Umabot sa record high ang crypto-related theft ngayong 2025, lumobo sa mahigit $4.04 billion ang nawala base sa annual security report ng PeckShield.
Ipinapakita ng pagtaas na ito na mas lumalalim pa ang kalokohan ng mga hackers at mas malala ang mga security problem na kinakaharap ngayon sa mundo ng crypto.
2025 Crypto Security Report: Lumalaki ang Nawawala, Lalong Bumaba ang Nababawi na Asset
Tumaas ng 34.2% ang losses ngayong 2025 kumpara sa $3.01 billion na ninakaw noong 2024 at halos 55% naman ang inakyat mula sa $2.61 billion ng 2023.
Kahit nabawasan ang mga insidente ng crypto-related security breaches ngayong 2025, mas malaki pa rin ang total value ng nanakaw. Ito ang nagpapakita na mas onti pero mas malalaking atake ang nangyayari ngayon.
“Naging record-breaking talaga ang 2025 pagdating sa crypto-related theft, dahil sa mga matitinding butas sa centralized infrastructure at ang matalino nang pag-shift ng hackers sa targeted social engineering,” ayon sa PeckShield.
Sa Crypto Security Annual Report, nakasaad na exploits pa rin ang pinaka-madalas na ginawang paraan ng pagnanakaw — 66% ng total losses galing dito. Madalas, gawa ito ng mga problema sa smart contract, mga na-compromise na private key, o malware at infrastructure hacks. Umabot sa mga $2.67 billion ang nanakaw dito, mas mataas ng 24.2% kumpara noong nakaraang taon.
Pumangalawa naman ang mga scam sa pinamalaking losses. Sabi ng PeckShield, nasa $1.37 billion ang nalugi sa mga scam ngayong 2025, mas malaki ng 64.2% kumpara noong isang taon.
Binigyan-diin din ng report ang lumalaking epekto ng mga social engineering na style tulad ng phishing at pagpapanggap (impersonation), na sumalo ng 12% ng total nalugi. Iba ito kasi hindi system o blockchain code ang tinitira, kundi direktang pinapaikot ang mga users.
Malayo pa rin ang narerecover na halaga kumpara sa nanakaw na crypto. Nasa $334.9 million lang ang nabawi o na-freeze ngayong 2025 — mas maliit ito kaysa sa $488.5 million na narecover noong 2024. Pinapakita nito na mas gumagaling na mag-launder ang mga nagnanakaw.
Pinakamatitinding Crypto Heist ng 2025, Nilista ng PeckShield
Nilista din ng report ang sampung pinakamalalaking crypto theft ngayong 2025 — mula sa ilang milyon hanggang lagpas $1 billion ang nawala kada insidente. Ilan sa pinaka-trending na kaso:
- Bybit: Ang pinakamalaking hack sa kasaysayan ng crypto, kung saan nakuha ng Lazarus Group ng North Korea ang mahigit $1.4 billion mula sa exchange.
- Libra Token: Mataas na profile na rug pull kung saan umabot sa halos $251 million ang losses ng mga investors.
- Cetus Protocol: Isang decentralized exchange sa Sui blockchain na nalugi ng mahigit $200 million sa isang atake lang.
- Nobitex: Pinakamalaking crypto exchange sa Iran, nawalan ng tinatayang $81.7 million matapos i-exploit ng grupong Gonjeshke Darande (Predatory Sparrow).
Sa monthly data, hindi pantay-pantay ang labanan: Pinakamatindi ang nanakaw noong February 2025 — $1.77 billion! Malaki ang nawala dito dahil sa Bybit hack. Sa October naman, pinakamababa na nasa $21.6 million lang ang nakuha. Pero pagdating ng November, umakyat na naman ang nanakaw.
Tuloy-tuloy ang trend na ito hanggang 2026. Sa loob pa lang ng unang 13 araw ng taon, dalawang major na exploit na agad ang tumama sa crypto industry. Una, ang Truebit exploit at sumunod ang social engineering attack na target ang mga users ng Betterment investment platform.