Back

Bakit ‘Di na Sapat ang Kawalan ng Retail Para Sabihing Malapit na ang Market Bottom

author avatar

Written by
Kamina Bashir

25 Disyembre 2025 05:19 UTC
  • Nawawala na ang gana ng mga retail sa crypto, lalo na habang papatapos ang taon.
  • Iba ang basa ng mga analyst: Yung iba, tingin nila na kapag wala masyadong retail na interesado, senyales na ng bottom. Sa iba naman, parang nagbabago na lang talaga ang ugali ng mga tao sa crypto.
  • Institusyon Na ang Nauunang Pumapasok, Crypto Pinapalitan na mula Sa Pangsugal Hanggang Infrastructure

Patuloy na nababawasan ang mga retail na sumasali sa cryptocurrency market sa cycle na ‘to, at lalo pang humihina ang interest habang papatapos na ang taon.

Kahit may ilang analyst na tingin nila ay classic bottom signal ang paghina ng retail engagement, meron ding nagsa-suggest na malalim na ‘to — parang nagkaroon ng cultural at social shift kung saan hindi na talaga crypto ang nasa spotlight ng mga investor ngayon.

‘Di Nga Ba, Signal na Ba ng Dulo ang Wala Nang Paki si Retail, o Panibagong Phase Na ‘To?

Nagdulot ng matinding pagbaba ang downturn sa crypto market, kaya maraming analyst ang nagsasabi na posibleng nasa bottom na ang market. Base ‘to sa iba’t ibang factors gaya ng on-chain data, technical patterns, at pati na rin sa pagbabago ng kilos ng mga investor. Madalas, pinapansin nila ang paglayo ng mga retail bilang senyales na malapit na bumaliktad ang market.

Ayon sa mga analyst na nagbibigay ng opinyon, madalas sumabay ang sobrang pessimisstic na market at kaunting sumasali sa retail sa mismong mga bottoms. Kaya ganito rin ang basa ng iba ngayon—na baka turning point na naman ‘to.

“Sa taas pumapasok ang mga retail, hindi sa baba, kaya kung wala ang mga retail ngayon ibig sabihin hindi pa to market top—baka pa nga ito ang nabubuong market bottom,” sabi ng isang analyst.

Pero lumalabas sa mga bago at recent na data na may nagbago na talaga. Sa post ni analyst Luc, tinutukan niya na mas malalim na raw ang paglayo ng mga retail trader ngayon. Sabi niya,

“Cultural na issue na ‘to. Social shift na din. Lahat ng atensyon nailipat na.”

Isa sa mga malinaw na senyales ay bagsak na talaga ang interest sa mga crypto content platforms. Halimbawa, isang kilalang crypto YouTuber na may 139,000 subscribers ang umamin na pinakamababa na raw ang views ngayon, sa loob ng limang taon.

Maging yung mga sikat na crypto influencer, lumilipat na rin sa pag-focus sa traditional equities. Pinapakita ng mga trend na ‘to na hindi lang simpleng retracement — kundi talagang nawawala na ang attention.

Para sa mga mas batang investors, nagbago na rin ang pananaw nila. Hindi lang crypto ang option ngayon — may prediction markets at mga crypto stocks na mas madaling i-access at mas mababa pa ang risk ma-rug pull.

“Lagi nang mas nagiging accessible ang mga investment. Mapa-COIN na nagdadagdag ng stock trading, HOOD na may 0DTE options, o prediction market na sobrang dali lang puntahan… Lahat andiyan na—at hindi mo na kailangang mag-alala na marug pull ka dahil sa ‘lawless’ na crypto worlds na dati naging dahilan bakit attractive ang crypto,” kwento ni Luc sa kanyang post.

Kamailan lang, nag-report ang BeInCrypto na marami sa mga bagong investor ngayon mas gusto ang gold at silver kesa sa crypto, lalo na habang tuloy-tuloy ang inflation at malabo pa ekonomiya. Isa pa ‘tong sign ng mas malawak na pagbabago sa henerasyon.

Lalong nasisira ang imahe ng crypto dahil sa dami ng hacks at scams. Sabi ng Chainalysis, umabot na sa mahigit $3.4 billion ang nalugi sa crypto mula January hanggang early December lang.

Mas dumami ang security incidents sa yugto na ‘to, at mas nagiging techie at lupit na ang mga scammers para makakuha ng pondo at mangloko ng users.

“Ngayon, parang nakakahiya nang umamin na nagka-crypto ka pa. Sobrang daming scam, pati yung mga degen dyan hirap na sumalo. Yung mga bata mas gusto na magtrabaho sa AI at iba pa. Karamihan wala na talagang trip sa crypto, lalo’t hindi naman tayo nakabawi after ng luna, ftx, at sunog na jpeg drama ng 2022,” kwento ni Kate, isa pang market watcher, sa kanyang post.

Nag-iiba ang Galaw ng Market Dahil sa Pasok ng Mga Institusyon

Habang humihina ang retail interest, mga matitibay na finance firms naman ang lumalakas ang presence sa crypto. Ayon kay Aishwary Gupta ng Polygon Labs, institutions na raw ang may halos 95% ng papasok na pera sa crypto, habulang ang retail participation nasa 5–6% na lang.

Mula sa pagdami ng digital asset treasuries (DATs) hanggang sa pagpasok ng mga big finance institutions sa crypto space, nagiging institution-driven na talaga ang market. Pero, parang double-edged sword ‘to.

Oo, nakakadagdag ng legitimacy at mas madali na mag-invest, pero ang dating charm ng sector, dito ‘yung mga taong gusto makatakas sa traditional finance. Kung mas lalo pang humataw ang institutions pwedeng mawala ‘yung core reason na yun.

“Pero kung kasama na rito yung mga legacy brokers tulad ng Schwab/JPMorgan pati interest ng gobyerno, baka mawala na ang crowd na nagpasikat sa crypto noon?” tanong ni Luc.

Kinilala ni Luc na may ganitong patterns na rin dati tuwing bear market. Pero gusto niya i-highlight — may mga bagong bagay ngayon na “nagbabago sa laro.”

“Parang nasa transition phase ang crypto… mula sa momentum asset patungo sa infrastructure asset,” dagdag pa niya.

Kung totoong lumiliit na ang retail participation, ang tanong na lang — sapat ba ang mga real-world crypto utility para mapunan ang pagbaba ng demand sa speculation? Unti-unti nang naa-adopt ang blockchain sa payments, supply chains, at decentralized finance.

Pero hindi pa rin klaro kung kaya nitong ibalik ang hype na nakita dati sa mga nakaraang market cycles. Papalapit ang 2026, kaya mas malilinawan pa tayo kung ang trend na ‘to ay pansamantala lang o tuloy-tuloy na pagbabagong malaki sa crypto.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.