Back

Ethereum Whales Nagbuhos ng $1.3B Dahil sa ERC-8004 Hype — Pero May Isang Metric na Humaharang sa Rally

sameAuthor avatar

Written & Edited by
Ananda Banerjee

28 Enero 2026 07:30 UTC
  • Mas Pinalakas ng ERC-8004 ang AI ng Ethereum, Pero Mabigat Pa Rin ang Sentiment Kaya Walang Agad na Galaw
  • Nag-accumulate ng $1.3B ETH ang mga whale habang nag-stabilize ang RSI, smart money ‘di naghabol ng momentum
  • Pwede umakyat ng $4,170 ang Ethereum, pero kailangan pa ng sabay na kumpiyansa at galaw ng smart money.

Nabigyan nanaman ng pansin ang Ethereum matapos ilabas ang ERC-8004, isang bagong standard na nakatuon sa AI na layuning bigyan ng on-chain identity, reputation, at validation ang mga autonomous na agent. Sa unang tingin, parang dapat itong magdala ng mas magandang vibes sa market. Matapos nito, tumaas ang presyo ng Ethereum ng halos 2.5% sa nakaraang 24 oras.

Pero iba ang kwento ng mismong market. Kahit sumakay na ang mga malalaking holders at naging stable ang presyo, patuloy pa rin na mababa ang kumpiyansa ng mga tao. Ang lumalaking gap sa pagitan ng tuloy-tuloy na development at market confidence ang magiging dahilan ng susunod na galaw ng Ethereum.

ERC-8004 Update: Bakit ‘Di Pa Nililipad ng AI Upgrade ang Ethereum Presyo?

Gawa ang ERC-8004 para suportahan ang mga decentralized AI agent na binibigyan ng portable na on-chain identity, reputation history, at validation. Sa madaling salita, tinutulungan nito ang mga machine na magkapaniwalaan at makapag-transact kahit walang centralized na platform. Malaking hakbang ito para sa long-term na role ng Ethereum sa AI space.

Pero nagpapakita ang sentiment data na hindi ganito kainit ang market reaction kumpara sa huling malaking upgrade cycle ng Ethereum.

Gusto mo pa ng mga ganitong token insights? Mag-subscribe sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.

Nung naging live sa mainnet ang Pectra upgrade nitong May 2025, biglang tumalon ang positive sentiment sa Ethereum. Noong araw ng launch, nasa 259 ang positive sentiment score. Pagkalipas ng tatlong araw, sumirit ito sa 610—halos 135% ang itinaas. Nauna pa ‘yung jump na ‘yan bago ang tuloy-tuloy na rally ng Ethereum hanggang August, na sumabay din nang maabot ng sentiment ang yearly high sa 749.

ERC-8004 Fails To Lift Sentiment
ERC-8004 Fails To Lift Sentiment: Santiment

Sobrang layo ngayon sa nangyaring ‘yon. Sa ERC-8004 rollout, halos 18 lang ang positive sentiment score ng Ethereum—ito na ang pinakamababa sa buong taon. I-compare mo sa baseline noong Pectra pa na 259, bumagsak ng mahigit 90% ang sentiment ngayon.

Nasa nature ng upgrade ang dahilan kaya ganito. Ang Pectra upgrade ay protocol-level improvement na nagpakita ng mas mabilis na scaling, mas efficient na network, at mismong user experience at fees ang naapektuhan. Pero ang ERC-8004, application-layer standard siya. Sa structure, mahalaga ito, pero parang maaga pa masyado at ‘di pa ramdam ng karamihan ng market ang kabuuang benepisyo.

Sa madaling salita, malaki ang epekto ng ERC-8004 para sa future ng Ethereum. Pero malinaw sa sentiment data na hindi pa ito binibigyang bigat ng market ngayon.

Nagiipon na ulit ang mga whale Habang Umaangat ang RSI, Pero Nag-iingat pa rin ang Smart Money

Habang sobrang hina pa rin ng sentiment, mukhang iba naman ang kwento sa on-chain behavior ng mga investors. Pero tingnan muna natin ang price chart!

