Sinabi ni Changpeng Zhao, founder ng pinakamalaking crypto exchange sa mundo na Binance, na magiging default na pera ng mga AI agents ang cryptocurrency. Binanggit niya ito sa isang panel discussion sa World Economic Forum sa Davos.
Kasama niya sa discussion ang mga executive mula sa ING Group, BNY Mellon, at Primavera Capital Group, kung saan ibinahagi ni CZ ang vision niya tungkol sa magiging pagsasanib ng blockchain technology at AI na may potential baguhin ang global finance.
AI Agents Magta-Transact na Gamit ang Crypto
Ipinunto ni CZ na isa ang artificial intelligence sa tatlong mga bagong sector na puwedeng lumihis at magbago ng takbo ng finance.
“Cryptocurrency ang magiging native na currency ng AI agents,” sabi ni CZ. “Magiging pinaka-natural na technical interface ng mga AI agents ang blockchain.”
Kinilala rin niya na limitado pa ang AI tech ngayon pagdating sa totoong gamit. “Medyo malayo pa ang AI ngayon — hindi pa niya kayang mag-book ng flight mo o magbayad ng lunch mo,” sabi niya. “Pero kapag umabot na tayo roon, lahat ng bayad mo, dadaan na sa crypto.”
Pinapakita ng prediction na ito na marami nang interesado sa industriyang pinag-uusapan ang pagkakabit ng AI at blockchain, lalo na habang dumadami ang mga system na kailangan ng mabilis at programmable na payment solutions.
Tokenization at Payments Pasok Sa Top 3 Trend Ngayon
Bukod sa AI, binanggit din ni CZ na may malaki ring potential ang tokenization at payments. Tungkol sa tokenization, nagse-share siya na kausap niya ang iba’t ibang government representatives.
“Ngayon, may mga discussions ako sa mahigit dose-dosenang gobyerno tungkol sa asset tokenization strategies. Dito, puwedeng makakuha agad ng kita ang gobyerno at matulungan mag-upgrade ng mining, trading, at iba pang sector,” pahayag niya.
Pero, aminado siya na hanggang ngayon, hindi pa nila nasosolusyunan ang payment. “Sinubukan na rin namin, pero hindi pa namin nabibigyan ng sagot nang maayos,” sabi ni CZ. “Para mas malinaw, hindi pa talaga ganun ka-grabe ang pagpasok ng crypto sa payments.”
Nagkakaroon na raw ng progress gamit ang hybrid solutions — kumbaga, nagbabayad ang users gamit cards habang crypto ang nababawas sa wallet nila, tapos fiat money naman ang natatanggap ng merchant. “Kapag buo na ang mga bridges na ‘yun, ibang klase ang pagbabago sa payments,” predict niya.
Binance: Ilan Talaga ang Laki at Galawan?
Nag-share din si CZ ng data tungkol sa scale ng Binance para ipakitang talagang pasok na pasok na ang crypto sa mainstream.
Ang exchange ngayon ay may 300 million users worldwide — na ayon kay CZ, “mas marami pa siguro kaysa sa anumang bangko na kilala ko.” Hindi lang naging mas mataas ang trading volume ng Binance kaysa sa Shanghai Stock Exchange, in-overtake din nito ang trading volume ng New York Stock Exchange nu’ng isang taon.
Pinagmalaki rin niya kung gaano katibay ang platform nila kahit kaliwa’t kanan ang problema sa market. Noong December 2023, pagkatapos ng pagbagsak ng FTX at mga matitinding issue noong panahong iyon, nagawa ng Binance na magproseso ng $7 billion na withdrawals sa loob ng isang araw nang walang aberya. Umabot pa sa $14 billion ang kabuuang withdrawals nun’g linggo na yun, fully operational pa rin ang platform.
“Sa traditional banking, wala pa akong alam na bangko na kaya mag-survive kung ganyang kalaki ang wini-withdraw,” sabi ni CZ. Sinabi niyang dahil ito sa full-reserve model ng crypto kumpara sa fractional-reserve ng banks.
Ano ang Malamang Mata-tanggal o Hindi Kakayanin
Diretsahan din siyang nagbigay ng opinyon sa mga bagay na baka hindi tumagal.
Ang Bitcoin payments, kahit matagal nang sinusubukan, halos walang pinagbago. “Kung tinanong mo ako 10 taon na nakakaraan, sasabihin ko sana Bitcoin payments. Pero ngayon, after 10 years, malayo pa rin tayo,” kwento niya.
Bilib din siya na baka magaya ang memecoins sa NFTs. “Pakiramdam ko, baka kantahin ng memes ang parehong kwento,” sabi niya tungkol sa NFTs na “biglang sumikat, tapos mabilis ding nawala.” Kahit may mga projects gaya ng Dogecoin na baka patuloy na mabuhay dahil sa culture, “feeling ko karamihan sa memecoins, hindi tatagal.”
Hindi rin ligtas ang physical bank branches — posibleng malaki ang ibagsak nito, ayon kay CZ, habang nagiging standard na rin ang digital KYC at online finance services.
Kalakaran ng Mga Batas Para sa Crypto
Tungkol naman sa regulasyon, sinabi ni CZ na iba-iba pa rin ang crypto rules kada bansa. May 22-23 licenses daw ang Binance sa iba’t ibang bansa, pero karamihan, wala pa ring malinaw na framework.
Nagsa-suggest siya ng mga tinatawag na regulatory “passport” — na kung may lisensya ka na sa isang bansa, pwedeng i-recognize ito ng ibang bansa. Mas madali daw itong gawin kaysa magtayo ng panibagong global regulator.
“Pare-pareho naman ang crypto sa lahat ng lugar. Hindi na dapat kailangan gawan ng bago para lang sa bawat bansa,” sabi niya.