Sinabi ng kontrobersyal na founder ng FTX na si Sam Bankman-Fried (SBF) sa isang bagong report na hindi kailanman insolvent ang kanyang crypto empire kahit nag-bankrupt ito. Tinuturo niya na ang mga bankruptcy lawyer, hindi ang fraud, ang may sala sa pagbagsak na yumanig sa global crypto markets noong 2022.
Mabilis na naglabasan ang matitinding reaksyon mula sa mga blockchain investigator. Inakusahan ni crypto sleuth ZachXBT si SBF na nililinlang na naman ang mga tao at sinusubukang ilipat ang sisi.
Ano’ng Nasa Likod ng Pagbagsak ng FTX
Ipinost sa X (dating Twitter) ang report na may pamagat na “FTX: Where Did The Money Go?,” na gawa nina Bankman-Fried at ang kanyang team. Sa report, ipinaliwanag niya kung paano ang $20 bilyon mula sa pitong milyong FTX customers ay naging $8 bilyong utang noong November 2022 collapse.
“Sa loob ng ilang taon, wala talagang naibalik sa customers. Saan napunta ang bilyon-bilyong yun? Ang sagot, hindi ‘yan umalis. Hindi kailanman naging insolvent ang FTX. Lagi namang sapat ang assets para mabayaran ang lahat ng customers — buo, in kind — noong November 2022 at pati ngayon,” sinulat niya.
Ipinunto ni Bankman-Fried na noong panahong yun, nasa $15 bilyon daw ang assets ng exchange. Binanggit niya ang internal filings mula sa 2023 presentation ng FTX sa creditors, kung saan nakalista ang assets tulad ng crypto holdings, venture investments, at real estate.
Tinukoy ng report na matapos ang dalawang taon na delay, in-announce ng estate na mababayaran ang lahat ng customers ng 119% hanggang 143% ng original na amount. Dinagdag ni SBF na mga nasa 98% ng creditors ang nakakuha na ng 120%, at pagkatapos magbayad ng $8 bilyon sa claims at $1 bilyon sa legal fees, may natira pang $8 bilyon ang estate. Ginagamit niya ang resultang ‘to bilang patunay na laging sapat ang assets ng FTX para mabayaran nang buo ang customers.
Pero kinilala rin ng report ang kritisismo na US dollar equivalents base sa November 2022 prices ang bayaran, hindi in-kind crypto. Ibig sabihin, kung may Bitcoin o Ethereum ka noon, mas mababa ang matatanggap mo kumpara sa current market value.
“Natural lang na isipin na dahil sa two-year delay, imposible nang mabayaran ng FTX ang mga customer noong 2022, na ang dollarization ay dahil kulang ang assets ng FTX para magbayad in kind, at na kaunti na lang ang matitirang value para sa equity investors pagkatapos mabuo ang bayad sa mga customer. Pero lumalabas, laging sapat ang assets ng FTX para bayaran ang lahat ng customers, in kind, at magbigay pa ng matinding value sa mga equity holder. ‘Yan ang mangyayari sana kung hindi kinuha ng mga lawyer ang FTX,” sabi sa report.
Sinisi ni SBF ang legal team sa pagbagsak ng FTX
Diretsong isinisi niya ang pagbagsak sa legal advisors ng FTX. Sinisisi ng report ang Sullivan & Cromwell (S&C), ang law firm na humawak sa bankruptcy ng FTX, at si John J. Ray III, na pumalit sa kanya bilang CEO ng FTX pagkatapos ng pagbagsak.
Inakusahan niya ang firm na “kinuha ang control” ng exchange noong November 2022 at nag-file ng bankruptcy kahit iginiit niyang solvent pa ang kumpanya.
“Nasa track na sanang ma-resolve ito bago matapos ang buwan — hanggang sa kunin ng external counsel ng FTX ang control. Hindi kailanman naging bankrupt ang FTX, kahit nung inilagay ito ng mga lawyer sa bankruptcy,” sabi ni SBF.
Ayon kay Bankman-Fried, kumilos ang S&C at si Ray para sa pansariling interes. Hinanap nila ang control sa bilyon-bilyong assets ng FTX para kumolekta ng malalaking professional fees. Binanggit niya ang court filings na nagpapakitang nasa $1 bilyon na ang nagastos sa legal at consultancy fees sa bankruptcy process.
Sinabi rin ng dokumento na ilang oras lang matapos makuha ang control, sinibak ni Ray ang mga key FTX staff na nakakaintindi sa systems ng kumpanya at dineklarang “hopelessly insolvent” ito.
Ipinunto ni Bankman-Fried na kung nagpatuloy sa pag-operate ang exchange, ang assets ng FTX — kasama ang holdings sa Solana, Robinhood, Anthropic, at Sui — aabot sana sa nasa $136 bilyon ngayon. Pero imbes, inaakusahan niya na ibinenta ng bankruptcy team ang mga asset na ito sa presyong “fire-sale,” na nagbura ng mahigit $120 bilyon na potential value.
“Mahigit $120 bilyon ‘yan ng nawalang value sa ngayon. $120 bilyon na sana napunta sa stakeholders ng FTX kung literal wala sanang ginawa ang Debtors,” diin ng report.
Ilan sa mga halimbawa na binanggit niya:
- Ang stake sa Anthropic, isang AI startup na ngayon nasa $183 bilyon ang valuation, ay naibenta ng mas mababa sa $1 bilyon.
- Ibinenta ng team ang Robinhood shares ng kumpanya sa nasa $600 milyon pero higit $7 bilyon na sana ang halaga ngayon.
- Nagbenta rin sila ng mga nasa 58 milyong Solana tokens sa $3.3 bilyon — mas mababa sa kalahati ng tinatayang value nito ngayon.
Sabi pa ng report, “itinapon” daw ng estate ang FTT, ang native token ng FTX, at tinawag itong walang value. Pero nagte-trade pa rin ito na may market cap na higit sa $300 milyon.
Ayon sa kalkulasyon ni Bankman-Fried, umabot sa $138 bilyon ang nawalang value mula sa mga bentahang ito, kasama ang government settlements at professional fees — perang iginiit niyang puwede sanang napunta sa customers at equity investors.
Iba nang todo ang larawan na ipinapakita ng report kumpara sa narrative na lumabas sa 2023 criminal trial ni Bankman-Fried. Hinatulan siya ng korte sa fraud at sinentensyahan ng 25 taon na pagkakakulong.
Inakusahan ng imbestigador ng crypto si SBF na binabaluktot ang facts
Samantala, hindi nagustuhan ng crypto community ang mga bagong pahayag ni Bankman-Fried. Sa reply, ang kilalang blockchain investigator na si ZachXBT nag-post:
“Binayaran ang mga creditors base sa crypto prices noong November 2022 bankruptcy ng FTX, hindi sa current prices, kaya nalugi nang malaki ang mga users kung hawak nila noon ang mga asset tulad ng SOL o BTC. Yung mga illiquid na investment na mas mataas ang value ngayon, tsamba lang ’yon. Kita namang wala ka pa ring natutunan sa oras mo sa kulungan at inuulit mo lang ang parehong maling info gaya dati.”
Sinabi rin ng investigator na ina-exploit ng dating FTX CEO ang fact na halos lahat ng FTX-related na asset at investment ay tumaas ang value mula sa market low noong November 2022.
Binanggit niya na kahit nag-rebound, hindi nito binabago ang realidad na noong panahon ng bankruptcy, kulang ang FTX sa liquidity (sapat na pondo) para ma-fulfill ang withdrawals ng customers. Ayon sa kanya, sinusubukan ni Bankman-Fried na ibaling ang sisi.