Trusted

Bakit Nag-i-invest ang Isang Chinese Logistics Giant sa TRUMP Meme Coin?

3 mins
In-update ni Сedrick Сabaluna

Sa Madaling Salita

  • Addentax Group, Isang Chinese Logistics Firm, Nakikipag-negotiate Para Bumili ng $800M Cryptoassets tulad ng Bitcoin at TRUMP Meme Coin
  • Posibleng nag-i-invest sila sa TRUMP para makaiwas sa US-China tariffs—gaya ng ginawa ng isa pang Chinese logistics company kamakailan.
  • Sa press release ng Addentax, ipinahayag nilang naka-focus sila sa Bitcoin, pero nabanggit din ang TRUMP bilang altcoin—tila bahagi ng plano para magkaroon ng strategic political advantage.

Ang Addentax Group, isang Chinese international logistics firm, ay nakikipag-negotiate para bumili ng $800 million na halaga ng cryptoassets tulad ng Bitcoin at TRUMP. Hindi malinaw kung ang pagbiling ito ay para makipag-negosasyon sa tariffs, tulad ng ginawa ng ibang kumpanya sa parehong industriya.

Sa press release ng kumpanya, walang nabanggit na ibang altcoin maliban sa TRUMP. Kung matuloy man ang deal na ito ng Addentax, hindi pa rin magiging tiyak kung anong porsyento ng $800 million ang mapupunta sa BTC o sa ibang token.

Maraming Kontrobersya sa TRUMP Meme Coin

Simula nang ipagbawal ng China ang crypto mining noong 2021, nanatiling maliit ang presensya ng industriya sa bansang ito. Pero may ilang senyales na baka lumuwag na ang mga pinataw na restriction.

Pinag-iisipan ng Addentax, isang malaking Chinese conglomerate, na mag-invest ng malaki sa crypto sa pamamagitan ng pagbili ng tokens, tulad ng meme coin ni Trump.

Bitcoin ang pangunahing bibilhin ng Addentax. Ayon sa press release nito, nakikipag-ugnayan ang Addentax sa mga hindi pinangalanang token holders na may hawak na humigit-kumulang 8,000 BTC. Magrerepresenta ito ng $800 million na investment, pero gusto pa ng Addentax na lalo pang i-diversify ang potential holdings nito.

TRUMP lang ang nabanggit na altcoin na posibleng bilhin kasama ng BTC. Nagkaroon ang anunsyo ng kaunting epekto sa presyo ng meme coin. Ang TRUMP ay bumalik sa $13 matapos bumaba sa $12.50.

Ngunit, nagkaroon ito ng negatibong epekto sa stock price ng Addentax Group. Ang ATXG ay bumagsak ng mahigit 8% mula nang ilabas ang anunsyo. Mukhang hindi pabor ang mga malalaking investor sa desisyon ng kumpanya na mag-invest sa crypto.

Addentax Group Stock Price. Source: Google Finance

May mga haka-haka rin na ang pagbili na ito ay konektado sa US-China trade deal. Ang Addentax ay nasa logistics business, na nag-aasikaso ng pag-export at import ng textile sa buong mundo. Natural lang na tamaan nang malaki ang negosyo nila ng tariffs ni Trump.

Dalawang linggo na ang nakalipas, isang cross-border logistics firm na ang bumili ng $20 million na TRUMP—tila sinusubukang dumiskarte para makaiwas sa tariffs. Kasalukuyang nasa sentro na ng kontrobersya ng political corruption ang meme coin ni President Trump, pero mukhang naging matalino ang naging desisyon ng kumpanya.

Kung bibili ng TRUMP ang isang Chinese firm, makakatulong kaya ito para maiwasan ang tariffs?

Hindi direktang tinukoy ng pahayag ng Addentax ang mga alalahaning ito. Pangunahing binanggit nito ang Bitcoin at ang pagbuo ng institutional connections sa “influential crypto holders.” Detalyado namang inilarawan ni Hong Zhida, CEO ng kumpanya, ang pananaw ng Addentax sa crypto:

“Ang inisyatibang ito ay sumusuporta sa mas malawak na blockchain strategy ng Kumpanya sa pamamagitan ng… pagpapakilala ng mga malalaking investor na may karanasan sa crypto ecosystem. Naniniwala kami na ang ilang mga sikat na na digital assets ay maaaring magsilbing stable na bahagi ng long-term investment ng Kumpanya, dahil sa kanilang liquidity at tumataas na interes ng mga institusyon nitong mga nakaraang taon,” aniya.

Pero ang hindi pwedeng magpakaila: TRUMP lang ang altcoin na binanggit ng Chinese firm—kahit puwedeng ibang token ang i-consider kung liquidity at institutional appeal lang ang habol. Ibig sabihin, may pinupuntirya silang specific.

Sa paglalagay ng milyon-milyon sa TRUMP, posibleng sinusubukan ng firm na protektahan ang core business nito habang unti-unting pumapasok sa Web3. Pero sa ngayon, bahagi pa rin ito ng mas malaking spekulasyon sa isa sa pinaka-kontrobersyal na meme coins sa history ng crypto market.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.

image-10-1.png
Si Landon Manning ay isang mamamahayag sa BeInCrypto, na sumasaklaw sa iba't ibang paksa, kabilang ang internasyonal na regulasyon, teknolohiyang blockchain, pagsusuri sa merkado, at Bitcoin. Bago ito, si Landon ay nagtrabaho bilang manunulat sa Bitcoin Magazine ng anim na taon at nakipag-ugnayan sa pagsulat ng isang newsletter na pabor sa Bitcoin na may 30,000 na subscribers. Si Landon ay may hawak na Bachelor of Arts sa Pilosopiya mula sa Sewanee: The University of the South.
BASAHIN ANG BUONG BIO