First time simula pa 2022, bumagsak ang US Dollar Index (DXY) sa ilalim ng 96, at nabasag pa yung 15-year support line na matagal nang nagpapalakas sa dollar mula pa 2011.
Nangyari ang matinding pagbagsak na ‘to kasabay ng bagong pahayag ni President Donald Trump at dahil din sa iba’t ibang macroeconomic factors. Napansin din ng marami na ang pinakabagong pag-slide ng DXY ay nagdadala ng pag-asa na baka pumalo pataas ang Bitcoin (BTC).
Bagsak ang US Dollar Index (DXY) sa Pinakamababang Level sa Loob ng 4 na Taon
Kasalukuyang napipressure ang US Dollar Index dahil sa mga importanteng ganap sa macroeconomics. Usap-usapan na baka mag-intervene na naman ang Japan sa yen—tumaas tuloy ang halaga ng JPY at humina naman ang greenback.
Sa kabilang banda, bumabalik na ulit ang mga pangamba tungkol sa stability ng mas malaking market. Base sa isang report mula sa Euractiv, sinabi ni IMF Managing Director Kristalina Georgieva sa isang event ng think tank na Bruegel sa Brussels na pinapalakas ngayon ng IMF ang kakayahan nilang i-model yung mga “unthinkable events” at maghanda ng action plan.
Nang tanungin kung kabilang dito ang posibilidad ng malawakang pag-pullout mula sa mga dollar-denominated assets, sinabi niya na tinitingnan ng IMF ang “lahat ng klase ng scenarios” bilang parte ng analysis nila ngayon.
Pati yung latest comments ni President Trump, nagpabigat pa lalo sa dollar. Nasa Iowa siya nang sabihin sa media na tila bale-wala mga nangyayari sa US dollar at sinabing, “ok naman ang dollar.”
“No, I think it’s great…I think the value of the dollar, look at the business we’re doing. The dollar’s doing great,” sabi niya.
Pagkatapos ng comments na ‘yon, sunod-sunod pa lalo ang pagbaba ng DXY—pinakamalaking one-day drop magmula noong usapin ng tariff at matinding volatility noong April. Ayon sa market data, bumagsak ang index sa 95.5 na siya na mismong pinakamahina simula February 2022, bago mag-settle sa 96. Nabutas din nito yung matagal nang support level na umiiral simula 2011 pa.
Importante ang susunod na tatlong araw. Kapag nag-close yung monthly candle sa ilalim ng 15-year trendline, inaasahan ng mga analyst na lalong hihina pa ang dollar.
Anong Ibig Sabihin ng Bagsak ng DXY Para sa Bitcoin?
Matagal nang kilala na may baliktaran na relasyon ang US dollar at Bitcoin, base sa maraming analysis. Ang pinaka-kapansin-pansin ngayon, tuwing bumabagsak sa ilalim ng 96 yung DXY, kalimitan nauuna ito bago umarangkada pataas ang Bitcoin, base sa previous data.
Ayon sa mga analyst, nangyari na ito ng dalawang beses—noong 2017 at 2020—at parehong nagresulta sa matinding pag-angat ng presyo ng Bitcoin.
Dagdag pa rito, pinapakita ng technical analysis na bullish ang signals para sa Bitcoin. Napansin ni Bitcoin Vector yung nabubuong bullish divergence sa pagitan ng Bitcoin price at relative strength index (RSI). Isa itong pattern na nagpapahiwatig na humihina na yung sell pressure.
Sabi sa post, ang mga ganitong setup sa halos parehas na timeframes dati ay nagresulta sa gains na nasa 10%, kaya mukhang posibleng bumalik ulit sa $95,000 level yung Bitcoin.
“Ang totoong signal, nasa confluence: kung sabay-sabay na tumaas ang Network Fundamentals at Liquidity habang nananatiling mataas ang BTC Dominance, posible na dito na magsisimula ang malaking bullish reversal,” ayon sa post.
Pero may ilan ding analyst na nagsa-suggest na baka may ilang suunod pang pagbaba para sa pinakamalaking crypto. Sa huli, nakasalalay pa rin kung magtutuloy ang rally ng Bitcoin kung magkakaroon ng confirmation mula sa currency markets at sa mas malaking risk assets sa mga darating na linggo.