Trusted

Gaano Ka-Secure ang Cryptocurrency? Based on the Securities Regulation Code of the Philippines

7 mins
In-update ni Сedrick Сabaluna

Sa panahon ngayon, usong-uso ang cryptocurrency. Maraming Pilipino ang nag-iinvest sa Bitcoin, Ethereum, at iba pang digital assets para kumita o protektahan ang kanilang pera laban sa inflation. Pero ang tanong, gaano nga ba ka-secure ang cryptocurrency sa Pilipinas?

Marami ang natatakot na baka scam ito, lalo na’t maraming nababalitang hacking incidents at biglang pagbagsak ng presyo ng crypto. Kaya naman mahalagang maintindihan kung paano pinoprotektahan ng batas ang mga nag-iinvest sa cryptocurrency, lalo na ang Securities Regulation Code of the Philippines (SRC).

Sa article na ito, pag-uusapan natin kung paano gumagana ang cryptocurrency, kung paano ito nire-regulate sa Pilipinas, at kung anong proteksyon ang meron para sa mga investors.


Ano ang Cryptocurrency at Paano Ito Gumagana?

Ang cryptocurrency ay isang uri ng digital asset na ginagamit bilang pera o investment. Hindi ito hawak ng bangko o gobyerno, at gumagamit ito ng blockchain technology para sa seguridad at transparency. Sa madaling salita, ang “blockchain technology” ay ang nagsisilbing taga-facilitate ng pag-record ng mga transaction at at pag-track ng mga asset, kagaya ng cryptocurrency, sa isang business network. 

Ayson sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang mga “virtual currency” ay isang type ng digital currency na ginawa ng mga community ng mga online users—ito ay nakalagay sa mga electronic wallets ang generally ay ginagamit para mag-transact online. Ito rin ay hindi issued o kaya’t guaranteed ng mga central banks or government authorities, hindi kagaya ng actual cash o fiat money.

Paano Gumagana ang Cryptocurrency?

Para mas maintindihan natin paano gumagana ang cryptocurrency, ito ang isang simpleng illustration kung paano ba gumagana ang Bitcoin, ang pinaka-popular na cryptocurrency ngayon:

  1. Pag-set up ng user ng isang Bitcoin wallet sa kanyang computer or mobile device.
  2. Pag-load ng funds sa Bitcoin wallet—maraming ways para gawin ito, tulad ng pagbili sa isang Bitcoin exchange, trading platform, or kahit directly mula sa ibang users na gumagamit din ng Bitcoin; pag-transfer ng Bitcoin to or from other Bitcoin users bilang payment for goods and services; at ang pag-award ng Bitcoin for performing validation of Bitcoin transactions, kadalasang tinatawag din na “mining.”
  3. Pag-initiate ng Bitcoin transaction at pag-validate nito.
  4. Pagkatapos ma-validate ang transaction, ito na posted sa public ledger. Ang “public ledger” naman ay isang transparent, decentralized, at immutable na record ng mga transaction na available at accessible sa lahat—walang isang nagmamay-ari nito at ito ang kadalasang ginagamit sa blockchain technology.

Key Features ng Cryptocurrency:

  • Decentralized – Walang isang central authority na kumokontrol sa cryptocurrency tulad ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa fiat money o “legal tender.” 
  • Anonymous Transactions and Electronic Payments – Hindi kailangan ng personal na impormasyon sa maraming crypto transactions. Pwede rin itong gamitin as payment para sa mga goods at services na offered online. Dahil dito, mas nabibigyan ng support ang ating growing e-commerce industry.
  • Blockchain Technology – Lahat ng transaksyon ay nasa public ledger, kaya mahirap itong dayain. Gaya ng nabanggit kanina, ang public ledger ay transparent at decentralized na public record.
  • High Volatility and Financial Inclusion – Mabilis tumaas at bumaba ang presyo nito, kaya may risk at reward sa pag-iinvest dito. May potential din ang cryptocurrency na mapa-expand ang financial inclusion, dahil ito ay pwedeng gamitin to expand financial services para sa mga low-income Filipinos at para doon sa mga nakatira sa malalayong lugar na kung saan walang mga traditional financial service providers kagaya ng mga banks. Bakit? Dahil sa pagiging cost-efficient ng virtual currency transactions at dahil madaling mag-adapt ang mga Pilipino sa digital platforms and mobile technology.