Technical analysis muna: Kamakailan, nagpakita ang Ethereum ng hidden bullish divergence mula December 18 hanggang January 25. Mas mataas na low ang ginawa ng presyo, tapos mas mababa naman ang low ng Relative Strength Index (RSI)—measurement ‘yan ng momentum. Kadalsan, ibig sabihin nito na humihina na ang selling pressure, hindi pa ibig sabihin nag-umpisa na ng panibagong bull run. Nagkaroon ng rebound kasunod nito, na tumulong din para maiwasang mag-breakdown ang bear flag.

Kailangan lang ngayon ng Ethereum na makagawa ng daily close na mas mataas sa $3,160 para tuluyang matalo ang bearish pattern.

Breakdown Averted
Breakdown Averted: TradingView

Kasabay ng pagiging stable ng presyo at pag-asa na baka hindi matuloy ang bear scenario, sumali na ang mga malalaking holders. Ethereum whales nadagdagan ang hawak mula 104.18 million ETH patungong 104.61 million ETH pagkatapos i-announce ang ERC-8004. Ibig sabihin, halos 430,000 ETH ang dinagdag nila. Sa average price, umaabot ito mga nasa $1.3 billion na accumulation.

Ethereum Whales
Ethereum Whales: Santiment

‘Di ito yung maliit na pera na nag-papanic dahil lang sa headlines. Makikita mong very calculated ang mga galawan dito.

Pero may isang metric na hindi pa sumasabay sa bullish view na ‘yan. Ang Smart Money Index, na basehan kung anong ginagawa ng historically magaling mag-time ng capital, ay nasa ilalim pa rin ng signal line nito. Sa mga dating cycle, dun lang talaga nag-uumpisa ang matinding Ethereum rally kapag nalampasan ng index na ‘yan pataas ang signal line. Huling beses na nangyari ‘yon, tumaas ng halos 13% ang presyo. Sa ngayon, wala pa yung ganung confirmation.

Smart Money Index: TradingView

Kung susumahin lahat, malinaw ang signal: Nagiipon na ang mga whale habang mahina pa ang market, malamang pang long-term view nila ito. Pero ang smart money, hindi pa pumapasok para mag-chase ng momentum—tugma sa mahinang sentiment ngayon. Positioning pa lang ito, hindi pa speculation. Kaya malamang mababa lang ang immediate na price impact ng ERC-8004.

Mukhang Double Bottom Magbubukas ng Daan sa $4,000 na Ethereum?

Kailangan mo muna talaga maintindihan kung ano yung market sentiment at kung paano gumagalaw yung mga trader bago mo makita kung saan nga ba papunta ang presyo.

Kakabawi lang ni Ethereum mula sa posibleng pagbagsak at ngayon, mukhang nagfo-form ito ng double-bottom o “W” pattern sa daily chart. Ibig sabihin nito, may demand ulit tuwing bumabagsak sa parehong presyo, kaya may chance na mag-recover talaga kung mababasag yung mga resistance.

Itong structure na ’to, nagpapakita ng malinaw na sunod-sunod na mga resistance level.

Ang unang resistance zone malapit sa $3,160, tapos yung pinaka-critical na “neckline” ng double bottom nasa bandang $3,390 hanggang $3,400. Importante talaga itong level na ’to. Kapag tuloy-tuloy na nalampasan ng presyo ito, posible na mag-activate ang pattern at hindi lang puro suggest.

Ethereum Price Analysis
Ethereum Price Analysis: TradingView

Kapag nabawi at makonfirm ang break sa neckline na ‘yan, puwedeng tumaas pa ang target price na malapit sa $3,790 at $4,170. Pero kung gusto pa umabot hanggang $4,410, hindi lang lakas ng presyo ang kailangan—kailangan pa talaga ng matinding bullish sentiment at malakas na galaw ng smart-money investors.

Kung walang kumpirmasyon, potential lang ang pattern at hindi pa ito maging trigger para mag-buy. Kapag bumaba naman sa ilalim ng $2,930, mas lalong hihina ang case sa recovery. Pero kung mabasag pa ang $2,780, mababasura na ang double bottom at posibleng bumagsak pa lalo ang presyo ng Ethereum.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.