Back

3 Token Unlock na Dapat Bantayan sa Unang Linggo ng January 2026

sameAuthor avatar

Written & Edited by
Kamina Bashir

05 Enero 2026 07:00 UTC
  • Mag-u-unlock ngayong week ang $657M na crypto tokens, pinangungunahan ng HYPE, ENA, at APT
  • Nangunguna ang Hyperliquid sa $330M Unlock, Sinundan ng Ethena ($42.9M) at Aptos ($21.9M)
  • Maaaring gumalaw ang presyo kapag nag-unlock ng token at dumami ulit ang supply sa market.

Mahigit $657 million na crypto tokens ang papasok sa market ngayong darating na pitong araw. Kapansin-pansin dito na tatlong malalaking ecosystem — Hyperliquid (HYPE), Ethena (ENA), at Aptos (APT) — ang maglalabas ng bagong token supply sa unang bahagi ng January 2026.

Magdadagdag ng fresh liquidity sa market ang mga token unlock na ito at posible ring magdulot ng matinding galaw at volatility sa presyo. Heto ang detalyadong dapat abangan sa bawat project.

1. Hyperliquid (HYPE)

  • Unlock Date: January 6
  • Bilang ng Tokens na Iu-unlock: 12.46 million HYPE
  • Released Supply: 345.08 million HYPE
  • Total Supply: ~1 billion HYPE

Ang Hyperliquid ay isang mabilis at decentralized na perpetual futures exchange na gawa sa sarili nitong Layer 1 blockchain. Meron itong on-chain order books, mabilis na execution, at non-custodial trading na hindi mo na kailangan ipaubaya sa ibang tao ang tokens mo.

Maglalabas ang project ng 12.46 million tokens na tinatayang nasa $330.51 million ang value sa January 6. Katumbas nito ang 3.6% ng kasalukuyang released supply.

HYPE Crypto Token Unlock in January
HYPE Crypto Token Unlock sa January. Source: Tokenomist

Lahat ng unlocked tokens ng Hyperliquid ay mapupunta sa mga core contributor ng project. Kasunod ito ng pag-release din nila ng 9.92 million tokens noong nakaraang linggo.

2. Ethena (ENA)

  • Unlock Date: January 5
  • Bilang ng Tokens na Iu-unlock: 171.88 million ENA
  • Released Supply: 7.24 billion ENA
  • Total Supply: 15 billion ENA

Ang Ethena ay isang synthetic dollar protocol na naka-build sa Ethereum (ETH). Ang main na produkto nila ay USDe, isang synthetic dollar stablecoin. Bukod dito, ang ENA ay ginagamit bilang governance token ng protocol — ibig sabihin, dito bumoboto ang mga user para sa direksyon at mga desisyon ng Ethena. Alamin pa rito.

Ngayong araw din magre-release ng 171.88 million ENA tokens ang team. Nasa $42.91 million ang halaga nito, at katumbas ng 2.37% ng released supply.

ENA Token Unlock in January
ENA Token Unlock sa January. Source: Tokenomist

Sa unlocked supply ng ENA, 93.75 million ay mapupunta sa mga core contributor. Habang makakakuha naman ang mga investors ng 78.13 million ENA.

3. Aptos (APT)

  • Unlock Date: January 11
  • Bilang ng Tokens na Iu-unlock: 11.31 million APT
  • Released Supply: 1.62 billion APT
  • Total Supply: 2.6 billion APT

Ang Aptos ay isang Layer 1 blockchain na focus sa speed, scalability, at security. Gumagamit ito ng Move programming language at parallel execution para mas mabilis ang transactions. Sinusuportahan din ng Aptos ang Web3 apps tulad ng DeFi, NFTs, gaming, at consumer apps.

Maglalabas ang Aptos ng 11.31 million tokens sa January 11. Tuloy-tuloy ang monthly cliff unlocks nila, at nasa $21.94 million ang value ng batch na ito. Katumbas nito ang 0.70% ng released supply.

APT Crypto Token Unlock in January.
APT Crypto Token Unlock sa January. Source: Tokenomist

Sa batch na ‘to, 3.96 million APT ang mapupunta sa core contributors. Para naman sa community at investors, 3.21 million at 2.81 million tokens ang mapupunta sa kanila, habang 1.33 million tokens ay ilalaan sa foundation.

Bukod dito sa tatlo, may mga bagong token supply ring papasok mula sa Linea (LINEA), Movement (MOVE), at IOTA (IOTA) — at ilan pang projects — ngayong linggo.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.