Bagsak ang performance ng Ethereum (ETH) noong 2025 kumpara sa expectations ng market, kaya hindi masyadong mataas ang excitement ng mga tao dito. Pero ayon kay Kevin Rusher, founder ng RAAC, mali kapag puro presyo lang ang tinitignan—marami ka pang mamimiss na mas malaki sa kwento ng Ethereum.
Sabi ni Rusher, baka ang 2026 na ang taon na biglaang magulat ang buong market sa Ethereum. Ang dahilan? Bumibilis ang institutional adoption, at lumalaki rin ang gamit nito sa stablecoins, tokenized assets, at payments.
Lahat Tutok sa Presyo ng ETH, Pero Iba ang Pinagmumulan ng Totoong Growth ng Ethereum
Nabawas halos 10% ang presyo ng Ethereum noong 2025, lalo na nung huling quarter dahil sa matitinding lugi. Pero maganda agad ang simula ng January 2026 dahil may naitalang bahagyang pag-angat ang presyo ng coin.
Ayon sa BeInCrypto Markets data, nalampasan na ng Ethereum ang $3,000 na presyo. Sa loob ng 24 oras, tumaas na ng 1.76%. Sa ngayon, nasa $3,030 ang trade ng ETH.
Laging trending at napaguusapan ang mga galaw ng presyo, pero sabi ni Rusher, maraming tao ang nakakalimot sa tunay na malaking trend ngayon: mas dumadami ang institutional adoption ng Ethereum.
“Habang sobrang tutok ang ibang analysts sa presyo ng ETH, hindi nila nakikita yung matinding institutional adoption na unti-unting ginagawa ang Ethereum na bagong king sa crypto,” sabi ni Rusher.
Pinaliwanag ng executive na hawak ng Ethereum ang malaking bahagi ng mabilis lumaking sectors sa crypto. Noong Pasko, umabot na sa $59 billion ang stablecoin issuance sa network, na pinapalakas lalo ang dominance ng Ethereum. Sa market share, mahigit 62% nito ay hawak ng Ethereum—malayo sa kahit anong kalaban sa blockchain.
Mas Pinalakas ng mga Tokenized Asset ang Pwesto ng Ethereum
Lalong tumitibay ang bullish trend dahil sa tokenized asset sector. Napag-report ng BeInCrypto na kahit lugmok ang market, matindi pa rin ang paglago ng real-world assets (RWAs) noong 2025.
Marami ring industriya experts at Crypto Twitter ang optimistic sa 2026, at ini-expect nilang tuloy-tuloy pa rin ang lakas ng sector na ‘to.
Base sa data ng RWA.xyz, nasa $12.5 billion na ang tokenized assets sa Ethereum ngayon—over 65% ng market yan. Sabi pa ni Rusher, ang pinakamalapit na kalaban, BNB Chain, ay nasa $2 billion lang. Ang Solana at Arbitrum, less than $1 billion bawat isa. Kaya kapag lumaki pa ang sector ngayong taon, pwedeng mas lumamang pa ang Ethereum.
“Actually, nitong holiday period lang, lagpas $4 billion na ang tokenized gold sa Ethereum—eh $1 billion lang yan sa simula ng taon. Halos puro sa Ethereum nangyayari ang matinding gold rush pagdating sa tokenized gold. At dahil pati central banks at mga investors nag-uunahan na pumasok, isang direksyon lang pupuntahan ng growth na ‘to: pataas,” dagdag niya.
Capital Flows Nagpapakita ng Trip ng Mga Malalaking Player
Sinabi rin ni Rusher sa BeInCrypto na kahit parang mahina ang excitement sa presyo ng ETH, iba ang istorya pagdating sa galaw ng kapital. Noong 2025, ang inflows sa Bitcoin ay kalahati nalang kumpara sa 2024. Pero sa Ethereum, dumoble naman ang inflows.
Gamit ang data mula sa State Street research, kinausap ng executive na 6% ng asset managers ay may at least 5% ng portfolio nila sa Ethereum, kumpara sa 5% lang ng asset managers na ganito rin kalaki ang exposure sa Bitcoin.
Sa huli, binanggit ni Rusher ang report ng Artemis na nagpapakita na steady ang pagtaas ng B2B stablecoin payments sa Ethereum mula August 2024 hanggang August 2025.
“Sa madaling salita, kung may nagba-bet pa rin sa Bitcoin bilang growth asset para sa 2026, baka mabigla sya kapag nakita yung matinding growth na mangyayari sa Ethereum. Stablecoins, tokenization, at payments ang magtutulak dito—lahat ng ‘yan, grabeng tinatangkilik na ngayon ng institutions,” ani niya.
Hindi lang si Rusher ang bullish sa Ethereum. BitMine chairman Tom Lee nag-express din ng kumpiyansa dito. Sa isang interview, sinabi ni Lee na pwedeng umabot ang ETH ng $7,000 hanggang $9,000 pagsapit ng 2026—ibig sabihin, posibleng tumaas ng 130% hanggang 200% mula sa current level nito.
Sakto na medyo mahina ang galaw ng presyo ng Ethereum nitong 2025, pero ayon sa mga datos, palaki pa nang palaki ang role nito sa digital asset economy. Kung magiging sunod-sunod nga ba ang pagtaas ng presyo sa 2026, abangan natin habang lumalalim pa ang taon.