Inanunsyo ng Federal Bureau of Investigation (FBI) na nahuli na nila si Ryan Wedding dahil sa kaso ng cocaine trafficking at pagpatay. Ayon sa FBI, si Wedding ay ‘di lang basta involved kundi nagpatakbo pa raw ng isang international na drug trafficking operation na ginamitan ng cryptocurrency para itago at i-move ang kanilang kita.
Ipinapakita ng pangyayaring ‘to na patuloy lumalaki ang role ng digital assets—lalo na ang stablecoin payments—sa mga ilegal na ginagawa pagdating sa finance.
Natapos ng FBI ang 10-Taon na Paghahanap
Ayon sa FBI, inaresto ng mga otoridad si Wedding, 44-anyos at dating Canadian Olympic snowboarder, nitong Huwebes ng gabi. Matagal na raw syang hinahanap—umabot pa ng sampung taon kaya kasama sya sa pinaka-wanted ng Department of Justice.
Sinabi naman ng mga awtoridad sa Mexico na kusa raw sumuko si Wedding sa United States embassy sa Mexico City.
Konektado ang pagkakahuli kay Wedding dahil sa umano’y partisipasyon nya sa international drug trafficking operation ng isa sa pinakamalalaking criminal na grupo sa Mexico. Sabi pa ng mga otoridad, alam nilang gumagamit sya ng iba-ibang alias, gaya ng “El Jefe” at “Public Enemy.”
“Ayon sa impormasyon, pinapatakbo at kasali siya sa isang international drug trafficking operation na regular na nagpapalusot ng daan-daang kilo ng cocaine mula Colombia, dadaan sa Mexico at Southern California, papuntang US at Canada—bilang miyembro ng Sinaloa Cartel,” ayon kay FBI Director Kash Patel sa isang social media post.
Noong 2024, inanunsyo ng FBI ang $15 million na reward kung sino man ang makakapagbigay ng info na pwedeng maging susi sa pagkakahuli niya.
Dalawang buwan na ang nakalipas nang ibunyag ng isa sa mga pangunahing prosecutor na si Bill Essayli sa isang press con na si Wedding din daw ang responsable sa pagpatay ng isang witness na binaril limang beses sa ulo sa loob ng isang restaurant sa Colombia nitong January.
Binanggit din ng mga otoridad na ang operasyon ni Wedding ay nakadepende sa cryptocurrencies para mag-launder ng pera at maglipat ng pondo sa iba’t-ibang bansa.
Ginamit ang mga USDT wallet para itago ang kita
Ayon sa kaso, tinatago ng grupo ni Wedding ang malaking parte ng kita mula sa cocaine sales gamit ang US at Canadian dollars, pati mga cryptocurrencies.
Sabi ng mga otoridad, gumagamit daw ang grupo ng matinding Tether-based na sistema para matakpan ang galaw ng pera.
Pinaghihiwa-hiwalay daw ang malalaking halaga sa mas maliliit na transactions, tapos pinapadaan ito sa iba’t ibang USDT wallets bago makarating sa main Tether wallet na sinasabing si Wedding ang may hawak.
Lumabas din sa kaso na nitong November 2024, isang suspect pa ang nakatanggap ng nasa 2 milyon Colombian pesos para ituloy ang operasyon. Galing daw ang pesos na ‘yon sa cryptocurrency na naging bayad nila para sa mga 300 kilo ng cocaine.
Pangkaraniwan lang ang kaso ni Wedding sa mga bagong lumalabas ngayon. Nitong buwan lang, kinasuhan din ng DOJ ang isang Venezuelan national dahil sa paggamit ng crypto sa isang $1 billion mag-launder na scheme.
Sa kabila nito, umabot sa all-time high ang cryptocurrency crime nitong 2025.
Ayon sa blockchain analysis firm na Chainalysis, ang mga address na konektado sa illegal activities nakakuha ng at least $154 billion nitong nakaraang taon—tumaas ng 162% kumpara sa 2024.