Oo, legal ang cryptocurrency sa Pilipinas pero may mga regulasyong ipinapatupad ang gobyerno upang mas maprotektahan ang publiko!

Ito ang iilan sa mga batas na ni-reregulate ang cryptocurrency—o kung kaya’t tawagin ay “virtual currency.”

1. Securities Regulation Code (SRC)

Ayon sa Securities Regulation Code of the Philippines (R.A. 8799), anumang investment na nangangailangan ng pera kapalit ng profit ay classified bilang security. Kapag ang isang crypto project ay nangangako ng tubo sa investors, dapat itong magrehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Halimbawa: Kung may isang bagong crypto token na nangangako ng 10% return kada buwan, ito ay maaaring i-classify bilang security. Kaya, dapat itong magparehistro sa SEC para legal na mag-operate sa Pilipinas.

2. BSP Regulation on Virtual Currency Exchanges: Guidelines for Virtual Currency

Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay naglabas ng Circular No. 944 (Guidelines for Virtual Currency [VC]) noong 2017 na nagsasabi na lahat ng crypto exchanges (tulad ng Binance, Coins.ph) ay dapat magparehistro at sumunod sa Anti-Money Laundering Act (AMLA). May iilang requirement ang regulasyon na ito para siguraduhing protektado ang publiko tuwing involved ang cyrpocurrency sa kanilan mga transaction:

  • Dapat may lisensya mula sa BSP bago mag-operate. 
  • Kailangang sumunod sa Know-Your-Customer (KYC) regulations para maiwasan ang money laundering at fraud. 
  • Dapat may security measures upang maiwasan ang hacking at pagkawala ng pera ng users.

Paano Ka Mapoprotektahan Bilang Crypto Investor?

Dahil may mga batas na nagre-regulate sa cryptocurrency, mahalaga ring malaman kung paano maprotektahan ang iyong sarili bilang isang crypto investor sa Pilipinas.

Gamitin lamang ang mga BSP-registered crypto exchanges tulad ng Coins.ph at PDAX. Kapag ang platform ay walang BSP registration, malaki ang posibilidad na ito ay scam o hindi secure. Ngunit sinasabi din sa SRC, na may karapatan ang investors na magreklamo sa SEC kung naloko sila ng isang crypto investment scheme. Maaari kang magsampa ng kaso kung ikaw ay naging biktima ng fraudulent crypto transactions.

2. Huwag Magpapadala ng Pera sa Hindi Rehistradong Investment Schemes

Tandaan, kung parang too good to be true, malamang scam ito. Maraming crypto scams na nangangako ng high returns tulad ng “double your money” o “10% daily profit.” Sabi nga nila, only scammers will guarantee profits or big returns.

3. Iwasan ang Phishing at Hacking

Gumamit ng strong passwords, two-factor authentication (2FA), at huwag mag-click sa mga kahina-hinalang links na posibleng makasira sa iyong crypto wallet.


Ano ang Risk ng Pag-iinvest sa Cryptocurrency?

Bago ka mag-invest sa cryptocurrency, dapat mong maintindihan ang risks na kasama nito.

1. Market Volatility

Prices change quickly. Ang presyo ng Bitcoin at iba pang cryptocurrencies ay mabilis magbago. Maaaring lumaki ang iyong kita, pero maaari ring malugi nang malaki sa loob lang ng ilang oras. Ayon sa BSP, ang value ng mga virtual currency ay nakadepende lamang sa supply and demand. Halimbawa, ang value ng isang cryptocurrency ay mag i-increase dahil maraming gusto kumuha nito, and decreases kapag may mga unpleasant na incidents o kaya’t negative na news tungkol sa particular na cryptocurrency.

