Sumagot si Charles Hoskinson, founder ng Cardano, sa panibagong kritisismo tungkol sa total value locked (TVL) ng network at medyo mabagal na growth ng decentralized finance (DeFi).
Noong Oct 31, kinilala ni Hoskinson ang gap sa DeFi activity ng Cardano kumpara sa mga nangungunang blockchain tulad ng Ethereum at Solana. Pero sabi niya, hindi nako-capture ng mga numero ang mas malawak na participation ng network at lakas ng governance, o pamamahala ng network.
Tumataya ang Cardano sa Bitcoin interoperability para i-unlock ang bilyon-bilyong DeFi liquidity
Kinontra ni Hoskinson ang matagal nang paniniwala na ang pagpasok ng mga major stablecoins tulad ng USDT o USDC ay automatic na magta-transform sa DeFi ecosystem ng Cardano.
“Wala pang naglatag ng malinaw na argumento at nag-explain kung paano biglang maaayos ng presensya ng isa sa mga malalaking stablecoin ang lahat ng DeFi problem ng Cardano — tipong tataas ang presyo, sobrang gaganda ang MAUs (monthly active users), TVL, at kung anu-ano pa,” sinabi niya.
Iginiit niya na hindi sapat ang pagdating ng mga ito para masolusyunan ang structural challenges ng network o para garantisado ang growth.
Ayon sa kanya, meron nang native, asset-backed na stablecoin ang Cardano gaya ng USDM at USDA na pwedeng i-mint kung kelan kailangan at bihirang mawala sa peg.
Imbes, itinuro ni Hoskinson ang ugali ng mga user bilang pangunahing dahilan kung bakit maliit pa rin ang DeFi TVL ng Cardano.
Bilang context, sinabi niya na may nasa 1.3 milyon na mga user ang network na nag-stake o nakikilahok sa governance at sama-samang humahawak ng mahigit $15 bilyon na ADA.
Pero hindi kasama sa TVL metrics ang mga numerong ‘yan at karamihan sa mga may hawak ng ADA ay passive lang, hindi active na liquidity providers.
“Masagana ang ecosystem ng Cardano. Ang daming tao na umiikot. Ang daming humahawak ng ADA, may Cardano wallets, at matagal nang nasa ecosystem natin — sa maraming kaso higit limang taon na. Pero hindi pa karamihan sa kanila tumatawid para gumamit ng DeFi sa Cardano,” sabi niya.
Dagdag niya, nagbubuo ito ng “chicken-and-egg” na loop para sa ecosystem ng Cardano. Ayon kay Hoskinson, pinipigilan ng mababang activity ng network ang mga partnership at liquidity, at dahil kulang sa external integrations, lalo pang nababawasan ang on-chain adoption.
Para labanan ang mga limitasyong ito, naglatag si Hoskinson ng multi-year roadmap na nagli-link ng DeFi growth sa real-world finance at Bitcoin interoperability.
I-ne-highlight niya ang Midnight network — isang privacy-focused na sidechain — at ang RealFi, isang microfinance platform na target ang African markets, bilang mga pangunahing initiative.
Pareho silang mag-iintegrate sa Bitcoin DeFi, para puwedeng ipa-utang ang ADA at BTC, i-convert sa stablecoins, at magamit sa real-world lending products.
Ina-expect ni Hoskinson na magdala ang kombinasyong ito ng “billions of dollars” na bagong liquidity habang humahatak sa malaking capital base ng Bitcoin. Binanggit din niya ang mga ongoing na project tulad ng Leios bilang patunay na patuloy na nag-e-evolve ang Cardano sa protocol level.
Pero inamin niya na coordination at accountability, hindi technology, ang core na issue ng Cardano.
“Hindi ito technology problem. Hindi ito node problem. Hindi ito problema ng imagination at creativity. Hindi rin ito problema ng execution. Halos kahit ano kaya nating gawin. Problema ito ng governance at coordination at sa huli, accountability at responsibility,” sabi ni Hoskinson.
Para maayos ito, nag-propose siya na magtalaga ng malinaw na responsable para sa pagpalago ng ecosystem. Nanawagan din siya ng targeted marketing at event strategies para ma-mobilize ang mga may hawak ng ADA papunta sa DeFi participation.
“Hindi kakayahan gumawa ng marketing campaign ang problema. Hindi rin kakayahan maglabas ng solid na software. Ang problema, walang taong accountable na mag-isip nito, mag-execute nito, at managot sa magiging resulta. ‘Yun ang buod ng issue. Kaya ‘yan ang kailangan nating solusyunan sa susunod na taon habang tumitingin tayo sa 2026,” aniya.