pagkatapos nito, sabay na bumagsak ang presyo at trading activity.
Pagsapit ng January 22, bumagsak ang spot trading volume sa halos $68,552 (incomplete pa ang datos), o higit 95% na drop sa loob lang ng mahigit dalawang linggo. Ang data na ‘to ay spot trades lang — ibig sabihin, tunay na bentahan (swaps), hindi leveraged na taya. Kapag ganito kalaki ang ibinaba ng spot volume, madalas signal ‘yan na umatras na ang mga retail trader.
Note: Ang DEX spot volume ay nagpapakita ng organic demand para sa token dahil on-chain at mostly walang leverage, walang forced liquidation, at walang market-maker na kumokontrol.
Tumapat din ang pagbaba sa activity na ‘to sa isang technical shift.
Nawala sa Cardano ang 20-day exponential moving average (EMA) nito noong mid-January. Ang EMA ay nagbibigay ng mas malaking timbang sa recent prices kaya madalas itong gamitin para malaman kung saan papunta ang short-term trend. Sa ganitong sitwasyon, ibig sabihin naka-shift na mula buyers papunta sa sellers ang momentum.
Naging significant na indicator na ito dati para sa ADA.
Noong early October, pagkabagsak sa 20-day EMA, sunod na sumadsad ng 55% ang ADA hanggang December. Tapos nasundan ulit ng halos 25% na correction noong December 11 hanggang December 31 matapos tong MA level na ‘to ang mabasag.
Gusto mo pa ng ganitong mga update tungkol sa tokens? Pwede kang mag-subscribe sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.
Ngayon, pagkalampas ng ADA sa ilalim ng 20-day EMA, hindi nag-stabilize ang spot participation kundi lalo pang humina. Dahil mas kaunti na ang gustong bumili sa spot, mas bumagsak lalo ang presyo at nagkaroon ng opening para sa agresibong bearish trades.
Dun nagsisimula ang second layer ng kwento.
Whales Nag-a-accumulate Habang Dumadami ang Shorts sa Market
Habang umaatras ang mga spot traders, kapit naman ang mga malalaking holder.
Simula January 14, nagsimulang mag-accumulate ang mga wallet na may hawak na higit 1 bilyong ADA kahit pababa pa rin ang presyong ng Cardano. Tumaas ang combined holdings nila mula 1.92 billion ADA papuntang 2.93 billion ADA, nadagdagan ng nasa 1.01 billion ADA habang nasa correction. Pag kinecompute sa current price, nagdagdag sila ng roughly $360–$380 million kahit negatibo pa ang momentum. Pinakamahalaga, hawak pa rin nila ang ADA kahit bumagsak na nang husto ang presyo.
Sinundan din sila ng isa pang grupo ng whale. Yung mga wallet na may 10 million hanggang 100 million ADA, nagsimulang bumili noong January 17 — sakto nung tuluyan nang mabasag ang 20-day EMA ng Cardano. Nadagdagan ng 30 million ADA ang holdings nila, mula 13.61 billion ADA papuntang 13.64 billion ADA, na katumbas ng $11 million base sa kasalukuyang presyo.
Mahalaga ang timing — hindi sila bumili habang bullish pa. Parehong grupo, pumasok after mabasag ang trend at mabawasan ang spot interest; madami nang kita na bearish ang trend bago sila sumalo. Ibig sabihin, parang nagpo-position sila habang bagsak para pag bumawi, ready silang umangat, hindi para sumakay lang sa hype.
Sa kabilang banda, iba ang galaw ng derivatives traders.
Dahil nawalan ng trend support at biglang bumagsak ang spot volume, lalong naging obvious ang bearish sentiment. Pumasok dito ang mga nagsho-short sa futures, na nag-ambag ng $22.12 million sa short leverage. Sa Binance mismo, mas malaki ang short bias ng ADA ngayon — yung exposed sa short liquidation ay mga 2.5x na mas malaki kumpara sa long positions.
Mahalagang pansinin ang balanse ng mga posisyon dito.
Pag umaalis ang mga spot traders at crowded na ang shorts, pwedeng biglang gumalaw ang presyo kahit konti lang ang buyers. Yung mga whale na nag-accumulate habang ganito ang market ay kadalasang naghahanda para sa posibleng mabilis na trend reversal, o kaya forced na pagtaas ng presyo dahil sa mass liquidation ng mga naka-short.
Kaya dito napupunta ang usapan sa structure at mga support at resistance level.
Anong Cardano Price Levels ang Magpapaipit sa mga Bear?
Sa 12-hour chart, nag-breakdown talaga ang Cardano mula sa head-and-shoulders pattern noong mga January 20. Yung breakdown na ‘yon, malamang, nag-trigger ng huling bugso ng spot selling at nag-udyok din ng dami ng short position.
Pero mukhang hindi na sinusuportahan ng momentum indicators ang tuloy-tuloy na pagbaba ng presyo.
Nagsimula nang umakyat ang Money Flow Index (MFI) kahit nananatili ang presyo sa malapit sa mga recent low. Yung MFI, sinusukat nito ang lakas ng buying at selling gamit ang price at volume. Kapag tumataas ang MFI habang steady lang ang price, usually signal ‘yan na may dip buying na nagaganap imbes na panic selling. Baka ibig sabihin nito, bumabalik na ulit ang mga spot buyer lalo na pag na-break ng MFI ang pababang trendline — kaya yung mga naka-short lang talaga ang naiipit dito.
Simula na ng pressure na magli-liquidate ng short positions malapit sa $0.37. Kapag umakyat pa siya above sa level na ‘yan, mapipilitan na talaga ipasara ang maraming short position. Pag nakalagpas ng $0.39, mas malakas pa ang liquidation pressure. At kung umabot sa $0.42, halos lahat ng short exposure na pang-short term ay delikado nang maipit.
Babalik lang ang bearish sentiment kung mabasag at manatili ang ADA sa ilalim ng $0.34. Kapag tuluyan nang bumaba sa presyong ‘yan, invalid na ang stabilization scenario at baka bumalik ulit ang matinding risk na lalo pang bumagsak sa dating mga low.
Hanggang hindi pa iyon nangyayari, naiipit pa rin ang Cardano sa pagitan ng humihinang retail traders at lumalakas na tiwala ng mga whale. Baka pansamantalang umatras muna ang mga spot trader, pero base sa galaw sa ilalim, mukhang hindi pa tapos ang kilos ng market.