Trusted

Detroit, Tatanggap na ng Crypto Payments para sa Buwis at Iba Pang Bayarin

4 mins

In Brief

  • Detroit, papayag na gamitin ang crypto para sa buwis sa 2025, i-ma-manage sa platform ng PayPal.
  • Ang inisyatibo ay naglalayong palakasin ang tech innovation at financial inclusivity sa Detroit.
  • City naghahanap ng mga blockchain projects, proposals pasahan by December 15, 2024.

Sa susunod na taon, tatanggap na ng cryptocurrency ang Detroit para sa buwis, ayon sa mga opisyal na nagbunyag ng plano ng lungsod na tumanggap ng crypto payments para sa mga bayarin sa munisipyo.

Mina-manage sa secure platform ng PayPal, ang detroit na ang pinakamalaking US city na tumatanggap ng digital assets payment para sa mga transaksyong komersyal.

Ang Lungsod ng Detroit, Tumatanggap na ng Crypto Para sa Pagbabayad ng Buwis

Ang bagong payment option, na ilo-launch sa kalagitnaan ng 2025, ay parte ng mas malawak na strategy para gawing hub ng technological innovation at economic growth ang Detroit. Binigyang-diin ni Mayor Mike Duggan ang kahalagahan ng pagbabagong ito. Tinuturing niya ito bilang isang milestone sa journey ng Detroit na maging isang forward-thinking, tech-friendly city.

“Bumubuo ang Detroit ng isang technology-friendly environment na nage-empower sa mga residente at negosyante,” ikaw ni Detroit Mayor Mike Duggan. Excited kami na maging isa sa mga unang major US cities na mage-explore ng blockchain civic applications at maga-allow sa mga residente na gamitin ang kanilang cryptocurrency bilang payment option,” ibinahagi ni Duggan.

Hindi lang basta innovation ang pagtanggap ng Detroit sa cryptocurrency payments. Effort din ito para gawing mas accessible at financially inclusive ang city services. Ang bagong PayPal-managed platform ay tatanggap ng popular na cryptocurrencies tulad ng Bitcoin (BTC) at Ethereum (ETH). Bukod pa rito, automatic nitong iko-convert ang payments sa US dollars, na isang epektibong paraan para ma-mitigate ang mga risk sa price volatility ng crypto.

Ang experience ng PayPal sa crypto ay nagdadagdag ng stability. Bilang napiling platform provider, dala ng PayPal ang valuable expertise sa project. Pumasok ang payment giant sa cryptocurrency market noong October 2020, na nag-allow sa US users na bumili, humawak, at magbenta ng assets tulad ng Bitcoin at Ethereum sa loob ng app.

Read more: How To Buy PayPal Stablecoin (PYUSD)

Simula noon, steadily nag-expand ang PayPal ng kanyang crypto offerings, at nag-launch pa ng US dollar-backed stablecoin, ang PYUSD, noong August 2023. Ang track record na ito ay nagbibigay ng confidence sa city officials na ang platform ng PayPal ay mage-ensure ng secure at stable na payment experience para sa mga residente ng Detroit.

Binigyang-diin ni Treasurer Nikhil Patel ang mga benepisyo ng initiative para sa mga residente at city operations. Sabi niya, inaasahan ng city na mas mapapadali ng bagong system ang pagbabayad. Ayon kay Patel, magre-reduce din daw ito ng costs na may kinalaman sa cash transactions at magiging mas accessible ang payments sa mas maraming residente.

Pakikipagtulungan sa mga Innovator para sa Blockchain Civic Solutions

Active din ang Detroit sa paghahanap ng proposals mula sa blockchain entrepreneurs at developers para sa mga collaboration sa civic projects. Si Justin Onwenu, ang bagong appointed Director of Entrepreneurship and Economic Opportunity ng city, ang nangunguna sa outreach effort na ito.

Naniniwala ang administration ng Detroit na ang blockchain ay may importanteng role sa pag-enhance ng transparency, data security, at efficiency sa city operations.

“Ang blockchain technologies ay may potential na mag-drive ng greater accessibility, efficiency, transparency, at security at excited kami na marinig mula sa mga entrepreneurs na nasa forefront ng trabahong ito,” sabi ni Onwenu.

Kaya naman nag-open ang city ng invitation for proposals na humihikayat sa developers na mag-submit ng kanilang mga ideya bago mag-December 15, 2024. Ang mga projects ay ie-evaluate base sa kanilang potential na mapadali ang mga serbisyo, maging kapakipakinabang para sa mga residente, at mag-contribute sa economic revitalization ng Detroit.

Nakasama na ang Detroit sa isang pili pero lumalaking grupo ng mga U.S. government entity na tumatanggap ng cryptocurrency para sa mga pampublikong payments. Ang mga states tulad ng Colorado, Utah, at Louisiana ay nag-implement na ng crypto options para sa state taxes at fees, pero standout ang Detroit bilang pinakamalaking city na yumakap sa approach na ito. Ang desisyon nila ay maaaring magsilbing model para sa iba pang major cities na nag-iisip ng parehong mga initiative.

Sa pag-integrate ng crypto payments, ipinapakita ng Detroit ang willingness nilang mag-adopt ng mga emerging technology at mag-position bilang leader sa municipal blockchain applications. Ang shift na ito ay nangyayari sa isang mahalagang panahon, kasabay ng positive stance ng kasalukuyang administrasyon sa crypto industry, ayon sa BeinCrypto.

“Dahil sa presidency ni Trump, umaangat ang crypto. Ngayong naghahanda ang Detroit na tumanggap ng crypto payments para sa taxes, posible bang sumunod na rin ang ibang US cities?,” sabi ng LADT sa isang Medium post.

Basahin: How To Fund Innovation: A Guide to Web3 Grants

Optimistic na ang mga experts sa potential ng industry na umunlad sa ilalim ng panibagong administration. Inaasahan nila ang mas maraming opportunities para sa innovation at global legitimacy ng crypto sa ilalim ng presidency ni Trump.

“Magiging mas maganda na ang regulatory treatment sa DeFi — wala nang harassment at posibleng ma-enable pa ang mga bagay tulad ng fee switches o network-based dividends,” sabi ng isang user sa X dito.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.

lockridge-okoth.png
Lockridge Okoth
Si Lockridge Okoth ay isang mamamahayag sa BeInCrypto, na nakatuon sa mga kilalang kumpanya sa industriya tulad ng Coinbase, Binance, at Tether. Tinatalakay niya ang iba't ibang paksa, kabilang ang mga pag-unlad sa regulasyon sa desentralisadong pinansya (DeFi), desentralisadong pisikal na imprastraktura ng mga network (DePIN), mga tunay na ari-arian sa mundo (RWA), GameFi, at mga cryptocurrency. Noong una, nagsagawa si Lockridge ng pagsusuri sa merkado at teknikal na pagsusuri ng mga...
READ FULL BIO