Mukhang may senyales na ng pagbalik ng demand para sa Bitcoin matapos ang medyo mahirap na buwan. Ang Coinbase Bitcoin Premium Index (CBPI) — na sumusukat kung mas mahal o mas mura ang bayad ng US investors para sa BTC sa Coinbase kumpara sa ibang exchanges sa buong mundo — ay naging positibo ngayon, unang beses sa ilang linggo.
Nangyari ito kasabay ng pagtaas ng silver sa bagong all-time high na higit $55/oz, nagpapakita na may bagong interes sa pagtaya sa mga hard asset sa iba’t ibang markets.
Ano Nga Ba Ibig Sabihin ng Pagiging Green ng Coinbase Premium?
Halos buong buwan ng Nobyembre nasa negative territory ang premium, nagpapakita ng mas mahina na demand sa US, pagtanggal ng pondo sa ETF, at humihinang liquidity.
Ngayon, ang pag-turn green nito ay nagsa-suggest na bahagyang mas mababa na naman ang binabayaran ng US spot buyers, senyales na nagiging stable na ang local demand.
Sa madaling salita, kinukumpara ng Coinbase Premium Index ang presyo ng BTC sa Coinbase (USD market) sa presyo nito sa mga pangunahing global exchanges (USDT markets tulad ng Binance).
- Positive premium → US investors na mas tumataya
- Negative premium → Mas mababang demand sa US o mas malakas na international flow
- Neutral → Balanced ang global demand
Ang pagshift into positive territory ngayon ay ipinapakita na umangat ang US spot demand sa unang pagkakataon ngayong buwan, kahit na nananatili pa rin sa matinding pagkatakot ang mas malawak na sentiment.
Importante ito dahil ang US market ay historically nangunguna sa BTC price inflection points — lalo na kapag may liquidity transitions o macro pivots.
https://x.com/KobeissiLetter/status/1994450463731675417
Relasyon ng Silver at Bitcoin
Ang pag-abot ng silver sa all-time high nito ay kapansin-pansin. Pero ang timing nito kasabay ng positive Coinbase Premium ay nagdadagdag ng interesting na behavioral layer.
Historically, mababa at hindi stable ang correlation ng BTC at Silver. Long-term correlation madalas nasa 0 to +0.3. Tumataas lang ito sa mga major na macro fear episodes at bumabagsak kapag crypto-specific factors ang nangingibabaw.
Sa ngayon, malinaw na decoupled ang BTC at Silver. Pero, ang pagkakaroon ng separation na ito ay nagpapakita ng mahalagang bagay
Kapag lumilipad nang matindi ang silver habang hindi na bumabagsak ang Bitcoin, madalas itong naghuhudyat ng pagtatapos ng fear-driven selling.
Ayon sa pattern na ito, magandang indikasyon ang pag-turn green ng Coinbase Premium. Ang tibay ng silver ay nagpapahiwatig ng mas malawak na interes sa hard assets.
Habang bumabalik sa positive ang US premium, maaring bumalik ang demand para sa Bitcoin kung saan ito nawala.
Sa kabuuan, hindi ibig sabihin nito na correlated ang mga asset ngayon — hindi.
Pero ibig sabihin nito, ang macro conditions (mga rates, liquidity, kahinaan ng dolyar) ay nagsisimula nang suportahan muli ang daloy ng “alternative assets”.