Plano ng CME Group, na pinakamalaking derivatives marketplace sa buong mundo, na ilista ang futures contracts para sa Cardano (ADA), Chainlink (LINK), at Stellar (XLM). Target magsimula ang trading sa February 9, sakaling maaprubahan ng regulators.
Magdadala ito ng regulated crypto derivatives sa mga major altcoins at mas palalawakin ang access ng mga malalaking institusyon dito. Pero, kahit may anunsyo, hindi gaano gumalaw ang presyo ng ADA, LINK, o XLM.
Pinalawak ng CME Group ang Mga Crypto Product Nila
Inanunsyo ng CME Group ang update na ito sa kanilang official post sa X (dating Twitter.) Magiging available ang bagong products nila sa standard at micro contract sizes kaya kahit mga institutional clients o retail traders puwedeng sumali.
Para sa standard contracts, kasama dito ang 100,000 ADA, 5,000 LINK, o 250,000 XLM. Sa micro contracts naman, mas maliit: may 10,000 ADA, 250 LINK, o 12,500 XLM. Mas mababa ang financial requirement ng micro options kaya mas madali ring sumali ng mas maliliit na traders sa regulated crypto trading.
“Patuloy na lumalawak ang crypto product suite namin dahil sa bagong Cardano, Chainlink, at Stellar futures. May malaking contract at micro sizes, kaya mas magiging capital efficient at flexible ang strategies mo,” post ng team.
Papasok ito sa timing na lumalaki ang demand para sa mga regulated na crypto investment. Noong 2025, nag-report din ang CME Group ng record crypto derivatives activity. Tumaas ng 139% ang average daily volume sa 278,000 contracts, na katumbas ng $12 billion sa notional value.
Ang pag-launch ng Cardano, Chainlink, at Stellar futures ay dagdag pa sa listahan ng regulated options ng CME. Kasama na dito ang Bitcoin (BTC), Ethereum (ETH), XRP (XRP), at Solana (SOL) futures at options. Kapansin-pansin na lahat ng contracts na ito ay subject pa rin sa approval ng Commodity Futures Trading Commission (CFTC), na nagpapakita ng regulatory focus ng CME.
Nagbigay ng Institutional Recognition ang CME Move sa ADA, LINK, at XLM Kahit Tahimik pa ang Presyo
Cardano, Chainlink, at Stellar, halos walang galaw ang presyo pagkatapos ng January 15 na anunsyo ng CME. Kapareho lang din ito ng mga nakaraang trend — kahit noong nag-anunsyo ng options para sa XRP at Solana, hindi rin agad gumalaw ang presyo.
Base sa BeInCrypto Markets data, bumaba ng 2.2% ang ADA sa nakaraang 24 oras, at nagtetrade ito ngayon sa $0.39. Sumadsad din ng 1.1% ang XLM sa $0.22.
Naging flat din ang LINK kung saan konti lang ang binaba, 0.49% drop lang sa $13.7. Ang pagbagsak na ito tugma sa galaw ng buong market, kasi bumaba rin ng halos 1% ang total market capitalization sa parehas na panahon.
Kahit ganito, sinasabi ng mga analyst na nagpapakita pa rin ito ng lumalaking institutional-grade recognition para sa mga asset na ito at lalo pang pinalalawak ang access ng mas maraming traders sa market.
“Ano ibig sabihin nito para sa Stellar: • Magkakaroon ng institutional-grade recognition at legitimacy ang XLM • Magbubukas ang regulated futures para sa hedge funds at asset managers • Mas malakas na liquidity, risk management, at mas mature na market • Isa pang tulay para sa TradFi at tunay na utility ng Stellar blockchain,” ayon sa Stellar-based DeFi wallet na Scopuly sa kanilang post.
Sa kabuuan, ang planong pag-launch ng CME Group ng Cardano, Chainlink, at Stellar futures ay hakbang pa para mapa-mature ang crypto derivatives market. Kahit hindi pa nito napaakyat agad ang presyo, pinapatibay nito ang lumalaking role ng regulated instruments para mapalawak ang institutional participation at mas mapalakas pa ang market infrastructure para sa mga major altcoin.