Nakakuha na ng go signal mula sa US Securities and Exchange Commission ang Depository Trust & Clearing Corporation (DTCC) para mag-test ng regulated tokenization service.
Isa itong malaking hakbang para mapalapit pa ang mundo ng traditional finance (TradFi) sa decentralized finance (DeFi). Posibleng makinabang din dito ang iba’t ibang assets sa crypto market.
Inaprubahan ng SEC ang Asset Tokenization ng DTCC
Sa isang recent na announcement, sinabi ng DTCC na ang subsidiary nila na The Depository Trust Company (DTC) ay nakakuha ng No-Action Letter mula sa SEC. Ibig sabihin, pwede na nilang i-tokenize ang mga real-world asset na naka-custody sa DTC base sa kasalukuyang federal securities laws. Inaasahang sisimulan nila ang service na ito sa ikalawang kalahati ng 2026.
Pinapayagan ng No-Action Letter ang DTC na mag-offer ng tokenization service sa unang tatlong taon. Sa panahong ‘to, pwede silang mag-issue ng blockchain-based na versions ng ilang traditional securities, kung saan yung digital tokens ay meron pa ring parehong ownership rights, investor protection, at legal na entitlements na tulad ng regular securities.
Ayon sa DTCC, para lang ito sa isang limitadong group ng highly liquid na assets — kasama dito ang equities na kasali sa Russell 1000 index, exchange-traded funds na sumasabay sa major benchmarks, pati na US Treasury bills, notes, at bonds.
“Malaki ang potensyal ng pag-tokenize sa US securities market; pwedeng magkaroon ng matinding benefits tulad ng mas mabilis gumalaw ang collateral, bagong paraan ng trading, 24/7 na access, at programmable assets. Pero mangyayari lang ito kung malakas ang foundation ng market infrastructure para ma-welcome itong panibagong digital era,” sabi ni Frank La Salla, President at CEO ng DTCC, sa isang pahayag.
Alin sa mga Altcoin ang Pwedeng Kumita Dahil sa Tokenization Service ng DTCC?
Pinunto rin ng DTCC na meron silang approval para magbigay ng “limited production environment tokenization service sa piling mga blockchain.” Kapansin-pansin na wala pa silang specific na blockchain network na pinili para sa service na ito.
Dahil dito, maraming crypto enthusiasts ang excited at curious kung aling mga ecosystem ang pwedeng makinabang kapag pumasok na talaga ang DTCC sa tokenization. Heto ang tatlong altcoin na malaki ang chance na sumabay sa hype:
1. Ethereum (ETH)
Sobrang malaki ang tsansa na Ethereum ang piliin dito. Ayon kay Matthew Sigel, Head of Digital Assets Research ng VanEck, “99% chance” raw na Ethereum ang pipiliin ng DTCC para sa tokenization service nito.
Sumusuporta naman sa pananaw na ‘to ang mga on-chain data. Naka-record nung December 12 na nasa $18.48 billion na ang total value ng tokenized real-world assets, at mga 66% nito ay galing sa Ethereum.
Pinapakita rin ng data mula sa RWA.xyz na nasa $12.2 billion na RWA tokens ang nandoon ngayon sa Ethereum, kaya siya ang top public blockchain pagdating sa segment na ‘to.
Matibay din ang posisyon ng Ethereum dahil naipakita na nito ang kakayahan sa tokenized assets, tapos panalo pa sa security at dami ng developers. Gumamit na rin dati ng Ethereum ang DTCC sa ilang projects nila.
Dahil dito, pwedeng makuha ng Ethereum ang transaction fees at liquidity sa tokenized securities at mas mapabilis ang pagiging pangunahing layer para sa global finance.
2. Chainlink (LINK)
Sunod na possible contender dito ang Chainlink. Kilala ang Chainlink bilang connective layer ng on-chain at off-chain systems, na swak sa gusto ng DTCC na regulated ang tokenization, ayos ang data integrity, at maganda ang interoperability. Malaking bagay dito ang oracle infrastructure nila, cross-chain features, at proof-of-reserve solutions – bagay na kailangan para sa mga institutional use case.
Matagal na rin may partnership ang DTCC at Chainlink. Noong 2023, nag-collab ang dalawang company para sa blockchain interoperability project ng SWIFT. Collab details dito.
Noong September 2025, nag-partner ang Chainlink kasama ang DTCC at 24 pang finance institutions para ayusin ang mga mababagal na proseso pagdating sa corporate actions. Dahil dito, lalong tumibay ang support sa Chainlink at tumaas ang optimism ng community.
3. Ondo Finance (ONDO): Crypto na Mainit ang Hype Ngayon
Ang panghuling project na ito ay Ondo Finance. Leader itong Ondo pagdating sa tokenized stocks base sa kabuuang value — hawak nila ang $361.2 million, na katumbas ng 51.64% ng $699.51 million market para sa tokenized public equities.
Lalo pang lumakas ang Ondo matapos silang makalusot sa dalawang taon na investigation ng SEC. Dahil umangat din ang market share nila ng 12.67% nitong nakaraang 30 days, mukhang kaya rin nilang ma-handle ang pagdami ng institutional investors na papasok.
Kaya habang tuloy-tuloy ang initiative ng DTCC, posibleng maka-benefit ang tatlong networks na ‘to kung maisasama sila. Pwede nitong mapalakas ang credibility nila, mapalalim ang liquidity, at mapatibay ang real-world use case ng kada ecosystem.
Sa point-of-view ng market, kung tuloy-tuloy ang pag-adopt ng mga institution sa tokenized securities, malaki ang pwedeng maging epekto nito sa price performance long-term. Hihigit pa ang on-chain activity, tataas ang transaction volume, at pwedeng maging mas pasok na sila sa regulated finance infrastructure — na siguradong makakatulong sa demand para sa ETH, LINK, at ONDO.