Malakas ang suporta ng mga kilalang tao sa crypto industry, kabilang na ang CEO ng Coinbase na si Brian Armstrong at ang co-founder ng Gemini na si Cameron Winklevoss, para sa bagong tatag na Department of Government Efficiency (D.O.G.E).
Inanunsyo ito sa ilalim ng pamumuno ni President Donald Trump, at layunin nitong baguhin ang ekonomiya ng US sa pamamagitan ng pagtugon sa mga inefficiencies sa burukrasya. Pinangungunahan nina Elon Musk at Vivek Ramaswamy ang departamento.
Mga Lider ng Crypto, Suportado ang D.O.G.E Initiative para I-streamline ang Governance sa US
Noong Nobyembre 17, binigyang-diin ni Coinbase CEO Brian Armstrong ang transformative potential ng D.O.G.E. Inilarawan niya ito bilang isang natatanging pagkakataon para mapalakas ang economic freedom sa United States habang binabawasan ang laki ng gobyerno.
“Mga henyo ang mga founding fathers pero (nang may kababaang-loob) baka nakaligtaan nila ang mga adverse incentives na nagpapalaki sa sukat ng democratic government sa paglipas ng panahon (nananalo sa eleksyon sa pamamagitan ng pag-promote ng mas maraming libreng bagay),” isinulat niya.
Kaya, iminungkahi ni Armstrong ang mga pagbabago sa konstitusyon para masiguro ang pangmatagalang epekto ng D.O.G.E. Nagmungkahi siya ng mga hakbang tulad ng pag-cap sa total government spending sa 10% ng GDP o pag-align ng incentives para itaguyod ang fiscal discipline. Tumukoy si Armstrong sa ideya ni Warren Buffett na hindi dapat muling mahalal ang mga mambabatas na bumoto para sa unbalanced budgets.
Binigyang-diin din ng CEO ng Coinbase ang pangangailangan para sa flexibility sa panahon ng mga krisis, tulad ng mga digmaan, habang pinapahalagahan ang pangmatagalang kontrol para maiwasan ang sobrang paggastos. Iminungkahi pa ni Armstrong ang paglikha ng isang sovereign wealth fund, kung saan magkakaroon ng share ang bawat mamamayan. Aniya, ito ay magpapalakas ng fiscal accountability at public engagement sa paggawa ng pinansyal na desisyon.
Gayundin, ipinahayag ni Gemini co-founder Cameron Winklevoss ang kanyang optimism tungkol sa D.O.G.E, binigyang-diin niya ang potensyal nito na tugunan ang inflation at financial inequality. Inilarawan niya ang inflation bilang isang “hidden tax” na labis na nakakaapekto sa mga sambahayan na mababa ang kita.
Naniniwala si Winklevoss na sa pamamagitan ng pag-target sa inefficiency at waste, maaaring magkaroon ng mahalagang papel ang D.O.G.E sa pagbawas ng inflation at pag-ease ng economic pressure sa vulnerable communities. Binigyang-diin niya na mahalaga ang mga repormang ito para masiguro ang mas equitable na financial system.
“Mahalaga ang DOGE hindi lang sa pagkontrol sa absurd government spending. Magreresulta ito sa pagbaba ng inflation na isang silent tax sa lahat ng Amerikano na kumukumpiska ng yaman at regressive din, na pinakaapektado ang mga taong mababa ang kita,” isinulat ni Winklevoss.
Samantala, iminungkahi naman ng isa pang lider ng industriya, ang Chief Legal Officer ng Ripple na si Stuart Alderoty, ang isang area ng focus para sa departamento. Ayon sa kanya, dapat imbestigahan ng DOGE ang mga inefficiencies sa paggastos sa loob ng Securities and Exchange Commission (SEC). Partikular niyang kinuwestiyon ang paggamit ng pera ng mga taxpayer sa ilang inisyatibo ng SEC, tulad ng isang public video series na kasama si SEC Chair Gary Gensler.
“Puwede bang magbigay kayo ng estimate kung magkano ang nasayang na pera ng mga taxpayer dito?,” tinanong ni Alderoty.
Disclaimer
Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.