Sinentensyahan ng isang federal judge sa US ang isang Chinese national ng halos apat na taon sa kulungan dahil sa paglahok niya sa pagli-launder ng lampas $36.9 milyon na galing sa crypto investment scam.
Malaking hakbang ito pagdating sa enforcement dahil pinapaigting ngayon ng US authorities ang pagtugis sa mga sindikatong gumagawa ng cryptocurrency fraud.
Silipin: $36.9 Million na Crypto Scam, Paano nangyari?
Ayon sa pahayag ng US Attorney’s Office para sa Central District ng California, kabilang si Jingliang Su, 45-anyos na Chinese national, sa isang international criminal network. Niloko ng grupo ang 174 na US victims gamit ang fake na digital asset investment scheme.
Sabi ng mga prosecutor, kinontak ng grupo ang mga biktima gamit ang unsolicited na social media messages, tawag sa telepono, text messages, at maging sa online dating platforms. Pinapaasa muna nila ang mga tao bago bentahan ng fake na investment opportunity.
Gumamit ang mga scammer ng pekeng websites na kahawig ng mga tunay na crypto trading platforms, para mahikayat ang mga biktima na magpadala ng pera. Ninakaw ng mga scammer ang pera habang niloloko ang mga biktima na tumataas kuno ang kanilang investment.
“Mukhang maganda sa una ang mga bagong investment opportunity, pero meron din itong madilim na side: hinahatak nito ang mga criminal katulad ng nangyari dito, kung saan nanakawan at nilo-launder ng sindikato ang milyun-milyong dolyar mula sa mga biktima,” ayon kay First Assistant United States Attorney, Bill Essayli, sa kanyang statement.
Gumamit ang operasyon ng matinding sistema para mag-launder ng pera. Tinatayang mahigit $36.9 milyon mula sa mga biktima ang nailipat mula sa mga US bank account na hawak ng grupo papunta sa isang account lang sa Deltec Bank sa Bahamas.
Ginawang Tether (USDT) ang mga pondo at pinadala sa mga digital wallet na kontrolado sa Cambodia. Doon, nilipat ng mga kasabwat ang USDT papunta sa iba’t ibang scam operation sa rehiyon.
Inanunsyo rin ng authorities na nakakulong na si Su sa federal prison simula pa noong December 2024. Umamin siya nitong June 2025 sa kasong conspiracy sa pagpapatakbo ng illegal na money transmitting business.
Noong Martes, hinatulan ni US District Judge R. Gary Klausner si Su ng 46 na buwan sa federal prison. Bukod pa rito, inutusan din siyang bayaran nang mahigit $26 milyon bilang restitution.
Bukod kay Su, walong kasabwat ang umamin din sa kaso. Kabilang dito sina Jose Somarriba at ShengSheng He, na masing-kinulong ng 36 at 51 buwan.
Pinapakita ng modus na ito ang pattern ng tinatawag na “pig butchering” scams, kung saan matagal munang kinakaibigan at kinukuha ang tiwala ng biktima bago sila tuluyang gawing target ng scam. Kapansin-pansin na patuloy na dumadami ang mga ganitong scam lately.
Noong October, sinampahan ng kaso ng US prosecutors ang Cambodian national na si Chen Zhi dahil sa pagpapatakbo umano ng forced-labor “pig butchering” crypto scams na nanloko raw ng bilyon-bilyong dolyar mula sa mga biktima sa buong mundo.
Sa isang ulat nitong 2025, sinabi ng Chainalysis na nananatiling nangunguna ang high-yield investment programs (HYIP) at pig butchering scams sa volume ng crypto fraud ngayon. Tinatayang lagpas $17 billion na ang nalugi sa industriya dahil sa mga scam at fraud na ito nitong taon.