Back

Bumagsak ang Coinbase Premium ng Bitcoin sa Pinakamababa Mula Pebrero—Lulusot Ba sa Ilalim ng $80K ang BTC?

author avatar

Written by
Nhat Hoang

30 Disyembre 2025 13:44 UTC
Trusted
  • Nananatili ang $80K Support ng Bitcoin, Pero Coinbase Premium Index Nagpapakita ng Tumataas na Risk
  • Negative ang Coinbase premium at naglalabasan ang pera sa ETF—mukhang nagse-sell pressure mga US crypto investor.
  • Mas kumonti ang nagbebenta sa mga long-term holder, balik na uli sila sa pag-accumulate—may chance bang mag-rebound si Bitcoin?

Simula noong 2025, hindi bumababa ng $80,000 ang monthly candle close ng Bitcoin. Kaya hanggang ngayon, matibay pa rin itong level bilang support.

Pero, mukhang nanganganib ang support na ‘to dahil sa mga signal mula sa Coinbase Premium Index. Kahit ganito, meron pa rin nakikitang dahilan ang ilang analyst para maging optimistic, kahit mabasag pa ang level na ‘to.

Bagsak ang Bitcoin Coinbase Premium Index, Pinakamababa Mula Pebrero

Sinusukat ng Coinbase Premium Index ang price difference ng Bitcoin sa Coinbase (US) at Binance (international). Madalas, ginagamit ito para makita ang buying demand ng US institutional investors.

Kapag naging negative ang index, ibig sabihin, mas malakas ang selling pressure mula sa US. Malaki ang impact nito sa pagbaba ng presyo ng BTC.

Bitcoin Coinbase Premium Index. Source: CryptoQuant.
Bitcoin Coinbase Premium Index. Source: CryptoQuant.

Ayon sa CryptoQuant, noong December 30, nasa -0.14 ang index. Ito na ang pinakamababang level simula pa noong February.

Halos buong December, 16 na araw sunod-sunod na negative ang index. Sa panahon na ‘yon, hindi nag-close sa ibabaw ng $90,000 ang weekly candle ng Bitcoin.

Dahil dito, iniisip ng mga analyst na mukhang hindi pa nabubuo ang bottom ng Bitcoin. Walang malinaw na senyales ng paghinto ng selling pressure mula sa US investors.

“Ang pinakamalaking indicator na naabot na ang local bottom ay kapag bumalik na uli ang Coinbase premium,” ayon kay investor Johnny sa kanyang post.

Noong February, halos ganito rin kabilis bumagsak ang index kaya nabasag ang $80,000 support ng Bitcoin. Pero mabilis din nag-recover ang price pagkatapos nun.

Kaya posibleng maulit din ngayon yung ganitong scenario dahil sa malalim na negative reading ng index.

Sa December din, dalawang buwan na sunod-sunod na negative ang ETF flows. Pero, mas maliit na ang ETF outflows ng December kumpara noong nakaraang buwan.

Bitcoin Spot ETF Net Inflow. Source: SoSoValue.
Bitcoin Spot ETF Net Inflow. Source: SoSoValue.

Noong February at early March 2025, napansin din ang ganitong patterns. Pwede nitong ipakita na hindi pa rin totally tumitigil ang selling ng US investors, pero mas mahina na ito kumpara dati.

Dahil sa ganitong setup, baka magkaroon ng chance ang Bitcoin para maka-recover. Posible pa ring mag-rebound kahit pansamantalang bumaba pa sa $80,000 ang price.

Samantala, nagbabawas na ng selling pressure ngayon ang mga long-term holders (LTHs). Nagsisimula na uli tumaas ang supply nila.

Long-term holders (LTHs) Supple Change. Source: CryptoQuant
Long-term holders (LTHs) Supple Change. Source: CryptoQuant

Ayon sa CryptoQuant, mula late December nag-shift na ang LTH supply mula sa pagbebenta papunta sa accumulation. Nasa 10,700 BTC ang nailipat sa long-term holding. Ito ang unang positive sign mula sa LTHs simula pa nang tumigil silang magbenta noong July.

“Sa ngayon, sobrang konti pa lang ang pagbabago pero hindi ito maliit na bagay…Kalimitan, ganitong mga shift ang nauuna bago mag-consolidation o bullish recovery, depende sa overall trend,” komento ng analyst na si Darkfost sa X.

Sa madaling salita, record low pa rin ang Coinbase Premium Index at tuloy ang ETF outflows. Pero, nagbibigay naman ng pag-asa ang mga long-term holders. Pwedeng bumaba pa sa $80,000 ang BTC kung magpapatuloy ang selling pressure. Pero, pwedeng mag-rebound ang presyo anumang oras.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.