Bumagsak ang presyo ng Solana (SOL) sa ilalim ng $120 habang tuloy-tuloy ang paglabas ng pera. Nagiging mas maingat ang mga investor kaya malaking tanong ngayon kung ano pa ang pwedeng gawin ng Solana para hikayatin ang mga holders na manatili.
Maraming bagong nangyayari ngayon sa Solana ecosystem na mukhang pwedeng magbigay ng bagong momentum para matapatan yung lumalakas na selling pressure sa buong market.
May mga Bagong Catalyst sa 2026 na Pwede Magpaangat sa Presyo ng SOL
Nababahala ang mga analyst na yung pagbaba ng SOL sa ilalim ng $120 ay bearish signal na baka magtulak pa pababa ng presyo.
Simula pa 2024, nabubuo na yung malaking head-and-shoulders pattern na ngayon mukhang pwedeng magpabagsak ng SOL hanggang $50 area kung mananatiling pangit ang market conditions.
Pero, may chance din na magbounce-back ang SOL at bumawi ng matindi kapag bumalik ang demand.
Kabilang sa mga kapansin-pansin na developments yung bilis ng pagdami ng daily active addresses sa Solana launchpad platforms.
Ayon sa data mula sa CryptoRank.io, nitong January 27, 2026, umabot na sa higit 300,000 ang active addresses — first time ulit nangyari ito after ilang buwan kaya nagkaroon talaga ng matinding spike sa activity.
Papalapit na rin sa $200 million kada araw ang trading volume sa mga launchpad na ito, at umabot na sa 44,000 kada araw ang bagong tokens na nilulunsad.
Sa buong Solana ecosystem, tumaas na rin sa 4.4 million ang daily active addresses, 16% na mas mataas kumpara sa end ng nakaraang taon — senyales na nagkakaroon na ulit ng buhay ang ecosystem matapos ang tahimik na mga buwan.
Madalas, kapag dumadami ang active addresses, nagkakaroon agad ito ng direktang positive na effect sa presyo ng SOL, dahil mas maraming totoong users ang nangangailangan ng SOL para pambayad ng transaction fees.
Dumadami ang Stablecoin, Mas Malaki ang Liquidity ng Solana
Mahalaga rin yung mabilis na paglaki ng stablecoin na USD1 sa Solana.
Base sa DefiLlama, yung USD1 — isang stablecoin na attached sa World Liberty Financial — grabe ang growth ngayong January. Umakyat na sa lampas $5 billion ang total market cap, at nasa $610 million na agad ang umiikot lang sa Solana.
Pinakamabilis lumaki ang USD1 sa Solana ngayong buwan— halos 300% ang itinaas ng market cap nito kumpara sa ibang blockchain networks.
“Yung USD1 ng World Liberty Financial ang pinaka-fastest growing tokenized asset ngayon sa Solana… Malaki ang naging impact ng institutional adoption at mga incentives sa mga platform gaya ng Binance para palakasin ang paglago nito,” comment ni crypto investor na si Aman dito.
Sinabi naman ni Mello, ang Solana Ecosystem Lead ng World Liberty Financial, na plano nilang gawin ang USD1 bilang pinaka-kapaki-pakinabang na stablecoin sa Solana. Malaking tulong ito kasi nagdadala ng tunay na liquidity, nagpapalaki ng trading volume, bumubuhay ng transaction activity, at pwedeng mag-support sa presyo ng SOL sa long term.
Bumabalik ang Privacy Hype Kasama ang GhostSwap
May iba pang developments gaya ng pag-launch ng GhostSwap ng GhostwareOS na nagpapalaki sa Solana ecosystem, lalo na yung focus nila sa privacy.
Sa totoo lang, privacy ang isa sa mga pinaka-mainit at interesting na tema ng mga investor ngayong 2026.
Ang GhostSwap naman ay private cross-chain swap platform. Pwede kang maglipat ng assets papuntang Solana nang di na lalantad yung mga detalye ng transaction mo.
Pinredict ng mga analyst na baka sumabay na rin ang GHOST sa rally ng iba pang privacy coins. May forecast nga na baka umabot ito ng $100 million market cap sa lalong madaling panahon.
Sa short term, ang demand para sa GHOST pwedeng magbigay ng suporta sa presyo ng SOL, lalo kung active ang trading ng mga GHOST/SOL pairs sa mga decentralized exchange.
Pang-matagalan, tinatarget ng GhostwareOS na maging “The Privacy Layer of Solana.” Nagpapalakas ito ng branding ng Solana bilang mas flexible na blockchain — hindi lang puro meme coins at DeFi — kundi pati na rin sa privacy-focused infrastructure.
Maganda lahat ng mga development na ‘to, pero baka hindi pa nila agad mapataas ang presyo tulad ng matinding galaw ng market sentiment. Pero sa long term, posibleng maging matibay na growth driver ang mga ‘to para sa mga investor na marunong maghintay at samantalahin ang magandang timing sa Solana ecosystem.