Back

Ano nga ba ang Nagbago sa Ethereum Fusaka Upgrade?

sameAuthor avatar

Written & Edited by
Mohammad Shahid

04 Disyembre 2025 22:33 UTC
Trusted
  • Pinalaki ng Fusaka ang Block Capacity at Blob Space para sa Rollups, Bababa ang Fees Kasama ng Panahon
  • Pinapagaan ng PeerDAS ang Node Operation, Pinalalakas ang Decentralization at Security
  • Mas pinalakas ng upgrade ang pundasyon ng Ethereum para sa malawakang adoption at pangmatagalang halaga ng ETH.

Kakatapos lang ng Ethereum sa Fusaka upgrade, isang hard fork na ginawa para ihanda ang network sa mas malakihan at mas murang paggamit. Mukha man itong technical, pero tinatamaan nito ang pinaka-puso ng Ethereum — kung paano ini-store ang data, paano ito pumapasok sa mga blocks, at paano nakikipag-interact ang mga Rollups tulad ng Arbitrum, Base, at Optimism sa main chain. 

Para sa mga may hawak ng ETH, itong upgrade ang bubuo ng base para sa mas murang fees, mas efficient na network, at mas matibay na ecosystem sa long-term.

Mas Malawak na Network, Mas Maraming Space

Pangunahing pagbabago ay kung paano hinahandle ng Ethereum ang data. 

Kada transaksyon, NFT mint, DeFi swap, o Layer-2 batch ay nangangailangan ng block space, at hanggang ngayon, limitado lang ang space na iyon. Ang Fusaka ay nagpapataas ng kapasidad ng Ethereum para ma-carry ng blocks ang mas maraming impormasyon sabay-sabay. 

Hindi nito instant na pinapabilis ang chain, pero tinatanggal nito ang pressure kapag tumaas ang demand, gaya ng sa market volatility o sikat na token launches. 

Sa madaling salita, kayang sumalo ng Ethereum ng mas maraming activity nang hindi nahihirapan.

Mas Mura ang Rollups Dahil sa Pinalawak na Blob Capacity

Malaking bahagi ng Ethereum traffic ngayon ay galing sa Rollups. Ang mga network na ito ay nagba-batch ng libu-libong user transactions at sine-settle ito sa Ethereum bilang compressed data na tinatawag na “blobs.” 

Bago ang Fusaka, limitado ang blob space. Kapag tumaas ang demand, tumataas ang fees. Ang Fusaka ay nag-expand ng available na space para sa blob submissions at nag-iintroduce ng flexible system para itaas o ibaba ang kapasidad na hindi kailangan ng full upgrade. 

Habang nasusulit ng rollups ang bagong space, makakaranas ang users ng mas murang transaction costs at mas smooth na application activity. 

Simple lang ang end goal: mas maraming transactions, mas kaunting abala.

Ang Pagpapaliwanag sa Ethereum Fusaka Upgrade. Source: X/Bull Theory

PeerDAS: Mas Madaling Paraan Para Mag-verify ng Data

Isa pang malaking improvement ay kung paano ang pag-verify ng Ethereum nodes ng data. Dati, kailangan ng nodes i-download ang malalaking parte ng block data para ma-confirm na wala ni isa mang nawawala o tinatago. 

Pinapakilala ng Fusaka ang PeerDAS, isang sistema na sinusuri ang maliliit, random na piraso ng data imbes na ang buong load. 

Para itong pag-inspect ng warehouse sa pamamagitan ng pagbukas ng ilang random na kahon kaysa sa pag-check sa bawat isa. 

Nakakabawas ito ng bandwidth at storage requirements para sa validators at node operators, ginagawa itong mas madali — at mas mura — para sa mas maraming tao na magpatakbo ng infrastructure. 

Ang mas malawak na base ng validator ay nagpapalakas ng decentralization, na sa huli rin ay nagpapalakas sa seguridad at tibay ng Ethereum.

Mas Malaking Block Capacity, Mas Mabilis na Transaksyon

Kasama ng pag-angat ng kapasidad, tinaas din ng Fusaka ang block gas limit. Ang mas mataas na limitasyon ay nangangahulugan na mas maraming trabaho ang puedeng magkasya sa loob ng bawat block, na nagpapahintulot ng mas maraming transactions at smart-contract calls na isetle nang walang delay. 

Hindi nito pinapabilis ang block speed, pero pinapataas nito ang throughput. Ang DeFi activity, NFT auctions, at high-frequency trading ay magkakaroon ng mas maraming space para huminga sa peak hours.

Mas Pinadaling Wallet Support at UX Upgrades sa Hinaharap

Kasama rin sa Fusaka ang mga pagpapabuti sa cryptography at virtual machine ng Ethereum. Nagdadagdag ang upgrade ng suporta para sa P-256 signatures, na ginagamit sa modernong authentication systems, kasama na ang mga nasa likod ng password-less login sa smartphones at biometric devices. 

Binubuksan nito ang daan para sa mga future wallets na mas kahawig ng Apple Pay o Google Passkeys kaysa sa mga seed-phrase-based na apps. Sa paglipas ng panahon, pwede nitong gawing mas simple ang pag-access sa Ethereum para sa mainstream users.

Ano ang Epekto ng Fusaka sa mga ETH Holder

Ang epekto para sa ETH holders ay dahan-dahan pero may halaga. Dapat bumaba ang fees sa Layer-2 networks habang lumalawak ang data capacity. Hindi na rin dapat maging madalas ang network congestion. Mas maraming validators ang maaaring sumali dahil sa mas mababang hardware demands. 

Ang pinaka-importante, may room na ngayon ang Ethereum na lumago nang hindi isinasakripisyo ang seguridad o decentralization. Kung tumaas ang adoption, tataas din ang settlement volume nito — at kasama na rito ang papel ng ETH bilang asset na nagbibigay-kapangyarihan, gumagarantiya, at nagsesettle ng lahat sa itaas nito.

Upgrade Para sa Stability, Hindi Paandar

Hindi binabago ng Fusaka ang ekonomiya ng Ethereum o ginagawang biglang deflationary ang ETH, pero pinalalakas nito ang pundasyong kakailanganin para sa hinaharap na demand. Ang mas murang rollup fees ay nag-aanyaya ng paggamit. 

Ang mas scalable na base layer ay umaanyaya sa mga developers. Ang mas accessible na node environment ay naghihikayat ng mas marami pang makilahok. Ito ang mga structural na upgrades na unti-unting nagbabago ng network sa paglipas ng panahon.

Pinapalawak ng Ethereum ang highway, pinapabuti ang toll system, at ginagawang mas madali para sa mga bagong driver ang sumali. Iyon ang tunay na kahulugan ng Fusaka — isang tahimik na pagbabago pero may matagalang epekto. 

Habang lumalawak ang Layer-2 networks at dumadami ang mga applications, ang mga epekto ay dapat lumipat mula sa technical discussion patungo sa user experience, transaction cost, at sa huli, ang halaga ng ETH mismo.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.