2. Regulatory Risks

Dahil hindi pa fully regulated ang crypto sa Pilipinas, may posibilidad na magkaroon ng bagong batas na maaaring makaapekto sa iyong investment. Importante rin na malaman na sa Pilipinas, hindi considered as “deposits” ang mga virtual currency. Kaya naman in case na tumigil mag operate ang mga virtual currency, ang mga holders nito ay hindi pwedeng mag claim ng deposit insurance galing sa Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).

3. Security Risks and Potential for Unlawful Use

Ang crypto wallets at exchanges ay madalas targetin ng hackers. Marami nang nawala ang kanilang investments dahil sa hacking incidents. Gaya ng nabanggit kanina, virtual currency transactions have a high degree of anonymity—dahil dito, ang mga creator, senders, and receivers ay madaling makapag-transact without knowing ang kani-kanilang mga totoong identity. 

4. Scam at Fraud

Kagaya ng mga ibang online assets, ang cryptocurrency at pwede maging subject to hacking, theft, virus infection, at other cyber threats. Maraming Ponzi schemes at rug pulls sa crypto space. Maraming Pilipino ang naloko ng mga investment scams na gumagamit ng cryptocurrency.


Ano ang Hinaharap ng Cryptocurrency sa Pilipinas?

Dahil patuloy ang paglago ng crypto market, siguradong mas magiging mahigpit ang regulasyon sa mga susunod na taon. Base sa draft rules for Crypto Asset Service Providers (CASPs), ito ang ilang posibleng mangyari:

  • Mas Mahigpit na Regulations ng SEC at BSP – Upang maprotektahan ang investors laban sa fraud at scam, required na mag file ng detailed disclosure agreements ang mga entities na involved a public offerings ng crypto-assets at least 30 days before any marketing activities with the SEC.
  • Mas Malawak na Adoption ng Crypto Payments – Mas maraming negosyo ang maaaring tumanggap ng crypto bilang bayad. Nitong January 2025, nagkaroon ng stakeholders submission tungkol sa paraan upang mas sustainable, secure, at transparent ang mga crypto-asset activities. 
  •  ✔ Government-Backed Digital Currency – Posibleng magkaroon ng Central Bank Digital Currency (CBDC) na ipapalabas ng BSP—isang form of digital money, denominated in the national unit of account, which is ia direct liability of the central bank, na magagamit sa mga financial intermediates or by the wider economy.

Conclusion

Ang cryptocurrency ay isang exciting pero risky investment. Legal ito sa Pilipinas, pero kailangang sumunod sa regulasyon ng SEC at BSP upang maprotektahan ang investors laban sa scams at fraud. Bilang isang crypto investor, dapat kang maging maingat sa pagpili ng exchanges, pag-iwas sa scam, at pag-unawa sa iyong mga karapatan. Maaari kang gumamit ng isang case digest website upang alamin ang mahahalagang legal na desisyon at batas kaugnay ng cryptocurrency, na makakatulong sa pag-unawa ng mga regulasyong umiiral sa bansa. Laging tandaan na walang mabilisang pera sa crypto—ang tamang kaalaman at seguridad ang iyong pinakamalaking proteksyon.

Kung ikaw ay interesado sa crypto investing, siguraduhing sumunod sa mga regulasyon, gumamit ng lehitimong platforms, at huwag padadala sa mga pangakong sobrang laki ng kita.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.

image-1.png
Romarico Ayson Jr.
Si Romarico Ayson Jr. ay nakapagtapos sa UP Diliman sa kursong Speech Communication. Kasulukuyan siyang fourth-year student sa UP College of Law at Research Assistant sa UP Competition Law and Policy Program. Bilang estudyante, nakakapag-contribute na siya sa legal field bilang legal intern at writer para sa Digest PH.
BASAHIN ANG BUONG BIO