Back

Pwede Bang Mag-Rally ng 550% ang Privacy Coin na DASH? Charts ang Bahala!

author avatar

Written by
Ananda Banerjee

14 Enero 2026 10:00 UTC
  • Lumilipad ang presyo ng DASH pero kulang pa rin sa trading volume—bullish pa rin ang overall trend.
  • Parang inuulit ng EMA alignment ang dating 550% rally—pero ngayon, mas malakas ang pumasok na kapital.
  • Mas balanced na leverage, mas mababa ang chance ng squeeze habang tinatry i-test ng DASH ang matinding resistance malapit $69.

Biglang umingay ulit ang Dash (DASH) sa crypto market. Umangat ng mahigit 30% sa loob ng nakaraang 24 hours ang privacy-focused na coin na ‘to, at up din nang lagpas 33% ngayong linggo. Umabot pa ito saglit sa $68 bago bumalik ang presyo. Kahit nag-pullback na, mas malakas pa rin magperform ang presyo ng DASH kumpara sa ibang crypto, kaya parang may momentum pa rin imbes na pagod na ang galaw.

Kaso, hindi din naging smooth lahat sa rally na ‘to. May mga indicator na nag-wa-warning na kailangan pang makumpirma ang galaw bago tuluyang lumipad ulit ang Dash. Pero, meron ding ilang signal na halos hawig sa structure nga dati nang magka-550% rally ito.

Walang Suporta sa Volume ang Pag-akyat ng Presyo, Kaya Nagka-Pullback

Unang nagbigay ng warning yung On-Balance Volume (OBV), isang volume-based indicator na sinusukat kung mas maraming bumibili o nagbebenta. Ina-add ng OBV ang volume kapag up ang presyo, at binabawas naman kapag pababa, kaya maganda siyang pang-check kung talagang may demand sa galaw ng price.

Doon sa daily chart ng Dash, makikitang pababa ang trend ng OBV simula pa mid-November, at bumubuo ito ng pababang trendline. Nung nag-rally at umabot sa $68 ang price, tumaas nga ang presyo pero hindi sumabay ang OBV at ‘di nabasag yung trendline. Ibig sabihin, dito naipit ang DASH kahit mukhang tuloy-tuloy na sana.

Volume Failure
Volume Failure: TradingView

Gusto mo pa ng insights sa ibang token tulad nito? Pwedeng mag-sign up sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.

Sa simpleng paliwanag, tinulak ng mga buyer pataas ang presyo pero hindi sinabayan ng volume, kaya walang sapat na kumpirmasyon yung move. Hindi ibig sabihin nito na fake ang rally, pero expected talaga na magka-pullback muna sa short term. Para makabawi ang presyo ng DASH, kailangan pa ring humabol ang volume balang araw.

Mukhang Mas Malakas ang Money Flow Ngayon Kumpara sa Huling 550% Fractal

Kahit hindi sumasabay ang OBV, mas promising naman ang galaw ng trend structure ni Dash. Sa January rally na ‘to, na-reclaim ng presyo ng DASH lahat ng major exponential moving averages (EMAs) sa daily chart. Ang EMA ay isang indicator na mas mataas ang bigay na timbang sa recent prices, kaya mas maganda para makita agad kung may pagbabago sa trend kumpara sa standard moving average lang.

Ngayon, nagte-trade ang Dash sa ibabaw ng 20, 50, 100, at 200-day EMA nang sabay-sabay. Huling nangyari ‘to noong October, bago mag 550% na rally ng Dash sa mga sumunod na linggo.

Pero may malaking kaibahan ngayon. Noon, malakas lang talaga ang sentiment ng market nung rally dahil halos sabay-sabay lumilipad ang privacy coins gaya ng Zcash, at sobrang volatile ng Chaikin Money Flow (CMF) — madalas bumabagsak sa ilalim ng zero. Ang CMF ay indicator na tumitingin kung papasok o palabas ang capital gamit ang price at volume.

Money Flow Could Lead To An Explosive DASH Price Breakout
Money Flow Could Lead To An Explosive DASH Price Breakout: TradingView

Ngayon, nasa ibabaw ng zero ang CMF at nagko-consolidate malapit sa pababang trendline. Kapag nabasag nito yung trendline pataas, ibig sabihing tuloy-tuloy na pumapasok yung capital, hindi lang panandaliang hype. Kapag nangyari yun, malaki ang chance na rally na driven talaga ng structure ng market, hindi lang hype.

Balanced ang Leverage, Kontrolado ang Risk Habang Pinag-uusapan ang Presyo ng DASH

Makikita naman sa derivatives data na hindi pa crowded yung rally. Sa Bybit alone, almost balanced pa rin ang long at short positions para sa DASH/USDT perpetual pair. Halos magkapareho ang liquidation levels: mga $5.28 million ang long leverage at $5.47 million sa short leverage.

Ibig sabihin, walang immediate squeeze na mangyayari na magtutulak bigla sa presyo pabalik o pataas.

Minimal Leverage Risk
Minimal Leverage Risk: Coinglass

Dahil dito, may natural na galaw pa rin ang presyo ng DASH. Ang malaking resistance zone ay nasa $61-$69 — area na nawala ang presyo ng DASH noong November at hanggang ngayon, hindi pa nababawi. Kung tuluyang mabasag at ma-hold ‘yung $69, posibleng umakyat ang target hanggang $77, tapos $104, na halos 73% upside mula sa current price.

Sa kabila naman, kapag bumaba sa $51 ang presyo, madi-damage ang bullish structure. Kapag nag-breakdown pa lalo, posible namang bumalik ang presyo ng DASH sa $35 area kung mas lalala pa ang market.

DASH Price Analysis
DASH Price Analysis: TradingView

Mukhang may rason naman yung pagbaba ng presyo ng Dash dahil mahina ang volume na sumuporta. Pero kung titignan mo yung buong setup, maganda pa rin ang itsura nito. Ang alignment ng EMA ngayon ay halos pareho noong nagkaroon ng 550% na rally dati, at mas healthy na ang capital flow ngayon kumpara dati sa panahon na yun. Kung mag-confirm yung volume at CMF, pwedeng hindi na kailangan ng positive sentiment para muling tumaas ang presyo ng DASH.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.