Patuloy na naiipit ang presyo ng Dogecoin. Bumaba ang token ng nasa 2% nitong nakaraang 24 oras at mahigit 12% sa loob ng isang buwan. Naghina ang price action, pero nagiging mas mabagal na ang pagbagsak nito.
Kahit mukhang bearish pa rin ang galaw sa charts, may mga indikasyon sa on-chain activity na baka hindi pa totally tapos ang pagbagsak. Sa susunod na ilang araw, malalaman kung lalalim pa ang bagsak ng DOGE o mag-stabilize na lang muna ito malapit sa kasalukuyang presyo.
Napipressure ang Presyo ng Dogecoin Habang Umaalis ang Mga Holder sa Short Term
Nagtitrade ngayon ang Dogecoin malapit sa pinakailalim ng pababang price structure, kung saan nagfo-form ang bear flag. Delikado pa rin para sa mas mababang galaw lalo na kapag biglang bumigay ang support sa $0.124-$0.120. Pero ang kapansin-pansin dito, ibang klase umasta ang mga speculative holder habang dahan-dahang bumababa ang presyo.
Gusto mo pa ng ganitong klase ng token insights?Mag-subscribe sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.
Malaki ang binawas ng exposure ng grupo na nagho-hold lang nang 1 linggo hanggang 1 buwan, na kadalasan ay pinaka-aggressive pagdating sa swing trading, ayon sa HODL Waves metric. Binabase ng metric na ito kung gaano katagal hinahawakan ng mga holder ang DOGE nila.
Noong November 29, kontrolado ng group na ito ang halos 7.73% ng kabuuang supply ng Dogecoin. Pagdating ng December 23, bumaba na ito sa 2.76%. Ibig sabihin, malaki talaga ang binawas nila sa speculative positions sa maikling panahon.
Mahalaga ito kasi kadalasan, pag natakot ang grupo na ito, nila-lakasang bumenta kaya lalong nadadagdag sa pagbagsak ng presyo. Yung mga ganitong paglabas nila ng DOGE ay karaniwan ding nakakatulong na mabawasan ang forced selling pressure kapag nasa support levels na.
Habang Tahimik ang Market, Nagdadagdag ng Bagong Coins ang mga Long-Term Holder
Habang nababawasan ang speculative supply, unti-unti namang kumikilos ang mga long-term holder na mag-accumulate ng DOGE. Yung grupo na nagho-hold ng 1 taon hanggang 2 taon, tinaasan nila ang share nila sa Dogecoin supply mula sa 21.84% papuntang 22.34%. Maliit lang ang dagdag pero mahalaga ang signal nito.
Kadalasan lang kasi sila nagdadagdag ng hawak kapag naniniwala na silang lumiit na ang risk na babagsak pa lalo ang presyo.
Sinusuportahan din ng on-chain activity na gamit ang spent coins metric ang analysis na ‘yan. Malaki ang binaba ng coin movement kasi bumagsak and activity ng spent coins – mula sa 251.97 million DOGE naging 94.34 million DOGE na lang. Lagpas 60% ang binaba sa circulation.
Mas mababang coin activity, ibig sabihin mas kaunti ang nagmamadaling maglipat o magbenta ng tokens. Madalas sa history, kapag bumabagsak nang ganito ang activity, sumususnod dito ang short-term relief rally sa Dogecoin. Noong unang bahagi ng December, ganito rin ang naging senaryo bago nag-rally mula $0.132 papuntang $0.151 – halos 15% na pag-angat sa loob lang ng tatlong araw.
Hindi ibig sabihin nito guaranteed na magra-rally uli, pero pinapakita lang na ‘di na ganon ka-aggressive ang mga nagbebenta ngayon kumpara dati.
Dogecoin Price Levels na Magdi-decide Kung Babagsak o Makakabawi
Nasa maliit na price range ngayon ang technicals. Pinaka-importante ang $0.120 level bilang malapitang support. Kapag nag-close ng matibay sa daily chart na mas mababa diyan, may chance na lumalim pa ang bagsak ng presyo ng Dogecoin hanggang $0.112 o baka bumaba pa kung sumabay ang momentum.
Para sa potential recovery, kailangan ng DOGE maibalik sa trading above resistance. Kapag bumalik uli above $0.133, magandang signal na nun na humihina na ang selling pressure. Kapag na-recover pa ang $0.138, mas malakas ang signal na bumabalik na yung buyers at yung recent na pagbaba, corrective move lang at ‘di panibagong major na bagsak.
Sa madaling salita, nasa risky spot ngayon si Dogecoin. May threat pa rin sa price base sa chart, pero mukhang lumalabas na yung mga speculative na hawak tapos unti-unti nang pumapasok ang mga long term holders. Mababa na rin yung overall na galawan ng coin. Kung hindi mabasag ang support level, pwedeng maging mas stable yung presyo dahil sa mga signs na ‘to. Pero kung bumagsak ang support, tuloy pa rin yung possibility ng breakdown.